CHAPTER 1

1K 21 0
                                    

KASABAY NG PAGHAMPAS ng alon ang paghampas ng buhok ko dahil sa hangin. Nakaupo ako sa puting buhangin habang ang mga tuhod ay nasa dibdib at nakatanaw sa dagat. 

I think there are more or less 50 people who are surfing- where this paradise is known for. May mga nakikita akong nahihirapan, na halata namang mga beginner, at madami rin naman ang mga mukhang marunong. Pwedeng sanay na talaga sila o naka ilang balik na sila dito kaya nasanay na, kung ano sa dalawa ay hindi 'ko sigurado. Meron din namang iilan na expert, 'yon ay yung mga taong sumusugod talaga sa alon upang sabayan ito, and I am one of them. 

Ang pagsalubong sa alon ay napakahirap. Isa itong buwis-buhay na stunt. Pero bakit marami pa rin ang gumagawa? Gaya nga ng sabi nila, hindi mo malalaman ang pakiramdam kung hindi mo pa nararanasan. There is something in my veins whenever I am surfing. It feels like I am dancing in the rhythm of the waves. I am letting the sea, the waves, to do whatever it likes while I am in it but that doesn't mean that I am letting them control me.

"Gaea!"

Napalingon ako sa tumawag sa'kin. Well, kahit naman hindi ko siya lingunin ay kilalang kilala ko na ang boses niya.

"Abela."

I watch her as she gracefully jumps her way to me. Nakasuot siya ng sundress na may pineapple prints.

"Congratulations to us!!!" she said the moment she sat beside me. Niyakap pa ako. Niyakap ko rin naman siya pabalik.

"So, what's your plan now?" I want to roll my eyes but I didn't. I know where is this leading to.

"Hindi ko pa alam. Hindi pa 'ko nakakapag desisyon."

"Anong hindi pa nakakapag desisyon? Sinabi ko na sa'yo 'to 2 months ago. Sabi mo pag iisipan mo?" Binalik ko ang tingin ko sa dagat. Halos kabisado ko na kung anong sasabihin niya. Iyan naman ang paulit- ulit niyang sinasabi sakin tuwing tatanungin niya 'ko tungkol sa bagay na 'to. 

"Magandang opportunity 'to para sa'tin na fresh graduate. Alam ko naman na maraming restaurants dito sa La Union pero 'yon nga ang problema natin eh. Marami nang restaurants dito masyado, baka wala nang space para sa'tin, pero I am sure marami pa sa Manila!" she emphasized the last part hoping that it would convince me.

Alam ko naman kung gaano niya kagusto na pumunta sa Manila, pero ang tanong, gusto ko ba? gusto ko bang...bumalik doon?

"At ano? mamamasukan tayo bilang chef sa Manila? alam mong hindi 'yan ang gusto ko simula pa lang. Ang gusto ko sa sarili kong restaurant ako magluluto, dito sa Elyu."

"Pero wala pa naman tayong pera. Kahit nga pampatayo ng maliit na restaurant wala pa tayo. Paano pa kaya 'yung ibang mga kailangan pa para maisakatuparan 'yung gusto nating dalawa. Ngayon ngang college kinailangan pa nating mag working student para makapagtapos. Wala naman tayong mahihingian ng tulong dahil parehas tayong wala nang mga magulang." Parehas naman kaming napabuntong hininga sa sinabi niya.

"Alam natin parehas na mas maraming oportunidad sa Manila. Tsaka mag-iipon lang naman tayo don. Magtatrabaho tayo para makapag-ipon tapos babalik tayo dito para magpatayo na ng sariling restaurant."

 Actually, gusto ko rin naman ng naisip niya, pero........hindi pwede.

"Pag-iisipan ko." I sighed.

"Ayan ka na naman sa pag-iiipan mo eh. Aabutin na naman ng ilang araw 'yan, ha? Alam mo naman na kailangan na nating makaluwas ngayon hanggat bakasyon para mas marami tayong choices dahil maraming hiring." She rolled her eyes at me.

"Pag-iisipan ko nga." Sabi ko habang tumatawa.

"Until the end of this week. Final na 'yan ah" Sabi niya habang nagpapagpag ng dress niya dahil may mga buhangin.

UNSURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon