Kate Velasco: Beeessshhhh!!! Classmate natin syaaaa!! Huhuhu.
Alam ko na!
Siya yung ex-kalandian este ex-chatmate ni Kate! Tama!
Siya 'yong hudas na walang kaalam-alam na pinaiyak niya ang kaibigan ko! Kaya pala siya familiar. Tsk tsk!
Kaya pala gano'n siyang kapamilyar sa akin. Sadya lang na hindi ko hilig na tandaan ang mga taong hindi masyadong importante. :)
*FLASHBACK*
"OMG! Besh besh!" Bulong ni Kate sa 'kin, pigil na pigil ang mapasigaw. Kasalukuyan kaming naglalakad pauwi.
"Oh, ano 'yon?" Bulong ko din pabalik. Putek, pati ako napabulong din tuloy! Kahit kailan talaga itong babaeng ito.
"Si ano!" Bulong niya ulit at napakapit pa sa braso ko. Kunot noo ko siyang tinignan.
"Ano ba 'yon! Para kang tanga." Mahina kong sabi.
"Si... Si ano..." Mahina ko siyang bineltokan. Agad niya namang tinuktok ang baba niya habang nakanguso at salubong ang kilay.
"Sasabihin mo ba o isa pang beltok?" Inis kong saad. Nakakairita talaga kapag gano'n. Hilig na hilig niya pa naman ang magpabitin sa mga ikukwento niya.
"Si Ron!" Pabulong niya ulit na sabi.
"Oh, anong meron kay Ron?!" Bahagyang napalakas ang boses ko dahil naiinis na talaga ako. Pa-suspense siya masyado. Gulat niyang tinakpan ang bibig ko.
"Sshh! Besh naman eh. Nasa likod natin sila!" lumingon ako sa likod at bineltokan niya din ako. Napahimas naman ako sa ulo ko. "Kakasabi ko lang na nasa likod sila. Halata ka masyado!"
Nakita ko nga si Ron at mukhang 'di niya naman kami napapansin dahil busy siyang makipag-kwentuhan sa mga tropa niya. Nakahawak siya sa backpack niya at 'di naman talaga gano'ng ka-appeal. Ano bang nagustuhan ni Kate dito. Tss.
BINABASA MO ANG
Can I Be Your Escape?
Novela JuvenilCarmine Argoncillo is just a simple student; not popular, neither the smartest. Ever since she lived by herself, natutunan niya ring bumuo ng sarili niyang mundo; mundong walang pwedeng manakit, mang-iwan, o sumira ng tiwala niya. A world where only...