"Sigurado ka? " tanong ni ebeth na ikinangiti niya, para namang may magagawa ito kung sabihin niyang hindi.
"Best okay lang ako, ikaw nga tong inaalala ko baka tumaas pa ang lagnat mo, at wala kang kasama dito"
"Dont worry about me, nasabihan kona si Jenny na dito matulog for the three days that you'll be gone."
patukoy nito sa kaibigan nilang kapit-bahay,
"Alam na sa office ang schedule mo.?"
tanong nito habang pinapanood ang pag-impake niya ng notebook, laptop at handycam. mga personal niyang pag-aari iyon na ipinundar sa pag-tatrabaho nya bilang Production Assistant at writer
napangiti ang dalaga medyo gumanda ang buhay nya kaysa dati, may sarili na syang savings sa bangko napatayuan nya narin ng sariling bahay at nagbigyan ng Negosyo ang mga Mahal na Magulang, para sa kanya wala na siyang mahihiling pa, maliban nalang sa pag-ibig, kung gaano siya ka suwerte sa buhay ganun naman siya kamalas sa pag-ibig, naniniwala siyang darating ang para sa kanya, maghintay nalang sya, pero sa totoo lang naiinip na sya, parang sinusubok siya ng kapalaran, kung kailan hinahanap niya pakiramdam naman niya mas lalong lumalayu sa kanya ang pagkakataon, kaya mas mabuting wag nalang isipin.
nagulat siya ng biga siyang kalabitin ng kaibigan nya, anong nangyayari sayu, nag day dreaming kana naman, hindi ha may naisip lang ako, ano nga ba yung tanung mo?
alam na ba sa office yung schedule mo?
"Alam na ni Ma'am Lenny ang schedule ko kahapon kopa itinawag, pero bago aku sumakay sa bus ngayun tatawagan ko uli siya sa cell ko."