CHAPTER 4

539 16 1
                                    

MABILIS NAGSIMULA AT natapos ang mga araw ko at hindi gaanong namalayan na lumipas na pala ang ilang araw. 

"Huy, tulala ka na naman." sabi ni Jonas at kinalabit ako. Mabilis naman akong bumalik sa katinuan.

"Ilang araw ka nang ganyan. Ayos ka lang ba?" tanong ni Apple

"Oo ayos lang ako. Pasensya na ah."

"Bakit 'di ka muna magpahinga kung hindi ka okay. Take a day off." sabi naman ni Kiro.


NAKAHINGA AKO NGAYON sa kama at pilit kino-kondisyon ang sarili. Alam kong hindi lang sila ang nakakapansin na medyo wala ako sa sarili nitong mga nakaraang araw. Wala pa nga akong isang buwan dito sa Manila ay mukhang mapapa-uwi na ko sa Elyu. Arrggh. Hindi maaari. 

"Gaea?" sabi ni Abela habang kumakatok sa pinto ko. "Pwede ba 'kong pumasok?"

Umupo ako sa kama at sumagot. "Oo naman."

Pumasok si Abela at diretsong umupo sa kama ko. Tinititigan niya ko. Alam kong sinusubukan niya akong basahin.

"Napapansin kong wala ka sa sarili mo itong mga nakaraang araw." she sighed. "Mula nung nag bar tayo."

Pumikit ako nang mariin at huminga nang malalim.

"Nung gabing hindi namin alam kung paano ka naka-uwi." binuksan ko ang mga mata ko at tumingin sa kanya. She smiled at me. I know Abela. She won't judge me. No matter what I confess to her. 

"Gusto mong pag-usapan?" she asked me.

"He's my ex-boyfriend....." sinimulan kong i-kwento sa kanya ang parte ng buhay ko na ayaw ko na sanag ungkatin kung hindi lang ako patuloy na hahabulin ng nakaraan. If there is someone who knows me more than myself, that is Abela. We are each other's diary. Unti-unti kong binubuksan ang parte na ito ng buhay ko na hindi ko inakalang uungkatin ko pa. But I guess I need to start somewhere.


PINUNASAN NI ABELA ang mga luha ko at niyakap ako nang mahigpit.

"Natatakot lang ako na baka dahil sa nangyari ay magdesisyon ka na bumalik na ulit sa Elyu. Kilala kita, Gaea. Alam kong gagawin mo ang lahat para protektahan ang kasiyahan na meron ka ngayon. Kasiyahan na matagal mong trinabaho para maatim. Alam kong malakas ang loob mo pero alam ko ring dinadaga ka lalo na kung ang kasiyahan mo ang pinag-uusapan. Kaya hindi na 'ko magtataka kung pipiliin mong tumakbo." wika ni Abela.

"I understand. At tama ka, gustong kong tumakbo, gustong gusto. Nanginginig ang kalamnan ko tuwing naiisip ko na napaka liit na ng mundo, na ang lapit na niya. Pero alam mo, pagod na rin ako." I wiped my tears. "Pagod na 'kong tumakbo nang tumakbo. Umiwas nang Umiwas. Ilang taon ko na 'tong ginagawa. Pagod na kong tumakbo pero para bang tila hindi nauubos ang kalsadang tatakbuhan ko. Then, I realized, maybe this is the time that I should stop running, that I should face it. Kasi wala namang mangyayari kung patuloy akong tatakbo, pero may mangyayari kung haharapin ko 'to. Hindi ko nga lang sigurado kung maganda ba o hindi ang kalalabasan, pero diba at least, makakausad ako." I smiled while crying, I am trying my best to hinde my trembling lips, I even bit it.

"Shhh. It will be okay." she said while rubbing my back.

We let go of the hug and both laughed. Both of our coping mechanism is humor. Ginagawa naming joke ang mga bagay na masakit s amin para hindi namin masyadong maramdaman ang sakit. Ewan ko ba.

We are talking and laughing when we heard someone knocked. Nagtinginan kami dahil parehas kami na walang inaasahang bisita. At sino ba ang bibisita sa ganitong oras? It's 10 pm already.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNSURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon