(A/N: Ito na ang update thank you sa mga nagtyatyaga sa story na ito... nakahanap nadin ako ng co-writer ko. HAHAHA!)
--
Daniel's POV
Sht! Napasabunot na lang ako sa buhok ko! Nalintikan na! Mukhang galit na siya. Patay!
Bahala na! Mag a-apologize ako. Ako naman ang may kasalanan eh.
Naglakad ako papunta sa kwarto ni Kath. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok. Kinakabahan ako. Pinagpawisan ako ng malapot.
*Tok Tok Tok!*
"Pasok~" Wow! Ang lambing ng boses niya! Di kaya hindi na siya galit? Wahahaha! Ang gwapo ko talaga! Sabi nga ng karamihan
'No woman, can't resist me.'
"Pasok na dali. Hihi."
Tae! Nae-exite ako! Baka may balak to! Di kaya magkaka-apo na sina Daddy? Wahahaha! Bahala na!
Exited akong pumasok sa kwarto, nakita ko siya nakatalikod. Sht sht sht!
"Kath, i'm here. Anong gagawin mo?" i said in a husky voice.
Humarap siya.
(O_____O)
"PAPATAYIN LANG NAMAN KITA!" sigaw niya at... at...
Bigla akong napahawak sa dibdib ko, at dahan-dahan akong napahiga sa semento. Ibinato niya saakin yung kutsilyo. Ang buhay ko, sayang. Mamatay na ba 'ko? Katapusan ko na ba?
"NOOOOOOOOO! HINDI! AYOKO PANG MAMATAY!"
Kath's POV
"NOOOOOOOOO! HINDI! AYOKO PANG MAMATAY!"
(O___o)
Ano bang problema ng gunggong na yun? Daig pa ang babae kung makasigaw. At sino naman ang papatay sakanya? Hmmp! Mabuti nga at mamatay na siya!
I mean super eww! Ibato ba naman sakin yung T-shirt na may suka?! Hanggang ngayon amoy na amoy ko pa! I hate him! Sinagad niya ang pasensya ko!
Ang mga parents ko nga ayaw akong padapuan sa lamok tapos... tapos... IBABATO NIYA LANG SA MUKHA KONG MAGANDA YUNG PINAGSUKAHAN NIYA?! ARRRRGH!
Nakakasar! Makainom na nga lang, nakaka stress.
Padabog akong lumabas ng kusina, bahagya akong nagulat nang makita ko siya.
"Kath." tawag niya sakin, mukha siyang ewan. Tss.
"Napano ka?!" masungit kong tanong.
"About dun sa kani--"
I raised my right hand. "Stop!" maawtoridad kong sabi. "Akala mo ba nakakatuwa yung ginawa mo?! Well it's not funny! Don't talk to me, Ever. AGAIN! Dammit!" i hissed at umalis na. Nakaka stress. Ugh!
Daniel's POV
Damn! She's mad at me. Anong gagawin ko?! Napakahirap pa naman niyang suyuin! Yeah mahirap talagang suyuin ang mga babae, given na yun. Pero ang mga brat na katulad niya? Mas mahirap suyuin ang mga yun! Tngina! Ba't ko ba kasi ginawa yun?!
Pumunta muna ako ng kwarto ko para makapag-isip isip. Tinignan ko ang twitter ko.
@renzmangalino:
Kaming mga babae, kapag nagtampo. Patawanin niyo lang kami mawawala na galit namin, hirap kasi sainyo kaagad na sumusuko eh.
Okay, sapul yung tweet niya. Pero patawanin? Paano ko mapapatawa ang babaeng yun na pinaglihi sa sama ng loob? Araw-araw salubong kilay nun. Di na ko magtataka na next time, mahipan siya ng hangin at habang buhay na siyang maging ganun. Sana lang kung magka-anak kami, wag manahin ng anak ko ang ugali ng nanay niya. Hindi ko sinasabing gusto kong magka-anak kami, lalaki rin ako. May pangangailangan. XD
Pero bago ang lahat, gagawa na muna ako ng paraan para magkaayos kami ni Kath na pinaglihi sa sama ng loob.
Kath's POV
Nagising ako dahil sa tama ng sikat araw sa mata ko. Naghilamos ako para makalabas na ko at makapag breakfast. Gutom na ko, at kasalanan yun ng mokong na yun! Lalo tuloy nadagdagan galit ko sakanya! Bwisit! Bwisit!
Lumabas ako ng kwarto. And i jaw drop when i saw daniel,
"Sorry, sorry, sorry, sorry, liko-liko diyan sa may kanto. Pasok pasok baby, tantantantanantantanantan~"
"AHAHAHAHAHAHA! Seriously Daniel! You look like an idiot! Umagang-umagang gumaganyan ka!"
Pinagtatawanan ko lang siya habang tinutuloy niya naman yung pagkanta at pagsayaw niya ng 'Sorry, sorry, sorry' ng Super Junior. Nakasuot pa siya ng pang K-pop, mukhang siyang tanga eh ang init-init kaya.
"Kamsahamnida~ Kimchi!" Sabi niya noong natapos na niya yung kanta at nag peace sign pa.
"Kath, M-mianhey, peace na tayo."
"Pfft~ HAHAHAHA! MIANHEY?! MIANHAE YUN G*GO!"
"Sorry naman. Tsk."
"Teka, bakit ba kasi nakaganyan ka at mukha kang tanga? Tignan mo nga pawis na pawis ka na! Kadiri! Wag kang lalapit sakin!"
"Grabe ang sama! Di naman ako magmumukhang tanga at hindi ako papawisan ng ganito kundi dahil sayo. Don't you get it? I'm doing all of these for you to forgive me." sabi niya at nag walk out. Hala, anyare dun?
************************************
BINABASA MO ANG
Miss No Good (KathNiel Fanfic)
RomansaWhat should we expect she is a b-itch and she is miss no good.