CHAPTER 4: Finally

141 15 0
                                        


_________________________
PRESENT LIFE
August 4, 2022
Friday | 8:02am
_________________________

Maingat na inilapag ni Laureen ang order ng isang customer sa mesa nito bago bahagyang yumuko. Tahimik siyang umalis, walang sinasabi, at agad na kumuha ng panibagong order mula sa ibang customer. Gaya ng nauna, simpleng bow lang ang ginawa niya bago tuluyang lumayo.

Nasa Oren Bar siya ngayon. Unang araw niya rito, kasama si Trace.

Habang papunta siya sa isang mesa para linisin iyon, napahinto siya nang makarinig ng usapan sa malapit.

"Sir, gusto ko na po sanang mag-resign. Uuwi na po kasi ako sa probinsya namin."

Napatingin si Laureen sa babaeng nagsalita. Ka-harap nito si Sir Lorenzo.

"Bakit? May problema ba sa inyo?" tanong nito.

"May sakit po kasi yung tatay ko. Wala pong mag-aalaga kaya kailangan ko pong umuwi," paliwanag ng babae.

Tumango si Sir Lorenzo. Ilang sandali, kinuha niya ang wallet sa bulsa at naglabas ng pera bago ito inabot sa babae.

"I hope this helps."

Nanlaki ang mata ng babae. "Nako, hindi na po, Sir. Nakakahiya naman po—"

"It's okay. Take it. I know your father needs it. Mag-ingat ka sa pag-uwi mo."

Napakagat sa labi ang babae bago tuluyang tanggapin ang pera. "Maraming salamat po, Sir Lorenzo."

Tahimik lang na nakamasid si Laureen, bahagyang nagulat sa nasaksihan.

"Ang bait naman non."

Napalingon siya sa babaeng nakaupo sa kalapit na mesa. Nakatingin ito kay Sir Lorenzo.

"Sa tingin mo, Miss, magre-resign na talaga yung babaeng 'yon?" tanong nito, sabay tingin kay Laureen.

"Sa tingin mo, Miss, magre-resign na talaga yung babaeng 'yon?" tanong nito, sabay tingin kay Laureen

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi agad siya umimik.

"Miss na naka-ponytail, ikaw kausap ko."

Bahagyang tumaas ang kilay ni Laureen dahil don. Siya nga.

"Hindi ko alam, eh. Tanungin mo siya kung gusto mong malaman," kalmado niyang sagot.

Napangiwi ang babae. "So sungit." napairap pa ito. "Don't be masungit lalo na sa costumer." natigilan si Laureen nang marinig 'yon.

"Hindi ka customer." she didn't even looked at her when she said that. Umalis na lang si Laureen at nagpatuloy sa paglilinis ng ibang mesa.

Halata naman andito siya para mag-apply.

Ilang sandali pa, napansin niyang may kinausap si Lorenzo na isang empleyado.

"Ren, makikidikit naman 'to sa labas," sabi nito, sabay abot ng flyer.

The Life That EchoesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon