Chapter 1: First sight

18.2K 329 17
                                        

"Miss!" Narinig Narinig kong sabi ng isang lalaki at ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang kamay niya sa aking braso.

"Aray, aray! Ano ba!" Hinila niya ako. Pero pinipilit ko rin hilahin yung kamay ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"Miss! Ano ba! Huwag ka ngang magpakamatay diyan! Hindi sagot yan sa problema!" Sabi niya.

"Hoy! Anong pagpapakamatay? Okay ka--" Nadulas ako. Naapakan ko ang isang malaking bato. Pero pareho kami napatumba. Muntik na akong malunod dahil sa tagal bago maaahon.

"Ano ba kasi! T*ng-in*! Ano ba kasi ginagawa—ARAY!!" Naramdaman ko na ang sobrang kirot at hapdi ng paa ko. Alam kong may sugat na yun at dahil napasukan na ng tubig alat, lalong sumakit. "ARAY! Ang sakit! Oh My God!"

"Sorry Miss! Tara dun tayo!" Binuhat niya ako pero nagpapapalag pa ako dahil hindi ko naman kilala ang lalaking to. Kaya lang masakit talaga masyado ang paa ko kaya hindi ko magawang makaalis sa pagkakabuhat niya at hinayaan ko nalang siyang dalhin ako sa isang dampa.

"ARAY! Ang sakit talaga." Nakita ko na ang dugo sa paa ko pati na din ang sugat. Malaki ang hiwa na gawa nung bato kaya naman hindi nagtitigil ang pagdurugo. Napaiyak na ako. "Bakit ka ba kasi nakikialam! Kung hindi dahil sayo hindi sakin mangyayari to! Pakielamero ka masyado!"Tinignan ko siya ng masama.

"Teka, teka. Dapat nga magpasalamat ka sa akin eh. Niligtas kita." Pinupunasan niya ang mga dugo sa sugat ko ng damit niya.

"Teka nga! Alisin mo nga yang pinangpupunas mo! Baka mamaya madumi yan magkaimpeksyon pa—Aray! Badtrip naman talaga oh! Saka anong niligtas? Saan?"

"Hindi ba magpapakamatay ka? Ang dilim dilim na tapos magpupunta ka pa sa dagat."

"Hoy! Sinong kapwa mo demonyo ang nagbulong sayo na magpapakamatay ako ha? Maliligo ako. At saka sa ganda kong to iisipin kong magpakamatay? Hello!"

"Maganda ka na sa paningin mo? E di wala ng pangit sa mundo?"

"Aba ang yabang mo ha! Bakit akala mo ba gwapo ka--"

"Oo!"

"Ang lakas hangin dito grabe. Baka liparin ka diyan ha! Tabi nga! Bwiset na araw to—"

"Gabi na."

"Fine! Alis sabi! Tabi-tabi!" Sinubukan kong tumayo at hinawi siya pero nang dumikit ang talampakan ko sa sahig ng dampa ay napaupo ako sa sakit.

"Anak ng putspa! Kasalanan mo to eh! Bwiset ka bwiset bwiset!" Pinagpapalo ko ang binti niya.

"Aray! Aray! Ano ba!" Sa paghawi niya ng paa niya ay nasipa niya ako ng hindi sinasadya.

"Araaaaay!" Napaiyak na ako lalo.

"Teka Miss. Sorry. Hindi ko sinasadya--"

"Get out of my sight NOW!" Kita kong nagulat siya sa sigaw ko. Tinitigan ko siya ng masama at napatulala siya saglit. Pero mas nagulat ako ng buhatin niya ako ulit. Nagpapapalag ako pero syempre, tulad nung una, hindi ko magawa. Malaking tao tong nagbubuhat sa akin. "Hoy! Ano gagawin mo sa akin! Rapist ka siguro noh! Pagsasamantalahan mo ako dahil ganito ang kalagayan ko or baka kidnapin mo ako sinasabi ko sayo wala akong pera. Wala akong mga magulang kaya walang mangtutubos sa akin. At kung rarape-in mo naman ako please lang nagmamakaawa ako huwag mo gagawin yun. Marami pa akong pangarap sa buhay. Marami pa ang mahuhumaling sa ganda ko . Marami pa akong paiiyaking lalaki. Marami--"

"Pwede ba? Naririndi ako sa boses mo! Mukha ba akong kidnapper or rapist ha? Tumigil ka na magsalita!"

"Hindi ako naniniwala sa'yo. Alam ko ang modus ng mga ganyan. Style mo bulok! Sisigaw ako kapag hindi mo ako binaba! Isa! Dalawa! Tat--"

Binitawan niya ako. Mabuti nalang at buhangin to kung hindi ay magkakapasa ang balakang ko.

"HOY! BAKIT MO AKO BINABA!"

"Sabi mo ibaba kita eh di yan! Miss, hindi kita type. At lalong hindi ko magugustuhan na pagsamantalahan yung babaeng kahit basa na ang damit at humapit na sa katawan eh wala pa din kakorte-korte."

"Bwiset ka talaga! Bwiset! Itayo mo ako dito! Aray. Masakit na nga ung paa ko, masakit pa balakang ko. Ang it's all because of YOU! F*cking Asshole!" Pinagpapalo ko ang binti niya dahil yun lang naman ang naabot ko.

"Bahala ka diyan sa buhay mo. Ang sabi mo ibaba kita. Ayan. Binaba kita."

Tumalikod siya at umalis na.

"Hoy! Huwag mo sabi akong iwan dito! Itayo mo ako dito! Hoy! Lalaking feeling pogi na puro yabang! Bumalik ka!"

Kumaway lang siya at dire-diretso sa paglalakad. Hindi man lang lumingon.

"Aba talagang iniwan ako ng lokong yun! Madapa ka sana! Tamaan ka sana ng kidlat! Lamunin ka sana sa impyerno ng kapwa mo demonyo!"

Sa sobrang inis ko, napaiyak nalang ako ng napaiyak. Maya-maya lang ay bumuhos na ang ulan. Lalo kong naramdaman yung hapdi sa paa ko. Hindi ko alam kung paano ako makakatayo dito dahil sigurado kapag tinapak ko ang paa ko, papasukan lang yun ng buhangin at lalong sasakit.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa posisyon na iyon ng naramdaman kong nawala ang patak ng ulan. Pagkatingala ko, nakita ko ulit ang lalaking may dahilan ng kasiraan ng araw ko na to. May hawak na payong na nakatapat sa aming dalawa.

"O anong ginagawa mo dito? Akala ko ba aalis ka na? Akala ko ba bahala ako sa buhay--"

"TIGIL!" Natahimik ako sa sinabi niya. Binuhat niya ulit ako. "Ang daldal mo masyado. Para kang nakakain ng pwet ng manok. Tinutulungan ka na nga nagsusungit ka pa diyan." 

Dangerously in love with You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon