UNDECIM

597 57 2
                                    

Raining Cats and Dogs

At nagsimula na ang gulo sa pagitan naming mga pusa at ng mga dungising aso. Hindi ko matandaan kung sino ang nagpasimula, basta namalayan ko na lang na kinagat ng isang aso ang buntot ng kasama ko. Syempre, nagalit siya. Sino ba naman ang hindi? Agad na sumugod ang ibang mga pusa at pinagkakalmot ang lapastangang aso.

"MEOW!"

"ARF! ARF!"

Kalmot.

Tahol.

Sipa.

Habol.

Buntot laban sa buntot. Kuko laban sa pangil. In all my existence, this is the first time I'm able to watch a gang war between cats and dogs, up close and personal. Kaya hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot.

"MEOW!" [Stay out of our way!]

Nakita kong sinalag ng isang asong kalye ang pamatay na kalmot na lider namin. Isang nakabibinging tahol ang pinakawalan nito na naging sanhi ng pag-atras ng iba pang mga pusa. The skinny brown dog glared at us and bared his sharp teeth. Napalunok ako. Kumakain ba ng pusa ang mga aso?! Parang ayokong alamin ang sagot doon.

"ARF! ARF!"

Hindi ko naintindihan kung ano ang sinabi nung aso (pasensya na, wala akong kaalam-alam sa "LenggwAso" kaya hindi ko maita-translate para sa inyo). Pero sa isang iglap, naibalibag nung asong iyon ang leader ng Leage of Cats. Kitang-kita ko ang malakas na pagtama ng katawan ng kawawang pusa sa pader. Parang basahan lang. The other dogs barked and became even more aggressive.

Nagkatinginan kaming mga pusang natira. Ano ba ang laban ng mga kuko namin sa dambuhalang mga aso?

Humarap sa amin yung payat na asong tumalo sa lider namin. He smirked demonically at us. Mapang-asar. Nang-uuyam. Para bang gusto niyang tapakan ang dignidad naming mga pusa. Tsk. This can't be happening!

Matapang kong sinalubong ang titig niya.

"Meow!" [You bastard!]

Bumaling sa akin ang atensyon niya. His dark eyes are warning me. Unti-unti siyang lumapit sa kinatatayuan ko, pero hindi ako gumalaw. Hindi ko siya aatrasan. If anything, a cat's dignity is the most precious gift to us (aside from our paws, of course). Hindi ko hahayaang lapastanganin lang ng galising mga asong ito ang lahi namin!

"Grrr... ARF! ARF! ARF!"

At sinugod niya ako.

Pero bago pa man niya ako lapain, agad akong nakatalon paiwas at kinalmot ang likod ng tainga niya. Blood oozed out of his open wound. Isang malakas na pagdaing ang umalingawngaw sa paligid. Ramdam na ramdam ko ang pagpupuyos ng asong ito sa galit.

He glared at me. Maging ang ibang mga aso, napapalibutan na ako.

Bring it on!

Tumakbo ako sa ilalim ng isang aso at sinipa ang paa niya. I jumped high in the air (bakit ba parang hindi na normal ang taas ng pagtalon ko? Oh, well) and landed on top of a black dog's head. Nang mapagtanto niyang nakasampa ako sa ulo niya, naiinis siyang nagpaikot-ikot. Natawa na lang ako at bumaba na doon bago pa man matumba sa hilo ang asong iyon. Wrong move, dogs.

Nakita kong sumama na rin sa gulo ang ibang mga pusa.

Ngumisi sila sa akin.

"MEOW! MEOW!" [All for one! One for Meow!]

Matapang naming nilabanan ang mga aso. Pati yung mga taong napapadaan lang, umiilag na sa tindi ng labanan. Sama-sama kaming mga pusa sa pagpapatumba ng mga aso. Sabi nga nila, the bigger they are, the harder they fall!

We elegantly landed on all four paws. Nang titigan namin ang mga natirang aso, natawa na lang ako nang mapansing nababahag na ang mga buntot nila. They barked helplessly at us and ran away.

Tsk. Scaredy dogs.

"O! Charles? William? Elizabeth? Bakit nandito kayo sa labas?"

Napalingon kami nang biglang may matandang lumabas mula sa kabilang dulo ng pasilyo. Puti na ang buhok niya at makapal ang salamin. Wait, sino sina Charles, William at Elizabeth? Magtatanong pa lang sana ako sa mga kasama ko nang bigla na lang binuhat ng matandang babae ang ilan sa miyembro ng League of Cats. Nanlaki ang mga mata ko. This must be their owner! Si Lola Gomez!

Isa-isang sinipat ng matanda ang mga alaga niya hanggang sa makita niya ako. She adjusted her thick eyeglasses and lifted me up. Kumunot ang noo niya.

"Itim na pusa? Ngayon pa lang kita nakita, hijo.. May amo ka na ba?"

Umiling ako.

The old woman smiled and patted my head.

"Sige, mula ngayon, ako na ang magiging amo mo.." Bumaling siya sa mga pusang nakapalibot sa kanya, "There is always room for more in the family, right, kitties?"

"Meow!" Sang-ayon ng lahat. Hindi ko tuloy maiwasang ngumiti.

This is it. My new family.

Mahinang tumawa ang matanda at binalingan ako. "Ikaw na ngayon si Philip.. Ang pinakabagong miyembro ng pamilya." At umubo ang matanda.

Philip. That's my new name.

---

✔A Compilation of CATastrophies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon