QUINDECIM

560 56 3
                                    

Longing for No One

In an instant, our surroundings changed. Sa mga sandaling ito, wala na kami sa madilim at magulong eskinita. Nasa isang bahagi na kami ng siyudad kung saan walang tao ang nakakalat sa lansangan. It was surprisingly night time and the empty streets were a bit bothering. Payapa lang ang paligid at wala kang maririnig na kahit anong ingay mula sa mga kabahayan na pawang pang-mayayaman.

Kumunot ang noo ko at agad kong binitawan ang buntot ng babaeng pusa.

"Meow?" [Bakit tayo nandito?]

Golden eyes smiled back at me. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad, habang ako naman ay patuloy sa pagsunod sa kanya. Our footsteps were heard in the middle of the darkness.

"Meow.. Meeow." [You have a puspose why you are here, No Name.. Just like how I have my own purpose why I am walking beside you at this very moment.]

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. Sinasabi ko na nga ba. Iba ang kutob ko sa pusang ito.

"Meow?" [So, you're not here to flirt with me?] Wala na akong maisip na tanong eh.

Mas lalong lumawak ang ngiti ng pusa. At sa pagkakataong ito, nararamdaman kong hindi rin siya normal na pusa. May kung ano sa kanya ang nakapagbibigay-lakas sa akin at hindi ko na rin maipaliwanag ang kanina pang pag-iiba ng tibok ng puso ko. And no, it's not just because I have a crush on her. Cats can sense whether someone is out of the ordinary. Minsan may nakikita kami na hindi nakikita ng pangkaraniwang nilalang.

"Meoow.." [We're here..]

Nag-angat ako ng tingin. Nasa tapat na pala kami ng isang mansyon na mukhang matagal nang hindi natitirhan. Elegante ang pintuan, at mukhang mamahalin ang mga materyales na ginamit sa paggawa ng front porch na kinatatayuan namin. I think I can even see a glimpse of gold made within the doorknob.

Nagtatakang lumingon ako sa babaeng pusa na hanggang ngayon pala, ay hindi ko pa rin alam ang pangalan.

"Meow? Meow?" [Anong ginagawa natin dito? Akala ko ba tutulungan mo akong magkaroon ng amo?]

The female cat walked quietly towards me. Nakatitig lang ako sa kanyang mapupungay na mga mata habang papalapit nang papalapit ang mukha niya sa akin. Her whiskers brushed against my fur.

"Meeow.. Meow. Meow." [You'll find out soon.. Gusto kong maniwala ka sa sarili mo, No Name. Trust me. Hindi ito ang huling pagkakataon na makikilala mo ako.]

I closed my eyes.

At sa isang iglap, naglaho na rin ang babaeng pusa. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla. Ano ba talaga ang gusto niyang mangyari? Tsk. And besides, how can I believe that I'm not a bad omen if everything thinks I am? Naniniwala ang lahat ng tao na malas ako at dahil doon, purong kamalasan na lang din ang hatid ko sa lahat ng nakikilala ko!

Kung option nga lang ang pagsu-suicide, bakit hindi?

Aalis na sana ako at babalik sa dati kong buhay sa madidilim na eskinita nang biglang bumukas ang pinto.

Wala na akong nagawa kundi titigan ang taong----mga taong lumabas. Mga bata. Iba-iba ang kanilang edad at hitsura pero kuminang ang mga mata nila nang makita ako sa kanilang harapan.

And this is the first time I saw anyone get happy when they see a black cat.

"May pusa oh!"

"Ang cute naman niya!"

"Alagaan kaya natin?"

Mabilis ang sumunod na mga pangyayari. Namalayan ko na lang na kinakarga na ako ng mga bata at iniharap sa isang babaeng nakakulay itim na damit. Her eyes lingered on me, then back to the children. Bakit ba parang ang daming bata dito?

"Meow!"

The lady in black smiled warmly. "Hello, little cat. Welcome to my orphanage.. Siguro wala kang ibang mapuntahan, kaya ka napadpad dito?"

Orphanage? Well, that explains the kids running around the hallways. Hindi ako kumibo. Pero para bang nauunawaan ng babae ang sitwasyon ko.

And that's the time my life changed inside an orphanage. Sa mga panahong nakapiling ko ang mga batang iniwan na rin ng kanilang mga pamilya, naramdaman kong hindi pala ako nag-iisa. And they treated me as a family, kahit na isa lang akong pusa.

Iba pala talaga kapag mga batang naulila na ang kasama mo. Mas inosente at mabubuting-tao sila kaysa sa ilang sadyang nilamon na ng kasakiman. Hindi mo nga naman mahuhusgahan ang lahat batay sa kasalanan ng iilan. Unti-unti, nabago ang pananaw ko sa mga kabataan. Nakita kong may mga tao rin palang hindi ipinagtatabuyan ang mga katulad ko.

"Meow.." [But still, something is missing..]

Pero ano?

Isang buwan na ang nakakalipas. Naging masaya naman ako sa piling ng mga bata sa bahay-ampunan, but something still bothers me. Para bang may maliit na boses ang bumubulong sa akin na hindi pa ito ang tunay kong tahanan.

That someone out there needs me, as much as I need an owner.

---

✔A Compilation of CATastrophies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon