PROLOGUE

2.2K 24 0
                                    

Hindi ko inakala na dadating ang araw na ito, na ang paborito naming tagpuan ay siyang magiging paalamanan. Na ang lugar kung saan kami bumuo ng mga alaala ay magiging alaala na lang.

Walang tigil ang pagbuhos ng ulan kasabay ng walang tigil na pagpatak ng mga luha ko. Sa dinami-dami ng tao sa mundo hindi ko manlang inakala na magagawa niya 'to sa'kin. Sa lahat ng tao na nakilala ko, siya lang 'yung lubos na pinagkatiwalaan ko. Sa lahat ng tao na nasa paligid ko, sa kanya ko lang ibinigay ang puso ko. Sa ngayon, umaasa nalang ako na maibsan ng kapeng iniinom ko ang lamig na aking nararamdaman.

"Gaea." How I wish that it is the butterflies in my stomach that I am feeling whenever I hear his voice just like before......... but now, it's pure disgust.

Hindi ko na kailangang humarap upang malaman kung sino ang tumawag sa pangalan ko. Mukhang hindi ko rin naman kakayanin na harapin ang tao na ito nang walang luha sa mga mata.

Tinititigan ko lamang ang bawat galaw niya, tulad ng dati, ang kaibahan lang, dati ay sobrang saya ko tuwing makakapag date kami sa Café na ito, ngayon, ni hindi ko kayang tignan ang mga mata niya. Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin.

I will always remember. It's his eyes that I like the most. That's where I fell in love first. 

May pag-aalangan siyang umupo,hindi na nag abala pang um-order.

Nanatiling nakayuko ang aking ulo at pilit pinipigilan ang pagpatak ng mga luha. He should not see me like this. I should be strong, not this... weak, because we both know that whenever I'm weak it is him who I need. At sa pagkakataong 'to kailangan masanay na 'kong hindi siya kailanganin.

"Gaea." Tawag niyang muli sa'kin sabay hawak sa kamay. Kung dati ay hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang kilig ko tuwing gagawin niya sa'kin 'to, ngayon, mabilis pa sa alas kwatro ang pagtanggal ko sa kamay niya.

Tila ba may kuryente na dumadaloy sa kanya at kung ayaw kong masaktan ay dapat akong bumitaw. Tila ba may apoy sa kanyang kamay na kung ayaw kong mapaso ay kailangan kong lumayo.

"I'm sorry. Hindi ko naman sinasadya na itago sa'yo. Sasabihin ko rin naman. Humahanap lang ako ng magandang tiyempo. Patawarin mo n---."

"Putangina." Napatigil siya. Alam kong hindi niya inaasahan na lalabas 'to sa bibig ko. "Ilang sorry na ba ang sinabi mo? Ilang sorry pa ba ang kailangan kong i-reject para malaman na kahit anong gawin mo hindi kita mapapatawad." I look straight to his eyes while trying to hold back my tears pero hindi ako nagtagumpay. 

"Gaea, pakinggan mo naman ako. Kahit ngayon lang, kahit 5 minutes lang. Matapos mong marinig 'yung paliwanag ko tsaka ka magdesisyon--."

"Hindi ko na kailangan marinig ang paliwanag mo, Hades. Nakapagdesisyon na 'ko. Tapos na tayo."

"Pag-isipan mo naman muna. Kung kailangan ko na magmakaawa sa'yo, gagawin ko. Gusto mo ba lumuhod ako? Sabihin mo lang kung anong gusto mong gawin ko, gagawin ko kahit ano. 'Wag mo naman itapon basta basta 'yung ilang taon na pinagsamahan natin."

"Ang kapal din ng mukha mo, ano? Sana naisip mo 'yan bago mo 'ko niloko. Sana naisip mo 'yan bago mo 'ko ginago. Sana naisip mo 'yan bago mo sinimulang gawin 'yung mga katarantaduhan mo. Ayaw mo palang mapunta sa wala 'yung pinagsamahan natin eh, eh bakit ka nagsinugaling? Ganoon ba kahirap na sabihin sa'kin 'yung totoo? Ganoon ba kadali na paikutin at lokohin ako? Sana bago mo 'yun ginawa, inisip mo muna kung anong mawawala."

Hindi ko na napigilan 'yung sarili ko. Nasabi ko na, pero marami pa 'kong gustong sabihin, pero mukhang hindi ko na kakayanin. Pinakawalan ko na ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan simula nang dumating siya.

Walang nagsasalita sa'ming dalawa. Sa pagkakataong 'to siya naman ang nakayuko sa lamesa at yumuyugyog ang balikat. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya, tumingin ako sa labas, sinabayang muli ng pag iyak ang patak ng ulan. 

Ilang minuto ang lumipas at nagtaas na siya ng ulo dahilan kung bakit ako napatingin sa kanya. Agad ko namang iniwas ang aking tingin dahil hindi ko kayang titigan ang mugto niyang mga mata.

"Huwag ka nang umiyak—" 

"Sabi mo gagawin mo lahat para mapatawad kita, diba?" Nagliwanag ang mukha niya. Nagkaroon ng pag-asa ang mga mata. Sinubukan niyang magsalita ngunit walang lumabas sa kanyang bibig kaya tumango nalang siya.

"Ibigay mo sa'kin 'yung flashdrive." Ang pagliwanag ng kanyang mukha ay mabilis na napalitan ng mukha ng pagkalugi. Ang pag-asa sa kanyang mga mata ay napalitan ng sakit. Gusto kong siyang subukan kung papayag siya sa hinihingi ko, dahil kaya ko din namang subukan 'yung hinihingi niyang kapatawaran.

Hindi man siya nagsalita ay hinanda ko na ang aking sarili, na umalis, dahil alam ko na hindi niya ibibigay ang hinihingi ko. Tinitigan ko ang kanyang mukha. Bawat parte, bawat sulok, lahat ng linya. Mula sa kanya noo, kilay, at ang pinaka paborito kong parte ng kanyang kawatan, mata, wala akong ibang nakita kung hindi lungkot, ang kanyang ilong, mga labi na minsan ko nang nahalikan, hanggat maaari nga ay pinilit kong kabisaduhin ang kanyang mukha dahil alam ko na ito na ang huling pagkakataon na magkikita kami. Napangiti na lang ako ng malungkot, dahil nabigo ako, dahil umasa na naman ako na kaya niyang unahin ang pag-iibigan namin. Akala ko sa pagkakataong ito ay ako naman ang pipiliin niya. Akala ko na kahit dito manlang ay ako ang uunahin niya. Pero nagkamali ako, nagkamali na naman ako.

Tumayo na ako. Sinadyang bagalan ang aking mga galaw dahil sa loob loob ko ay umaasa pa rin ako na pipigilan niya 'ko. Tinignan ko siya sa huling sandali, nakayuko siya, halatang sumuko na. Bawat hakbang palayo ay binibilang ko ang mga tanong na gusto kong masagot. Paano niya nakayang sumuko sa isang laban na hindi niya manlang muna sinubukan? Paano niya kinaya na hayaan akong umalis kung kaya naman niya akong pigilan. Paano niya kinaya na yumuko na lang at hayaan ang tadhana na magdesisyon para sa'min? Kailan niya ako pipiliin? O dadating manlang ba 'yung panahon na ako naman ang pipiliin niya?

Paglabas ko sa Café ay nagbilang pa ako ng lima, pero hindi na ako lumingon sa kanya. Nagbilang pa ako ng lima dahil umaasa pa rin ako na pipigilan niya.

Natapos na ang lima, walang siya na nagpunta. Mabilis akong pumara ng taxi at nagpahatid sa Airport. Nagbabaka sakali na mahanap ang mga piraso ng sarili na nawala. Na mabuo ang sarili na nasira. Ako 'yung taong ayaw na nagtatanim ng galit sa iba. Gusto kong palayain 'yung sarili ko, sa sakit, sa galit, sa pagkamuhi, sa panghihinayang. I want to be done with the people who did bad to me, I don't want to be mad, I don't want to be bothered, just done and moved on.





FINALLY!!! Doon po sa mga nakabasa noong mga nakaraan na updates, sorry po. Kalimutan niyo na po 'yung mga nabasa niyo. Itong flow na po ng story ang gagawin ko.

Follow my Twitter account: @keepwriting_luv

UNSURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon