Chapter 35

106 2 0
                                    

Déjà vu

Hindi ko talaga alam kung ano nang nararamdaman ko kay Naiser. Napapansin ko na, eh. Sa tuwing bumabanat siya, humaharentado na talaga itong puso ko. Pero hindi ko talaga makumpirma na totoo ba talaga itong ipinapakita niya o sadyang loko-loko lang talaga siya. I'm not yet sure of his actions. But the way he said it to me, three years ago, parang ang sincere niya. Parang… seryoso talaga siya sa plano niya.

It has been weeks. Halos si Naiser na talaga ang nakakasama ko. Kainis nga 'yon, eh. Nakakasama ko lang siya noong nakaraang araw, grabe na siya kung sumulpot sa tabi ko. Hindi ko na nga nakakasama sina Xavierre nang dahil lang sa kanya. Mabuti naman at mahaba ang pasensya nila. Kapag si Ian naman kasama ko, bigla-bigla akong hihilahin ni Naiser, tapos lalait-laitin si Ian. Ian knew about Naiser’s plan, kung kaya't naiintindihan niya naman kapag gano'n siya.

"Ano ba talagang label niyo ni Naiser, ha?" mariin na tanong sa akin ni Xavierre, habang mapayapa kaming kumakain ng lunch.

"Oo nga. Naka-move on ka na ata kay Kenneth, kaya gan'yan na kayo ka-sweet ni Naiser ngayon," giit naman ni Monica. But showed a grin afterwards, "Pero nakakakilig kayo, ha!"

"Ewan ko sa inyo," tanging nasabi ko nalang dahil 'di ko rin talaga alam kung anong meron sa amin ni Naiser. Hindi ko rin naman alam kung nanliligaw ba siya, o gano'n lang talaga siya makitungo sa akin. Sabi niya, magiging girlfriend niya lang ako kapag gumaling na siya. And I was too overwhelmed to accept his offer. But even it's overwhelming, sana nga gumaling siya. Para na rin sa sarili niya.

"Ikaw, Blanche, ha. Natututo ka nang lumandi," Addison suddenly uttered, "I'm quoting on what Amanda said,'You're just freaking eighteen.'"

Napairap naman ako nang dahil sa sinabi niya, "Ano ba talaga problema niyo sa edad ko, ha?"

They responded with a laugh.

Since tapos na nga ang aming prom night, ibig sabihin, magsisimula na ang hectic schedule para sa amin. Pinatuloy na namin ang aming thesis, nagsisimula na magreview para sa final exams. Nagpapasalamat nalang talaga ako dahil nakakayanan talaga namin.

Isang buwan nalang, magga-graduate na kami… finally. Matatapos na namin itong high school. At sa tingin ko naman, lahat kami'y pasado. Pasaway man kami, hindi naman kami pabaya sa pag-aaral. Nakakayanan talaga namin ang hirap.

Laking pasalamat ko nalang nang binigyan kami ng free time. Grabe ang tutok ko doon sa laptop nang dahil patuloy lang din ang pagtatype para sa thesis. Sa aming grupo, ako ang nakatoka sa pagtatype ng mga kanilang nai-survey o nai-research.

Nagawa ko pang mag-ikot sa buong building nang dahil sa oras na inilaan para sa aming free time. Hanggang sa nakarating ako sa dati kong tambayan noong junior high school palang ako. 'Yung dulo ng hallways. Hanggang ngayon talaga, wala talagang tao ang dumaraan dito. Ito na talaga ang tambayan ko in my whole high school life.

Umupo ako sa sahig, at lumabas naman nang malalim na hininga. I'm too damned drained from all that typing, and let us say, research. Makakatulog na sana ako, eh. Kung hindi lang epal ang dumating ngayon sa harapan ko.

"Limited lang ang oras natin, kaya huwag kang matulog d'yan," Ian interrupted my peaceful mind.

"Para kang kabute, 'no? Pasulpot-sulpot ka nalang nang 'di inaasahan," masungit kong saad sa kanya.

"Ba't kay Naiser, hindi ka nagrereklamo, kung bigla-bigla naman siyang sumusulpot sa tabi mo?" giit niya naman sa akin. "Kahit pareho lang ang strand nating lahat, siya lagi ang kasama mo. Hay naku, Blanche."

Hindi na ako umimik sa sinabi niya. Halos lahat, pareho ang kinuhang strand. We all chose STEM, dahil sabi daw mas malaki ang advantage namin kapag ito 'yung kinuha namin. Desidido naman talaga ako sa pag-aabogado ko. Gano'n na rin si Ian. Kaya minsan, ang tawagan namin dalawa ay 'Attorney'.

The Plan (The Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon