Chapter 53

95 1 0
                                    

Visit

Masyadong nakakakilig lang talaga ang 'I am fucking in love with her' ni Kenneth. 'Di ako sanay na naririnig ko 'yun galing sa kanya, na directly talaga para sa 'kin. Am I still dreaming? Baka nananaginip lang ako... tapos pag-gising ko, malalaman ko nalang na high school student palang ako, then later on going to face the reality.

Parang ang hirap tanggapin ang magiging realidad talaga.

Kung panaginip man ito ngayong nararanasan ko... ayoko nang magising.

Fortunately, this isn't really a dream. This is fucking real.

Hindi rin naman kami nagkita ni Kenneth pagkatapos ng mga rebelasyong 'yon kasama si Ian. Sinabi kasi ni Ian sa kanya na 'di pa talaga ako makakalabas ng campus hangga't 'di ko pa tinatapos ang summarization ng report. Hindi na umangal pa si Kenneth, dahil umalis na rin siya agad... dahil nga'y napadaan nga lang siya.

"Tapos na rin naman ako, eh," sambit ko nang nagpakita na ako kay Ian. "Sana 'di mo pa pinaalis si Kenneth," I added.

"Tapos makikita ko ang ka-sweet-an niyo?" he mockingly guessed. Napansin niya naman na nahihirapan na ako sa mga dala ko ngayon. "Ako na d'yan." Kinuha niya sa 'kin ang mga ibang libro at papel na hawak-hawak ko.

I pouted. "'Di ko inakalang matatanong mo ang mga 'yon kay Kenneth," I opened the topic up.

"Nakinig ka talaga sa buong pag-uusap namin?" he asked. I nodded. He responded at my sentence instead, "I just... had the urge to ask him."

"Na-insecure ka talaga sa kanya noon?" tanong ko.

"Oo, eh," he honestly answered. "Kasi... mas gwapo naman ako sa kanya, pero siya pa ang mas nagustuhan ni Leslie," pilyong sambit niya.

Inirapan ko siya. "Ewan ko sa 'yo," saad ko.

Natawa siya. "Totoo naman, ah?"

"Ang babaw ng dahilan ng pagiging insecure mo!" sumbat ko.

"Basta 'yon ang rason ko, eh. Valid na 'yun para sa 'kin," he uttered. Alam kong may mas malalim pa doon, kaysa sa sinasabi niyang mas gwapo pa siya kay Kenneth. Prangka na kung prangka. Mas gwapo si Kenneth kaysa kay Ian.

Sabay nalang daw kami ni Ian na mag-commute pauwi sa sarili naming mga pamamahay. Matatagalan pa nga ata kaming umuwi dahil traffic. Kaya habang naghihintay na bumilis ang daloy ng trapiko, ang nagawa nalang namin ay magkwentuhan.

"Nakadalaw ka na ba kay Naiser?" he asked.

Umiling ako. "Busy, eh," sagot ko.

"Sus," he scoffed. "Ako nga rin, busy, pero nagawa ko pa ring bisitahin si Naiser," pagmamalaki niya. "Palibhasa, busy ka sa Kenneth mo."

"Hindi naman ako nabi-busy kay Kenneth, eh!" bulyaw ko pabalik. Alam kong nawiwirduhan na sa amin ang taxi driver sa harapan namin. "Seryosong busy din ako sa school. Sa tingin mo bang, madali lang ang maasahan ng mga kaklase pagdating sa pag-summarize ng buong report?!"

He laughed. "Bisitahin mo na kasi si Naiser!" giit niya. "Nami-miss ka rin no'n!" he joked. "Naku, itong babaeng 'to. Nagtu-two time." I heard him mutter.

"Excuse me! 'Di ako nagtu-two time!" I shot back. Totoo naman, ah! Hindi naman kasi naging kami ni Naiser, tapos wala na si Naiser! Pagtu-two time ba ang ginagawa ko sa lagay na 'to?!

"Mahal mo si Naiser. Mahal mo si Kenneth," palalokong giit niya. He is making fun of me by giving such weird looking faces. He also stuck out his tongue just to annoy me. "Sinong pipiliin mo sa dalawa, Blanche?" He laughed and laughed. Pinalo ko naman siya sa braso.

The Plan (The Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon