One

27 4 4
                                    

Sari-saring mga ingay ang naririnig ko habang binabaybay ang mahabang daan papunta sa bulletin board. May naririnig akong mga tawanan, masasayang kuwentuhan ng mga estudyanteng ngayon lang muling nagkita, mga tunog ng sapatos na yumayapak sa sahig, at marami pang iba.

Unang araw na naman ng pasukan. Grade-10 na ako. Ang bilis pala ng panahon. Pero kagaya ng dati, gano'n pa rin.

Nakipagsiksikan ako sa mahabang daan mula sa gate hanggang sa makarating sa pupuntahan ko. Kabi-kabila rin ang ginagawang buildings. Kaya may naririnig din akong tunog ng nagpu-pokpok, nagwe-welding at marami pang iba.

Kaya naman kahit first day of school at kahit hindi pa man nagsisimula ang klase, stress na agad. Haggard na agad. Wala eh, public school. Pero okay na 'to. At least, walang binabayaran.

Pati sa pagtingin sa bulletin board ay pahirapan pa rin. Siksikan at nag-uunahan ang mga estudyante para malaman kung ano ang section at room number nila.

Nahirapan talaga ako dahil bukod sa napaka-init ay malabo din ang mata ko kaya kailangan ko pang makalapit nang mabuti upang mahanap ko ang pangalan ko. Hanggang sa wakas! Nakalapit din ako at nakita ko ang ito.

Carmine Argoncillo - 10-B3 Room 027

B3? Well, expected ko na yan. Ayoko na kasing mapunta sa highest section. Nakakasawa na. Sobra ang pressure at ang taas ng expectations ng teachers.

Hindi na rin naman masama ang section B3. Out of 30 sections, pang 4th section pa rin naman ako. Isa lang kasi ang section A, sunod ay tatlong B, and the rest, isa-isa na lang bawat letter.

Sa sobrang dami kasi ng estudyante dito, hindi na sila nage-effort pang umisip ng pangalan sa bawat section.

Tumalikod na ko para maglakad papunta sa room ko. And God! Pati ba naman pag-alis dito pahirapan pa rin?!

Inabot ata ako ng tatlong minuto bago nakaalis sa siksikang iyon.

Huminga ako nang malalim bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Naglakad lang ako at nakisabay sa agos ng mga estudyante papunta sa— teka! San ba 'yong room 27?

Sandali akong tumigil at inilibot ang paningin ko. Sa dinami-rami ng estudyanteng nakikita ko ngayon ay wala man lang akong makitang kakilala ko kaya pumunta muna ako sa may bench at tumayo sa gilid noon.

Bakit? Kasi occupied na lahat ng seats. Baka sakaling may makita akong kakilala.

Maya-maya pa ay tumayo 'yong lalaking nakaupo sa may gilid ko kanina. Hindi ko alam kung bakit siya tumayo.

Teka, mabaho ba ako? Hindi naman ah. Humarap siya sa mga kaibigan niya at saka nagpatuloy sa pagkukwento.

Tinignan ko naman 'yong space na inalisan niya. Kapag umupo ako don, makakatabi ko iyong lalaking katabi ni kuya kanina. Ayoko ng ganoon. Nakakailang pa rin kaya muli ko na lamang inilibot ang paningin ko.

Maya-maya pa ay may mga dumating na "hype beast", este mga lalaking mukhang mga tambay sa kanto. Mga may hikaw at may kulay ang buhok. Weird. Paglapit nila...

"Yowww!!" Pagbati nila doon kina kuyang tumayo at sa kasama niya. Nag-apir pa sila isa-isa, kanya-kanyang batian at kwento agad ang bungaran.

Ang sasaya naman nila.

Naaasiwa ako sa nakikita ko kaya naman umiwas ako ng tingin at muling luminga-linga. Kamalas-malasan, wala akong makitang kakilala. Hindi kaya mali ang napasukan ko? Mukhang tama naman. Aish!

Makalipas ang ilang sandali ay nawala na ang maiingay na lalaki. Pero napansin kong nandon pa rin si Kuyang tumayo kanina pero ngayon ay tatlo na lang sila. Lima kasi sila kanina. Meaning to say, lumuwag na 'yong space sa bench. Pero si kuya hindi pa rin umuupo.

Can I Be Your Escape?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon