Nagising ako sa ingay ng alarm ko. Kinapa ko ang phone ko sa ibabaw ng side table saka pinindot ang power. Halos hindi ko maidilat ang mata ko sa antok. It's already 5:00 AM. Five hours na din pala akong tulog pero pakiramdam ko, kapipikit ko lang. Inasikaso ko kasi ang report namin last night.
Maya-maya ay bumangon na ko at bumaba na.
I feel tired but I need to get up. Buti na lang at Friday na ngayon.
Nagtoast lang ako ng tatlong slices of bread. Nagtimpla na din ako ng chocolate drink. Wala akong ganang magluto ng breakfast today.
Pagkatapos kumain ay kinuha ko ang phone at gamit ko. May kailangan pa akong isulat na lesson for our report later. Kailangan kasi ng visual aids. Dagdag points na din.
Nag-ring ang phone ko habang nagsusulat ako kaya naman kinuha ko iyon at sinagot ang tawag ni Kate. Pinindot ko ang loud speaker para maipagpatuloy ko ang pagsusulat.
"Hello, Besh! Beautiful morning!" masiglang bungad niya. Maaga talaga 'to magising kahit walang pasok dahil nagwowork out siya or jogging sa village. Ako kasi, tamad ako sa gano'n.
"Mas maganda ako sa morning. Oh, ba't ang aga mo? 'Di ba sabi ko magpahinga kang maigi?" sermon ko agad.
"Hoy besh! Agang-aga sungit mo. Nag-exercise kasi ako! Kailangan 'yon para lumakas agad ako. Hehe." sagot niya naman.
"Sus. Kumain ka ha? At milk. No coffee muna." bilin ko. Nakarinig ako ng busina sa kabilang linya pero hindi ko na lang pinansin. Baka naglalakad siya sa village nila.
"Sige, Mama." tumawa siya nang malakas pagkasabi no'n.
"Loka-loka!" bahagya din akong natawa. "Oh, musta naman ang puso mo ha?"
"Huh?" matagal siyang tumigil, mukhang nag-iisip. Slow talaga nito. "Bakit? Anong meron sa puso ko?"
"May dugo 'yan. May mga ugat din." pamimilosopo ko na siyang ikinatawa niya. "'Wag mo sabihing hanggang ngayon kinikilig ka pa rin?"
"Huh? Saan naman— oh!" narinig kong napasinghap siya nang ma-realize kung ano ang sinasabi ko. "Hoy, hindi ah!"
"Asus. Kaya pala halos 'di ka na makagalaw kagabi."
"Ah, hehe. Hindi naman. Slight lang." pagtanggi niya pa.
"Whatever." tipid kong sagot.
"Besh, puntahan kita! Maaga pa naman!" nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Anong pinagsasabi mo?! Loka! Magpahinga ka lang d'yan, tumigil-tigil—."
"Nagpahatid ako, I'm fine, don't worry! I'm on my way. Babye, see you!" she cut me off then immediately ended the call.
Nag-alala talaga ako dahil hindi pa naman siya magaling. Sinubukan kong tawagan siya pero ring lang nang ring. Pasaway talaga!
After 15 minutes, dumating na nga siya. Hinatid siya ng driver nila.
Sinamaan ko siya nang tingin pagkababa niya ng kotse.
"Hi!" masigla niyang bati at tumakbo papasok sa bahay ko. Nakasuot siya ng black and pink hoodie, white jogger pants and pastel pink sneakers. Nakasuot din siya ng pastel pink na cap.
Sinundan ko siya sa loob at sinamaan ng tingin. Wala naman siyang pake at nakangiti pa sa'kin. Sumalampak siya sa sofa at binuksan ang TV. Bumalik naman ako sa kusina at itinuloy ang sinusulat ko sa dining table.
BINABASA MO ANG
Can I Be Your Escape?
أدب المراهقينCarmine Argoncillo is just a simple student; not popular, neither the smartest. Ever since she lived by herself, natutunan niya ring bumuo ng sarili niyang mundo; mundong walang pwedeng manakit, mang-iwan, o sumira ng tiwala niya. A world where only...