"Minapots."
Nilingon ko ang pinanggalingan ng mahinang pagtawag na iyon. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay saka bumalik sa pagsusulat ko. Fifteen minutes na lang kasi at magsisimula na ang first class.
"Inumin mo muna 'to oh."
Iniabot niya ang isang clear plastic bag na may lamang Oreo milk tea.
"Naks." Nginitian ko siya. "Sa'yo muna. Tapusin ko lang 'to."
Binilisan ko na ang pagsusulat at iniabot 'yon sa huling member ko. Linya niya 'yon mamaya sa report. Hindi kasi siya sanay nang walang binabasa kahit papaano. Medyo kinakabahan din ako sa report namin. Sana kayanin ko. Masyadong mabigat 'yong topic na napunta sa'min.
"Musta? Ready na kayo?"
Umupo siya sa upuan niya at muling iniabot ang milk tea sa'kin. Nakita kong iniinom niya na ang sa kanya kaya sinimulan ko na ring inumin ang sa'kin.
"Yep. Kailangan makinig ka." Sagot ko matapos sumandal. Hindi pa man nagsisimula ang klase, stress na 'ko.
"Yes, boss." Sumaludo pa siya sa'kin.
Samantala, hindi ko pa rin naiwasan ang mapa-buntong hininga. Kahit anong iwas ko sa ganitong usapin, kusang lumalapit sa'kin.
"Ayos ka lang ba?" Pabulong niyang tanong na sinagot ko nang pagtango. Tinapik niya ang ulo ko. "Dahil ba sa topic ng ire-report niyo?"
Buntong-hininga lang ang naitugon ko.
"Sabi na eh. Kahapon pa lang, no'ng dinistribute ni Miss iyong mga topics, naisip ko na na ganito mararamdaman mo eh." Malungkot niyang saad.
"Hindi naman. Okay lang ako." Pinilit kong magpakita ng kaunting ngiti.
"Kaya mo 'yan. Just think of this. Whatever lesson or experience that you're gonna share to us will surely be inspiring. Oo, medyo mabigat para sa'yo. Pero ano'ng ginagawa sa mabigat? 'Di ba binabawasan ang timbang? Gano'n ang gawin mo."
I stared at him before smiling a little. "I'll take note of that."
Ngiti lang ang isinagot niya.
"Nga pala, nakauwi na si Kate?"
"Yep. Hinatid ko naman siya sa may kotse nila. Safe 'yon." Nakangiti niyang pagkukwento.
Tumangu-tango naman ako. Mabuti naman. Masyado akong nag-aalala sa kanya dahil kagagaling niya lang sa sakit.
Out of nowhere, may naisip akong tanong. I don't know if he'll be mad, pero bahala na.
"What do you think about Kate?" I hesitantly asked.
Bahagya siyang natawa.
"Ba't mo naman natanong?" He asked, smiling.
"Sagutin mo na lang." Nang-aasar ko pang pagpilit.
He shook his head while grinning.
"I think... She's cute." Nakangiting sagot niya.
"What else?"
"For me, she will be a good friend. Just like you." He grinned even wider.
"Bakit friend lang?" Pag-usisa ko.
"Bakit hindi?" Natawa naman ako sa sagot niya.
"Pero seriously, sineryoso mo ba siya noon?" Nakangiti ko pa ring tanong. Natawa naman siya lalo.
"Saan mo ba napupulot 'yang mga tanong mo."
"Bilis na kasi!"
"Fine." He gave up.
BINABASA MO ANG
Can I Be Your Escape?
Teen FictionCarmine Argoncillo is just a simple student; not popular, neither the smartest. Ever since she lived by herself, natutunan niya ring bumuo ng sarili niyang mundo; mundong walang pwedeng manakit, mang-iwan, o sumira ng tiwala niya. A world where only...