Inabala ko nalang ang sarili ko sa trabaho para hindi ko na maisip pa ang mga bagay na wala namang kakwenta-kwenta. Nang magaalas diyes na nagpunta na ako sa CR para mag-ayos. Meron naman akong gig ngayong gabi. Kumakanta kasi ako sa iba't-ibang bar pero hindi naman madalas yun.
Every other day ang gig ko. Kapag December saka lumalakas ang tawag sa akin. May bandang tumutugtog para sa akin. Kinukuha nila ako bilang official na vocalist nila pero umaayaw nalang ako. Baka kasi maapektuhan na pag-aaral ko kapag ganun. Sigurado kasing gabi-gabi na or minsan hindi lang isang bar ang pupuntahan namin kapag nagkataon.
Simpleng pants, sneakers at white spaghetti strap shirt ang suot ko. Ganito lang lagi kasi pinagpapawisan ako ng husto kapag kumakanta na sa stage. Iba-ibang kulay lang. Binibigyan nila ako ng isang libo para sa dalawang oras na pagkanta bawat gabi. Okay na rin kesa sa wala. Naghintay na ako ng jeep papunta sa bar na kakantahan ko ngayon. Alas onse pa naman yung oras ng kanta ko pero mabuti ng mas maaga. Ten minutes away lang yung bar. Pinakaayoko kasi sa lahat yung nalelate. Nasanay na din siguro ako sa boss ko sa café.
Thirty minutes na mas maaga ako nakarating sa bar. Agad akong nilapitan ng organizer nito.
"Ang aga mo Ms. Aby ha."
"Oo nga po eh. Pero okay lang. Dun muna ako sa room." Pinuntahan ko ang room para sa mga guest dito. Naupo muna ako sa sofa at isinandal ang likod ko. Ipinikit ko ang mga mata ko. Ipapahinga ko muna ang natitirang oras.
"Ms. Aby, eto tubig mo." Dumilat ako at tumango. "Mabuti ka pa always na maaga. Yung iba kasing guest namin minsan one hour late."
"Kapag kasi late ako nagpunta, late din ako matatapos. So mas okay ng maaga po ako para maaga din matapos." Nginitian ko siya at di na ulit nagsalita pa. Ibinalik ko ang pagkakapikit ng mata ko. Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako. Naramdaman ko nalang na may gumigising na sa akin.
"Ms. Aby, Ms. Aby."
"Oh my God! Sorry nakatulog ako. Ano oras na po?"
"Eleven 10 na po."
"Sorry naku.. Wait lang CR lang ako then start na. Nakaready na ba ung banda?"
"Yes Ms. Aby. No worries. Take your time. Mukhang pagod na pagod kayo ha."
"Hindi naman po. Sige. Balik po ako agad."
Kinuha ko ang bag ko. Nagtoothbrush ako then mouthwash. Naghilamos, naglagay ng lip gloss at powder.
"I'm ready!"
"Okay Ms. Aby. Punta na po kayo sa stage."
Nakarating na ako sa stage. Marami-rami na rin yung tao. Sanay na ako sa ganito dahil ilang ulit na akong kumanta sa harap ng mas marami pang tao kaya naman wala akong kabang nararamdaman. Kaya lang ngayon, hindi ko maintindihan kung bakit ako kinabahan. Luminga ako sa mga tao sa paligid. Wala namang kakaiba. Normal lang ang lahat.
Siguro dala lang to ng pagkaidlip ko.
Narinig ko ang sipulan ng mga tao. Normal nalang din yun para sa akin. Mga nakainom na ang mga nandito kaya natural na sa kanila ang mag-asal ng ganun. Wala naman ako magagawa. Hindi ako pwede magalit hanggat hindi pa naman ako nagagawan ng hindi maganda. Hanggang sipol lang naman sila.
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
"Good evening guys! Nag-eenjoy ba kayo?!" Sabay-sabay nagsigawan ang mga tao. Hindi ko na nga maintindihan dahil may sumagot ng Oo, Sobra, Yes. "Okay! Sana magustuhan niyo pa lalo ang pagstay niyo ngayon!"
BINABASA MO ANG
Dangerously in love with You (COMPLETED)
RomanceLoving you was never in my hands. I saw you and my heart knew in an instant that it wouldn't function without you.
