CHAPTER 1: Twenty-six Years

244 21 5
                                        

Multimedia: Annys and Lorenzo, Laureen and Lorenzo

_______________________
PAST LIFE
August 18, 199X
Monday | 11:45 am
_______________________

Hindi na bago sa buong eskwelahan ang pangalan ni Lorenzo.

"Basag ulo."

Yan ang bansag sa kanya, palaging may kaaway, palaging may dugo sa kamao. At iisa lang halos ang dahilan.

Si Yeoj.

Simula pa noong first year, parang aso't pusa na silang dalawa. Parehong matapang, parehong hindi marunong umatras. At sa tuwing nagtatagpo ang mga mata nila, parang may sumisinding apoy na hindi kayang patayin ng kahit sino.

"Lorenzo, please. Itigil mo na 'to."

Hingal na hingal si Annys habang hinahawakan ang braso ni Lorenzo. Nasa likod sila ng school. Ang lugar na sanay nang makakita ng away.

Nasa harapan nila si Yeoj, punong-puno ng galit ang mukha, may dugo sa labi.

"Sabihin mo sa boyfriend mo," malamig na sabi ni Yeoj, "na huwag niya akong binabangga."

"Hindi ako ang nagsimula," sagot ni Lorenzo, madiin.

"Hindi rin ako," balik ni Yeoj.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa kanila. Hanggang sa sumingit si Annys, nanginginig ang boses.

"Pareho kayong mali."

Napatingin si Lorenzo sa kanya. At sa isang iglap, nawala ang init ng galit niya.

Para kay Annys... sinusubukan niyang magbago.

"Tara na," mahina niyang sabi.

Pero habang papalayo sila, hindi niya napigilan ang isang huling sulyap kay Yeoj, isang babala.

Hindi pa tapos 'to.

Kinagabihan, buhay na buhay ang Oren Bar.

Mga ilaw, halakhakan, at ang tunog ng gitara na parang bumabalot sa buong lugar.

"Ready?" tanong ni Michie habang inaayos ang gitara niya.

"Always," nakangiting sagot ni Annys, kahit halatang pagod.

Si Michie, ang bestfriend ni Annys. The only one who know's about Annys' truth.

Isang lihim na hindi kailanman nalaman ni Lorenzo.

"Hey, drummer boy!" sigaw ni Michie. "Wag mong dudurugin yung drums ha, wala tayong budget!"

"Shut up," natatawang sagot ni Lorenzo habang umiikot ang drumsticks sa daliri niya.

Sa stage, iba siya.

Hindi basag ulo.
Hindi mainitin ang ulo.

Kundi isang taong marunong makinig, makiramdam... at magmahal.

The Life That EchoesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon