CHAPTER 3

598 18 0
                                    

KINAKABAHAN MAN AY pinilit ko ang sarili ko na humarap sa mga bago kong ka-trabaho. Inabot din kami ng anong oras ni Abela kagabi dahil hindi namin namalayan na madaling araw na pala. Kanina, gumiisng kami nang maaga at hindi na nag abala pang mag almusal dahil may libre namang pagkain dito sa Zemsta- restaurant kung saan kami nagtatrabaho. Sa kasamaang palad, sinabi sa'min kanina no'ng briefing na hinati sa dalawang grupo ang mga bagong empleyado. Una, sila Abela, in-assign sa branch ng Zemsta na  nasa loob mismo ng Zemsta hotel. Pangalawang grupo, kung saan ako kabilang ay sa main restaurant na isang kanto lang ang layo sa hotel. Kung bakit may Zemsta na sa loob ng hotel at mayroon ulit paglampas ng isang kanto, ay hindi ko alam. 

"Hi, I'm Gaea Sephore Alcantara. Nice to meet you." I smiled at them. I think there are 20-30 people inside the kitchen where I am in. 

They smiled back at me and introduced themselves. Hindi ko rin masyadong natandaan 'yung mga pangalan nila sa sobrang dami. Good thing, meron naman kaming nameplates. 

"Gaea, follow me in my office." our Executive Chef, Chef Cloud, said.

Breath in. Breath out. This is the start that I want. I will surely give my best shot.

"I want to personally welcome you to our kitchen. " he smiled. "I'm looking forward to working with you and I'm sure that they feel the same way." he pointed the kitchen door where we came out.

"I surely will, Chef." I smiled. This is it. Bago ako umalis sa opisina ni Chef Cloud ay tinignan ko siyang muli. He's wearing a black chef's coat while, I, just like the other chefs, are wearing a white one. He's not wearing a toque or the chef's hat at wala rin siyang apron na suot. Bumaba ang tingin ko sa picture frame sa lamesa niya. There he is, together with a woman which I assume his wife, and two kids. 


THE BEST THING that I love when cooking is; it doesn't feel like working. That what it feels like when you are doing what you are passionate about. No matter how many people we are serving, I don't feel tired. After 6 hours of working, here I am, still smiling while cooking and enjoying our little chit-chats.

"Tara, lunch break muna tayo." sabi ni Apple. Co-sous Chef ko. The five of us agreed. Si Apple, Jonas, and Kiro ay matagal nang nag ta-trabaho dito. Samantalang kami naman ni Chy ay mga bago.

"Wait. 'Yung mga nag ta-trabaho as Zemsta Hotel, sa Employees' Kitchen din ba kumakain?" I asked. Iniisip ko kasi si Abela. Kumusta na kaya 'yon.

"Meron silang sariling EK do'n pero pwede rin naman na dito sa main kumain." ani Kiro.

"Why, may kaibigan ka ro'n?" tanong ni Jonas at tumango naman ako. 

"Kinuha mo naman 'yung sinurrender mo na phone sa guard, diba? Text mo na lang para makasabay natin, 1 hour naman 'tong lunch break." Sinunod ko ang sinabi ni Chy at nag reply naman si Abela na palabas na siya.

Habang naghihintay kay Abela ay nagku-kwentuhan muna kaming lima. Kami lang ang tao rito as EK dahil 'yung ibang mga kasamahan namin ay tapos na mag break at 'yung iba ay tsaka pa lang pagtapos namin. Hindi naman kasi pwede na sabay sabay mag break ang mga tao sa kitchen. Isa pa, ang gusto ko rito sa Zemsta ay may sariling Employees' Kitchen. Alam ko kasi na 'yung ibang mga restaurants o kainan ay walang place para sa sarili nilang empleyado. Which, for me, is not fair. Lahat ng tao na nag ta-trabaho o nakakatulong para sa pag angat mo ay dapat tulungan mo rin. Kung may nakukuha ka galing sa kaniya ay dahil may ibalik ka rin.

Abela waved her hand the moment she saw me. Ipinakilala ko rin siya sa mga kasama ko. 

"Nice to meet you all." she smiled and the pouted. "Kainggit naman, kayo magkakasama, ako isa lang galing sa hotel. Wala kasing gustong sumabay sa'kin dito, eh." 

UNSURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon