Man of My Dreams (Chapter 9)

53 3 0
                                    

Chapter 9

Sabay na silang tumayo at nag lakad patungo sa Dining room,

at nag salita si Anthony,

"Can you please drop the formality? You can call me 'Anthony' and I'll call you... 'Liz?"

"Liz. Short for Lizie." 

Dumulog na sila sa hapag-kainan, kung kanina ay hindi siya nakaramdam ng gutom, ngunit nang makita ang masaganang pagkaing nakahain sa mahabang mesa ay biglang kumalam ang sikmura niya, napansin niyang dalawang set lamang ng mga plato at kubyertos sa mesa.

"Tayo lang ba ang kakain? Nasaan ang family mo?"

"Camille's still in school. My mom and dad out of country."

Hindi siya magtataka kung babaero ang mga lalaki sa mga Catalina, Sa katayuan nila sa lipunan at sa angking kakisigan ng mga ito tiyak niyang maraming mga babae ang mag kakandarapa, As i heard madami itong mga pinsan na lalaki na kagaya rin ni Anthony ang katayuan sa buhay..

Napayuko siya nang mapansing nakatitig na naman sa kanya si Anthony.

"Your food, Liz." sabi nito na nakapaigtad sa dalaga."

Gusto niyang pagalitan ang sarili dahil sa hindi mapigilang reaksyon sa kaharap.

Tumingala siya at nagtagpo ang mga mata nila.

Lizie caught a flash of something oddly intimate and deeply unsettling in his eyes. it was totally unexpected.

"I think it's time we got down to discussing the reason why you're here." sabi ni Anthony nang malapit na silang matapos sa pagkain.

He's a busy man and my presence here is not entirely welcome, hindi maiwasang maisip ni lizie.

"O-of course."

Nagpunas ng table napkin sa bibig ang dalaga bago nagsalita. " I made all the arrangements through your mother, Mrs. Catalina. Nang ipaalam ko na kayo ang napili naming sunod na  i-feature sa show namin, she said ikaw nga ang haharap for the interview.

"Spare me the details, I watch your show, I find it interesting, and since my parents already gave you the go-signal to shoot in our humble home, i dont see any reason to refuse it."

Naka hinga nang maluwag si lizie sa narinig.

Ipinaliwanag niya sa binata ang procedure sa pag-taping, inalam narin niya kung alin lang sa bahay ang maaring kunan ng camera at alin ang hindi. 

"Here are the series of questions that the host will ask you, nasa inyo na kung alin lang ang mga gusto ninyong sagutin at alin ang hindi."

Pwede rin ho kayong magdagdag ng ilang impormasyon ho na gusto ninyong ipaalam sa publiko.

Habang nagsasalita siya ay napansin ni Lizie na tumatawa ito, habang nakikinig sa kanya, Nailang ang dalaga. Gusto man niyang mainis ay pinigil niya ang sarili.

Wala siyang karapatang magalit sa lalaking ito, Kahit ano pang nakakainis na gawin nito kailangan parin niyang pag pasensyahan ito, Tiyak na siya ang babalingan ng producer at mga kasamahan sa trabaho kapag nag-back out ang kanilang guest.

"May nakakatawa ho ba sa mga sinasabi ko?"

Hindi parin niya napigilang itanong.

Umiling si Anthony. "Wala naman, Napansin ko lang. 'Hindi mo nga ako tinatawag na Mr. Catalina' pero tadtad naman ng ho, n'yo, inyo, kayo ang bawat sentence mo. Mukha na ba akong uugod-ugod, Liz?"

"Ang sa akin lang naman ay pagbibigay-galang lang ho."

"So now Im your superior?" Nang hindi siya kumibo ay nagsalita si Anthony. "Mas nagugustuhan kita kanina, hindi mo ako boss para igalang mo nang ganyan, Mas gusto kong normal at ka-level mo ang trato mo sa akin."

We will never be on the same level, Malayo pa sa ulap at lupa ang agwat natin.

"Can I expect that from you, Liz?"

Napansin niya, panay ang bigkas niya sa kanyang palayaw, as if he were enjoying the sound of it.

"S-sige."

"Sige what? Can't you say my name? and can't you speak without stammering?"

"And without blushing?"

Naiinis na si Lizie. Halata namang pinagkakatuwaan siya nito, hindi man ito ngumiti ay halata naman ang pagtawa sa mga mata nito.

"Okay," Hindi na niya itinago ang pag-kainis."

"Anthony"

Madiin ang pagkakabigkas niya sa pangalan nito.

"Much Better. Maganda pala ang pangalan ko kapag ng galing sa mga labi mo."

Pinigilan ni lizie ang mapahiya dahil sa pambobola nito. Kung laging ganito ang magiging tema ng pag-uusap nila ay baka hindi niya mapigilang tarayan ito.

Kesehoda na mawalan ako ng trabaho, pagrerebelde ng isip niya.

"Oh for heaven's sake!" naiinis nang sabi nya. "Pano namang hindi ako mauutal.Para akong nasa ilalim ng microscope. Bawat sabihin ko at igalaw ko ay sinusuri mo.

"I'm sorry but i can't help but stare at you, I can't take my eyes off you.

"Oh, please spare me." Pinaikot ni lizie ang bola ng mga bata niya.

Napalakas ang tawa ni Anthony sa reaksyon ng dalaga.

========================================================

========================================================

Guyz my mabubuo na kayang pagtingin sa kanilang dalawa ni Anthony & Lizie

Abangan nyu ang patindi na ng patindi ang storya nila

at ang paglabas ni  Danica Wang at Stephen heroford

Sino si Danica sa Buhay ni Anthony...

Yay pati ako excited ...

 

Please vote nyu narin ang story ko ... madaming thank you

Spread love, not war :)

Man of My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon