QUATTOUR

719 73 2
                                    

Flat Tire

Mula sa kabilang kalye, pinagmasdan ko ang mga estudyanteng nagsisiuwian mula sa paaralan. I intently watched them one by one, some with smiling faces and others looked bored. Napaisip tuloy ako kung ano pang ginagawa nila sa eskwelahan kung parang di naman sila masaya sa pag-aaral.. Is that even possible? Buti na lang hindi ako tao.

Anyway, my eyes followed their every movement and assessed their souls. Syempre, kung magkakaroon man ako ng amo, gusto ko yung batang mukhang mahilig sa mga pusa. Yung unique na bata.

"Meow!" [They all look the same!]

And there, I saw a girl with raven black hair. Tinitigan kong maigi ang batang babae. Base sa kanyang ngiti, mahahalata mong masiyahin siya. She was carrying her pink backpack while walking through the sidewalks with her friends. Mukha naman siyang mabait at mapag-aruga. I smiled. She's perfect! Gusto ko siyang maging amo.

May alagang pusa na kaya siya? May isda kaya sa bahay nila? Ano kayang sasabihin niya kapag nakita niya ako?

All these questions swam inside my head as I felt myself stepping out of the alley. Hindi ko na namalayan ang unti-unti kong paghakbang papalabas ng masangsang at madilim na eskinitang iyon. Para bang unang beses akong naglakad papunta sa reyalidad. At sa mga sandaling ito habang pinagmamasdan ko ang batang gusto kong maging amo, alam kong handa ko nang iwan ang masikip kong mundo sa basurahan. It almost felt like a saving grace.

A taste of salvation for a misfortunate black cat like me.

Naramdaman ko ang mainit na sikat ng araw sa dulo ng mga balahibo ko. The warmth felt nice.

I can almost hear Rico's meows at the back of my cat ears, "Meow!" [I warned you!] Pero wala akong pakialam. How difficult could having a human owner be? Tsk. He would probably roll his eyes at me for stepping out of my comfort zone, for taking the risk of getting killed. Dahil ayan ang sabi niya at ng marami pang pusa sa mundo---na wala kaming mapapala kung makikisalamuha kami sa mga tao. It's like suicide.

Pero kung mabubuhay lang ako sa mga salita nila, masisigurado ko bang hindi ko ito pagsisisihan sa huli?

"Meow." [Handa na akong harapin ang reyalidad.]

At wala sa sarili akong naglakad papalapit sa kinaroroonan ng batang babae. Prente lang akong naglalakad hanggang sa----

BEEEEEEEEEEP!

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang may bumusina sa gilid ko. I spun around and saw a truck running straight at me. At doon ko lang talaga narealize na nasa gitna pala ako ng kalsada. What in the name of cat food?!

BEEEEEEEEEP!

"M-Meow.." [P-Patay na..]

And the truck hit me. Full force. Ni hindi man lang nagdalawang-isip ang driver.

Pero ang mas nakakagulat pa, ay ang katotohanang hindi man lang ako nagalusan. Para bang gumulong lang sa dulo ng balahibo ko ang malalaking gulong at wala man lang akong naramdamang sakit. Nagtataka kong binalingan ang truck na napahinto.

Flat tire.

Mukhang nagtatantrums na si manong driver. Tsk.

Napairap ako. Stupid driver!

Pagkatapos kong dilaan ang balahibo ko sa likod (dahil nagulo ang kaninang maayos na hitsura ko), agad akong tumawid ng kalsada at hinanap ang batang babae.

---

✔A Compilation of CATastrophies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon