Man of my Dreams (Chapter 4

69 6 0
                                    

Chapter 4

 

"Kagagaling lang ni Anthony sa Bodega inimbentaryo niya roon ang mga stock ng mga pataba nila na ayon kay  Mang Simon ay kukulangin na ngayong buwan nato."

"At pagkatapos nag tipun-tipun ang mga Tauhan nila para sa Linguhang Pulong,"

"katatapos lang ng Meeting niya sa mga tauhan ."

"Hindi naging madali sa kanya ang Pag Ma-manage niya ng Family Business nila pero lumakas ang loob niya, kasi wala naman siyang ibang kapatid na lalaki, dalawa lang silang anak yung bunso niyang kapatid na si Camille wala namang hilig ito sa lupa at mga pananim,"

"Naintindihan naman niya ito kasi pareho silang laki sa Manila don na sila nag tapos ng kanya-kanyang Kurso at may edad na ang kanyang ama na si Don Antonio Catalina, at karamihan ng mga taga San Antonio ay pag-sasaka ang ikinabubuhay sa hacienda at hindi niya pwedeng biguin ang "mga ito, kahit hindi niya gusto ang mag Ma-manage ng hacienda kasi malayo sa Kursong kinuha niyang Bachelor Science Degree, ay wala siyang magawa, likas sa kanya ang masunurin sa magulang at maawain sa kapwa."

Ngayon ay alam na niya ang pasikot-sikot ng negosyo pero panaka-nakay nagkakamali parin ng desisyon, 

Naputol ang muni-muni ni Anthony ng napadaan siya sa bakanteng lupa , kumunot ang noo niya nang makitang nakatali parin ang mga baka sa gilid ng kalsada.

Tiningnan niya ang relo pasado alas onse na, Tutok na ang araw ay hindi pa nalilipat ang mga baka sa hindi mainit na parte ng bakanteng lupa.

Nasaan si Nestor,? Ibinaling-baling ni Anthony ang paningin pero hindi nakita ang tauhang nakatokang mag-alaga ng mga baka.

"Ipinarada niya ang dina-drive na Estrada sa isang tabi at tinungo ang kinatatalian ng mga baka,"

Isa-isa niyang inalis sa pag-kakatali ang mga baka at tinaboy patawid sa kabilang parte na hindi mainit at pwedeng pagtatampisawan ng mga baka,

"Habang igini-giya patungo sa kabilang parte napalingun siya at napansing may natira pa palang nakatali."

"Binalikan iyon ni Anthony,"

Samantala, nababalot ng tila ulap ng alikabok ang kalsadang tinatahak ni lizie, hindi nito halos makita ang dinaraanan.

Napakunot ang noo ng dalaga nang makitang may tumatawid na mga hayop sa kanyang daraanan, malayo pa ay bumusina na siya para mabigyang-babala ang nag-papastol ng mga hayop.

Bahagya siyang nag menor ng pagpapatakbo, ngunit nang makitang wala ng tatawid ay pinabilis niya ang takbo ng sasakyan,

"Ano'ng...?" Nanlaki ang mga mata niya nang mula sa kung saan ay may lumitaw na isa pang baka, papatawid din ito."

"Nataranta ang dalaga nang makitang sa tinutumbok ng kanyang sasakyan ay may lumitaw ring isang tao"

Saan galing' ito? Muli, bigla niyang kinabig ang manibela papaiwas sa lalaki sumadsad siya sa pababa ng lupa sa tabi ng kalsada at sumalpok ang nguso ng arkiladong kotse sa isang malaking puno.

"Shit" shit, shit, naisigaw niya. nabitiwan niya ang manibela at tinakpan ang mukha ng pinagkrus niyang mga braso upang hindi masaktan."

Miss...?" Narinig ni lizie ang nag aalalang tinig ng isang lalaki.

Inis na inis ang dalaga dahil kung kailan siya nagmamadali ay saka naman ganito ang nangyari.

Imbis na mapaaga ay male-late pa siya ngayon sa appointment niya kay Anthony Catalina.

Man of My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon