QUATTOURDECIM

599 56 4
                                    

Cat of Death

Wala nang musika.

Sa loob ng tatlong araw ay namatay na ang matandang musikero. Pilit kong inalala ang mga nangyari sa loob ng tatlong araw na yun.. At sa loob ng maikling panahon, itinuring ko na siyang amo.

With his music, we had a connection that is deeper than what meets the eye. Para bang sa tatlong araw na iyon, ay nakita ko ang lahat ng pighati at karanasan niya sa buhay sa pamamagitan ng pagtitig ko sa kanyang mga mata. His old eyes held sorrow and regret. Kung para saan, hindi ko na gustong alamin.. Basta ang alam ko na lang ay ipinagkait na rin sa kanya ng mundo ang karapatang maging masaya at mamuhay nang maayos. And with his old age, it wasn't a surprise that death was already knocking on his door.

Death.

Masakit ba ang mamatay? Sa sandaling panahon ng pamamalagi ko sa mundo, hindi ko maiwasang isipin ang bagay na 'yan.

When you die, where do you go?

Sabi ng iba, pupunta ka raw sa "heaven" kung mabuti ka at sa "hell" naman kung masama ka. Ang sabi naman ng ilan, mamamalagi muna sa mundo ang kaluluwa mo ng ilang araw. Others believe that when you die, your soul will be sent to oblivion--and it will be disintegrated into nothing.

Nothing.

Hindi ko gustong makipag-debate kung ano nga ba ang mangyayari sa kaluluwa ng isang nilalang kapag namatay na ang katawang-lupa nito. I cannot argue with beliefs and faith because first of all, I do not know the answer. Hindi ko alam ang sagot. Hindi ko rin gustong paniwalaan ang ibang tao o pusa para lang may maisagot ako kapag dumating na ang panahon.

No one can argue when there is no answer.

And the only thing that keeps us alive is our belief.

"Meow."

Sa huling pagkakataon, pinagmasdan ko ang malamig na katawan ni lolo. Nakabalot ng maruming jacket ang katawan niya at nakayakap pa siya sa kanyang gitara---hanggang sa kanyang huling hininga. Nakatabi sa kanya ang lata na naglalaman ng iilang barya. Hindi na ako magugulat kung may mga batang kalye na nanakawin ang laman nito. Wala siyang unan, at wala ring bubong na magsasalba sa kanya sa nakamamatay na lamig. It was December, and the cold weather weakened him. Payat at may ilang sugat si lolo. Nakapikit na ang kanyang mga mata.

He will never open his eyes again. Nor play his beloved guitar.

Pero hindi ang kabuuan niya ang tinitingnan ko sa huling pagkakataon.. Kundi ang payapang ngiti sa kanyang mga labi.

Yes.

The old musician was smiling.

"Meow.." [Rest in peace, lolo musician..]

At ang ngiti niya lang ang pampalubag-loob sa bigat na nararamdaman ko. Hindi ko kasi maiwasang sisihin ang sarili ko. Sabi nga ni Lola Gomez, tagapaghatid daw ako ng kamatayan.. At ngayong namatay na rin ang matandang musikero, sinisisi ko ang sarili ko. But now, as I stare at the old man's smile, I can't help but conclude that he was actually happy to die.

Mabuti na rin ito. Hindi na niya kailangan pang danasin ang hirap ng mundo.

At hindi ko alam kung paano, pero kinausap pa ako ni lolo bago siya namahinga. Alam kong imposible dahil pipi siya, pero siguro may mga bagay na hindi na natin kailangan pang alamin.

"Everyone is afraid of death.. Even people who want to go to heaven don't want to die to get there.."

Hindi ko maintindihan ang mga sinabi niya. Basta ang huling alaala ko na lang ay noong tinapik niya ang ulo ko kasabay ng malungkot niyang ngiti. And now, I wonder.. Was he afraid to die?

"Meow." [I will never know the answer.]

At umalis na ako sa tabi ng matanda.

Naglakad ako sa maiingay na kalye. Everything seems colorless. Para bang wala nang sigla ang mundo. Lahat ng tao, nagmamadali. Do they even bother taking a step back anymore? Para nilang hinahabol ang oras.

"Meow.." [Saan naman kaya ako pupunta ngayon..]

Naupo ako sa isang tabi. I don't know where to go.. At nawawalan na rin ako ng pag-asa na makahanap ng among magmamahal sa akin. Sa pusang puro kamalasan lang ang dala sa mga nilalang na kasama niya.

Pinasadahan ko ng tingin ang paligid.

Hanggang sa nakita kong may pusang nakamasid sa akin mula sa kabilang bahagi ng kalsada. Feminine feline eyes.

Kulay ginto ang kanyang mapupungay na mga mata na tila ba tinatawag ako.

At biglang naglaho sa mga anino ang mga matang iyon. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at hinabol siya. I need to find that cat! I can sense something odd about her.

---

✔A Compilation of CATastrophies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon