DECIM

625 60 8
                                    

One of the Cats!

Hindi ko alam kung matatawa ako o tatakbo papalayo sa mga nababaliw na mga pusang ito. Nakakunot ang noo ko at bahagya kong tinagilid ang ulo ko. My ears perked up at what their leader said. Baka naman nabibingi lang ako? O baka naman kulang lang ako sa isda?

"Meow? Meeow?" [League of Cats? Meron bang ganun?]

Tinapik ako sa buntot ng isa sa kanila.

"Meow!" [Syempre naman! Kami yun!]

Napailing ako. Parang nung isang araw lang, nakikipag-debate pa ako sa sarili ko kung lalabas ba ako sa pinakamamahal kong eskinita para maghanap ng amo, tapos ngayon may isang lihim na samahan ng mga pusang kalye ang nag-aalok sa akin na umanib sa kanila? This is too much for my fluffy paws to handle!

I smiled nervously at them and took a step back. "Meow! Meow.." [No, thank you! Kung hindi niyo pa napapansin, naghahanap ako ng taong aampon sa'kin.. I'm a homeless cat.]

Ngumisi sa akin ang pinaka-lider nila. His lime green eyes stared at my very soul and at that moment, I knew that cats will always have the power to calculate you in whole. Para bang walang kawala sa mata ng mga pusa ang buong pagkatao---o pagkapusa---mo. Kung natural man itong abilidad naming mga pusa o hindi, hindi ko alam. At wala akong balak alamin.

"Meow? Meeow.. Meow." [Is that so? You see, we are all homeless before.. Pero noong inampon kami ni Lola Gomez, nagkakilala kaming lahat at naisipan naming buuin ang League of Cats para makatulong sa ibang mga pusang kalye.]

Natigilan ako sa sinabi niya. Isa-isa kong tiningnan ang mga pusang nakapalibot sa akin. Lahat sila, iisa lang ang amo? May inuuwian sila? The idea seems tempting. Baka ito na ang pagkakataong hinihintay ko.. Baka ito na ang tahanang pinapangarap ko!

"Meow?" [Pero bakit ako?]

Nagkatinginan ang mga pusa at naglahad ng paa ang lider nila.

"Meow? Meow?" [Bakit hindi? Ano, sama ka na?]

Tinitigan ko sandali ang nakalahad niyang paa. He was waiting for me to accept his paw. Napaisip tuloy ako.. Wala namang masama kung umanib ako sa kanila di ba? Wala naman akong uuwian at mukha namang maayos ang pag-aalaga sa kanila nung Lola Gomez na yun. Sa hinaba-haba ng paglalakbay ko, baka dito talaga ako planong dalhin ni tadhana.. Napangiti ako.

Dahan-dahan kong inilapat ang paa ko sa kanya.

"Meow!" [Count me in!]

*

Sumakay kami sa likod ng isang pick-up truck na napadaan. Ni hindi ko nga alam kung paano kami nagkasyang lahat doon.. At habang natutulog ang ibang mga pusa, ako naman ay nakadungaw sa labas. Pinagmamasdan ko ang pagbaba ng araw sa kalangitan. The sunset made the sky look more vibrant with color. It was almost surreal. Sa wakas, magkakaroon na ako ng lugar na matatawag kong "tahanan".

Napangiti ako. Mabibigyan na ako ng pormal na pangalan, panigurado!

"Meow.." [I will have a home..]

Home.

That word seems foreign to me. Saan nga ba ang maaari mong ituring na tahanan? Hindi ko alam. Maybe, I'm the last living creature on earth to find an answer to that question. Kasi simula pa lang, ipinagkait na sa akin ng mundo ang "tahanan". I can't even imagine what "home" feels like.

But I am about to find out, soon enough..

"Meow!" [Nandito na tayo, mga ka-pusa!]

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Bahagya pa akong humikab at nag-inat. Napasarap pala ang tulog ko.

Pero agad akong napabalikwas nang bangon nang mapansin ko ang isa-isang pagtalon papalabas ng sasakyan ng mga kasamahan ko. I stumbled on my feet and hurriedly jumped out of the pick-up truck. Walang kahirap-hirap akong nakaapak sa sementadong lupa at naglakad papalapit sa ibang mga pusa na para bang inaantok pa rin. Mukhang hindi lang pala ako ang napasarap ng tulog.

"Meow?" [Saan na tayo?]

Nilingon ako ng isang pusa na kulay abo at ngumisi. "Meow!" [Walang tayo! Nyahaha!]

Umirap ako. Walang kwentang kausap. Pakinin kita ng tuyo diyan eh!

Imbes na magsalita, ay tahimik ko na lang silang sinundan. Naglakad kami papasok sa isang malaki at lumang apartment. Hindi ako pamilyar sa lugar kung nasaan kami, pero base sa nagtataasang mga gusali sa paligid, hula ko ay nasa sentro kami ng bayan.

Inobserbahan ko ang lugar. Marumi at maraming mga sinampay na damit. Mukhang matagal na ring hindi hinahakot ang basura dito at halos magkakadikit ang mga gusali. Kaliwa't kanan rin ang vandalism sa mga pader at sa di kalayuan, may nakita akong matandang pulubi na abala sa pagbibilang ng barya sa kanyang lata. Umaalingasaw rin ang amoy ng sigarilyo sa hangin.

Tama ba kami ng pinuntahan?

Magtatanong na sana ako sa lider ng grupo nang bigla silang huminto sa paglalakad. Nagtataka kong kinalabit ang isang pusa na para bang namumutla sa kung anuman ang nakita niya. Teka, ano bang problema nila?

"Meow?" [Anong meron?]

Bumaling sa akin ang pusa na para bang nanginginig na sa takot. Itinuro ng buntot niya ang kung anuman ang nasa harapan namin.

"M-Meow.. Meow." [D-Dogs.. A lot of them.]

Nanlaki ang mga mata ko. Agad akong sumampa sa likod ng isang mabalahibong pusa para makita ang sinasabi nila.

And there, I saw a dozen stray dogs blocking our path to the apartment. Nakalabas ang matatalim nilang mga pangil na para bang anumang oras ay maaari nila kaming lapain. Malalaki ang katawan nila at di hamak na mas maliliksi ang mga ito kung sakali. Galit na galit sila. At sa bawat paghakbang nila papalapit sa amin, ay ang paghakbang namin papaatras.

Napalunok ako. A dozen dogs versus a dozen cats! Paano na 'to ngayon?!

---

✔A Compilation of CATastrophies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon