CHAPTER 2

711 22 2
                                    

I WOKE UP at the sound of my ringtone. Fuck. My head is killing me.... argh hangover. I will never drink again. 

Kahit inaantok pa ay pinilit ko and sarili ko na pumuta sa banyo para maligo. Hindi ko na maalala kung anong oras na 'ko natulog o kung natulog ba talaga ako. Pakiramdam ko parang pumikit lang ako, and then, boom, umaga na.  It's just 7:00 am at marami pa 'kong kailangan gawin. 

This will be a long day. Hays.

Matapos maligo ay hinanda ko na ang mga gamit na dadalhin ko. Wala rin naman masyadong laman 'tong apartment ko pero hindi naman lahat dadalhin ko. Babalik pa naman ako dito. Pinili ko lang 'yung mga bagay na kailangan ko talaga. Matapos mag empake ay nag-ring ang cellphone ko. Si Abela.

"Are you ready?" rinig ko sa boses niya na nakangiti siya. Itong babaeng 'to talaga.

"Yep." I sighed. "Kakausapin ko na lang si Nanay Adel para makapag paalam na rin. Tsaka lilinisin ko lang din 'tong apartment."

"Ilang maleta dala mo?" rinig ko pa 'yung pag zipper niya ng maleta.

"Dalawa."

"Dalawa lang?!" Inilayo ko ang cellphone sa tenga ko dahil sa pagsigaw niya. Ang bruhang 'to talaga.

"Bakit ilan ba ba dala mong maleta? Isa pa, babalik pa naman tayo di--"

"Hep-hep--"

"Hooray"

"Gago. Anong babalik? Gaea, hindi ka pa rin ba kumbinsido? o baka naman napipilitan ka lang?" I sighed. Ayan na naman siya. 

"'Di mo sure." asar ko sa kanya dahil alam ko naman na kinakabahan siya dahil baka biglang magbago ang isip ko.

"Hoy gaga ka. Bawal na bawiin. May bus tickets na tayo. Nakausap ko na rin yug may-ari ng bahay na uupahan natin."

"Oo na, sige na, Tapusin mo na 'yang pag-iimpake mo. Gagawin ko na 'yung mga kailangan kong gawin dito." papatayin ko na sana 'yung tawag nang bigla siyang magsalita.

"Sabi nga pala ni Kody na ihahatid niya tayo hanggang terminal. Pinipilit pa nga niya na hanggang Manila pero sabi ko 'wag na."

"Okay. Bye"

"Bye."


"NAY, 'WAG NA po kayong malungkot. Babalik pa naman po ako. Susubukan ko lang po baka nasa Manila po 'yung swerte ko." where in fact, doon ako minalas. 

"Sigurado ba 'yan, anak? Alam mo naman na na-aalala lang ako sa'yo. Hindi ba't doon ka rin galing? bakit napag desisyonan mo na bumalik ulit?" ngumiti lang ako bilang tugon. "Oh siya, sige. Kung 'yan ang desisyon mo basta mag-iingat ka roon, ah?"

"Opo, nay. 22 years old na po ako. Kaya ko na po ang sarili ko." I smiled to assure her. Sa loob ng apat na taon kong pamamalagi rito sa Elyu ay si nanay Adel ang nagsilbing guardian ko kaya totoong lola na ang turing ko sa kanya.

Matapos magpaalamanan ay agad kong natanaw ang kotse ni Kody at nakasakay si Abela sa passenger seat habnag kumakaway at may malaking ngiti sa labi. Agad naman akong naglakad palapit sa kanila. 


"THANK YOU, KODY." sabi ko sa kanya at ngumiti. 

"No problem. Basta kapag may problema, don't forget to call me, okay?" Kody is one of my closest friend at alam ko na kung may choice lang siya ay sasama siya sa'min ni Abela, kaya lang, wala. After saying goodbyes, he kissed us both on the forehead, and then he left. Normal na sa'min 'to ni Abela. Walang halong malisya.

Bago sumakay sa bus ay bumili muna kami ng pagkain dahil hindi na kami nakapag almusal at aabutin na rin kami ng tanghalian sa byahe. Bumili lang kami ng fastfood, chips, and a lot of water. 

UNSURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon