Chapter I
Production Assistant ang trabaho ni lizie sa network na pinagtatrabahuan niya writer at taga-interview rin siya ng mga personaliad na ipi-feature sa show nila,
Iyon ang dahilan kung bakit napadpad siya sa napakalayong probinsya ng Bicol, Bahagi rin ng trabaho nya na puntahan muna sa lugar ang ipi-feature nila at ang mga i-interviewhin, at tungkols sa schedule ng taping kasama narin doon inaalam na niya kung aling mga paksa ang maari at hindi maaring talakayin.
Sa linggong ito ay naka-takda niyang interviewhin ang kilalang mga Catalina, at ang mga taong nakapaligid dito, from there on, babalik naman siya sa Manila para ayusin ang schedule ng buong grupo, kasama na ang host ng show para sa actual taping ng episode.
Base sa nalaman ni Lizie, dalawang anak lang meron sina Don Antonio Catalina at Donya Carmen Catalina, at iyon ay si Anthony Catalina at ang bunsong anak na si Camelle Catalina.
Hindi siya karaniwang lumalakad nang mag-isa, lalo na at malayo ang paroroonan.
Dapat sana ay kasama niyang lumakad ang ka workmate na si Ebeth at Bestfriend nya rin ito, pero kung kailan paalis na sila ay saka naman tinangkraso ang kaibigan.
Napangiti si Lizie nang maalala ang huling usapan nilang mag-kaibigan.