Hindi na ako umimik hanggang sa makarating kami sa isang bahay. Actually, kubo lang yun pero maayos siya at malaki. Inilapag niya ako sa isang monoblock chair. Tinignan ko lang siyang pumasok sa isang kwarto at paglabas ay may dala ng tuwalya at ibinato sa akin. Akto niyang aalisin ang damit niya ng nagsalita ako.
"Hoy, Hoy! Ano gagawin mo? Bakit naghuhubad ka diyan ha?! Sabi mo wala ka gagawin masama? Sabi mo hindi ka rapist? Sabi mo--"
"God! Bakit ba ang daldal mo ha? Hindi mo ba kayang hindi tatalak kahit saglit lang? Natural basa yung damit ko kaya tinatanggal ko. Like what I have said. Hindi kita type. Okay?" Itinuloy na niya ang pag-alis ng damit niya. Nag-iba naman ako ng tingin.
"E pumasok ka na sa kwarto bakit dito ka pa nag-alis ng damit? Dapat dun mo nalang inalis yan at dun ka nalang nagpalit."
"Nakikita mo yun? " Nilingon ko ang tinuturo niya at isang lagayan ng sa tingin ko ay maruruming damit. "Diretso kasing lalagay diyan. May pagkaulyanin ako baka maiwanan ko pa sa kwarto tong basang damit." Umalis siya at pumasok sa isa pang kwarto. Tahimik lang ako habang pinupunasan ko ang buhok kong basang-basa.
"O! " Hinagis niya sa akin ang isang tshirt at boxers.
"Ano gagawin ko dito?"
"Ah ipampunas mo diyan sa mga tulo sa sahig. Baka nalalamigan yung sahig e."
"Ang sungit nito. Tinatanong ka ng maayos diyan!"
"Common sense, Miss."
Umalis ulit siya. Kusina ata ang tinungo. Pagbalik may hawak na din siyang kape at nilapag sa table katabi ko. "Baka tanungin mo kung para saan din yan. Itry mong ibuhos sa katawan mo para mainitan ka. Mas effective yun siguro."
Inirapan ko nalang siya. "Saan ang banyo? Alangang sa harap mo ako magpalit ng damit?"
"Kahit maghubad ka pa sa harap ko, wala kang dating."
"Bakla ka siguro noh?"
"Ako bakla? Baka gusto mong patunayan ko yang sinasabi mo na yan?" Inilapit niya ang mukha niya sa akin at naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko. Napakurap-kurap ako sabay naman sa tawa siya. "Natameme ka?" At umayos na siya ng tayo.
"Epal ka talaga! Asan ba ang banyo ng makapagbihis na at makaalis na sa mukhang bahay ng uwak na to!" Itinuro niya ang isang may pinto at hindi na pinansin ang sinabi ko. Lumapit ako dun ng ika-ika. Hindi man lang ako tinulungan ng damuho na to. Mas okay maglakad sa ganito dahil tuyo naman ang sahig kesa kapag sa buhanginan. Didikit pa sa sugat ko ang buhangin kahit naka tip toe ako.
Nang makarating ako sa loob ng banyo, isinampay ko ang tuwalya at damit na binigay niya."Bwiset na yun. Pakiramdam ko wala man lang ako ka appeal-appeal kapag nagsalita. Akala mo naman kung sinong gwapo. Makinis lang siya. Tapos matangos lang ang ilong niya tapos mapula lang ang labi niya tapos maganda lang ang mata niya at may mahabang pilikmata. Yun lang yun!"
I just then realize na puro good traits ang sinabi ko. Kaya lang hindi ko talaga kayang sabihin na gwapo siya dahil sa sobrang inis at bwiset ko sa kanya. Kung di dahil sa pakikialam niya, hindi ko mararanasan ang kamalasan ko na ito. Ang hirap maglakad dahil sa talampakan pa mismo.
Isinuot ko ang napakalaking tshirt. Payat lang kasi ako na maliit samantalang yung lalaking yun ay ang tangkad. Siguro 6 footer mahigit yun tapos may katawan pa. Ang ganda ng shape ng katawan. May abs pa. Tapos ang laki ng mga braso. Para siyang yung mga manequin na lalaki sa mall sa katawan.

BINABASA MO ANG
Dangerously in love with You (COMPLETED)
RomanceLoving you was never in my hands. I saw you and my heart knew in an instant that it wouldn't function without you.