Five

10 1 0
                                    

Thirty minutes nang maya't-maya tumutunog ang alarm clock ko. Alas otso na pero ayaw pa ring bumangon ng katawan ko. Parang gusto kong matulog buong araw.

Muli itong tumunog kaya't pinatay ko na ito at bumangon na. Bumaba na ako para maligo. Sa labas na lang siguro ako kakain. Simpleng black three/fourths top na pinarisan ng white jeans at white coverse ang suot ko. Tapos string bag at white cap. Inilock ko na ang pinto at naglakad palabas ng subdivision. Nginitian ako nung guard kaya ngumiti din ako.

Pumunta ako sa isang café sa tapat ng subdivision. Nagtake-out lang ako ng Cappuccino at isang Mocha Rolls. Lumabas na ako at naghintay ng masasakyan. May tumigil na taxi sa harap ko pero hindi ako sumakay. Pwe! Kamahal-mahal! Dudugasin lang ako niyan.

Nakita kong may jeep kaya pinara ko yun. Don ko kinain ang pagkain ko habang biyahe.

"Kuya Greenberg lang!" sigaw ko at inabot ang bayad.

Nakita kong nandon na sa tapat ng guard house sina Ron, Aldrin, Jane, at Jim.

Agad akong lumapit sa kanila. "Carms! Hehe." bati ni Jane sakin. Ngumiti naman ako. "Buti dumating ka na, OP ako sa mga to eh." Ngumiti ako ulit at tumabi sa kanya. Nginitian naman ako nung tatlong boys. Ininom ko ang Cappuccino ko habang naghihintay sa iba. Di nagtagal ay dumating na sila. Inalis ko ang cap ko nung papasok na kami. Nahuli kami Aldrin. Nauuna naman si Ron dahil bahay niya ang pupuntahan.

"Ang ganda mo ngayon ah." Agad ko naman siyang nilingon at kinunotan lang ng noo. Ayan na naman siya.

Isa-isa kaming pumasok sa maliit na gate matapos magsulat sa log book. Kahapon kasi ay naka-van kami kaya walang ganitong ek-ek.

"M-ma'am Mina? Ikaw ba yan?" gulat na wika nung guard habang nagsusulat ako. Tumingala naman ako at nginitian siya. "Ikaw nga hija! Ang tagal mo nang hindi nakakadalaw dito ah!" nilingon naman kami nung ibang naghihintay samin ni Aldrin.

"Ah, b-busy lang po."

"Ah, buti naman, uuwi ka ata ngayon?"

"H-hindi po. May project lang po kami. Kina.. R-ron po ang punta ko." napatungo ako.

"Ahh. G-ganun ba.. Si-sige." bahagya akong lumapit.

"Pwede po bang huwag niyong ipaalam sa bahay na, n-nandito po ako?" bulong ko.

Tumango naman ito."Sige ba! Ikaw pa ba. Pasok na kayo."

"Salamat po." Itinuloy ko na ang pagsusulat ko at sumunod naman si Aldrin. Lumapit sakin si Ron at sumabay sa paglalakad namin ni Aldrin. "D-dito ka nakatira?" nag-aalangang tanong niya.

"D-dati yun. Matagal na. Mahabang kwento." tumango-tango naman siya at hindi pa rin umalis sa tabi ko. Yung iba naman ay tuloy lang sa paglakad at pagtatawanan. Naiilang ako sa totoo lang dahil napapagitnaan ako ng dalawang mokong na to. Tsk.

"Kaliwa guys! Pang-apat!" sabi niya sa mga kasama namin. Nang nasa tapat na kami ng bahay niya ay nanguna siya upang buksan ang gate. Pinauna niya kaming pumasok. Gaya kahapon ay itinuloy lang namin ang ginagawa namin habang nagkukwentuhan sila at nagtatawanan. Ako naman ay ngumingiti lang sa tuwing may magbibiro. Pinaghanda pa rin kami ni Tita Myra ng lunch at merienda. Pero hindi kami nag-uusap na parang magkakilala.

Natapos naman namin yun ng two o'clock. Kaya nag-uwian na kami. Hinatid lang kami ni Tita sa labas ng gate. Sabay ulit kaming naglakad palabas. But unluckily, hindi ako mahusay magtago dahil nakilala pa rin ako ni Camille. Nakasalubong namin siya kasama ang mga pinsan naming si Ruzzele, Justin, at Raisa. Naka-bike silang lahat. Agad naman silang bumaba ng makita ako.

"ATEE!!" sigaw niya at niyakap agad ako. Lumapit din sila Raisa. Nagtaka naman ang mga kasama ko ngunit nagpaalam na din sila. Hinatid naman sila ni Ron palabas.

Can I Be Your Escape?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon