"Ha?" Sagot ko sa kanya matapos ang ilang segundong pagkatunganga.
Bakit siya nandito? Ano ang ginagawa niya sa Maynila?
"Miss, sasakay ka pa ba? Kasi kung hindi na pakisarado mo na yung pinto." Narinig kong sabi ng taxi driver. Siya na ang lumapit. Isinara ang pinto at sumenyas sa driver.
"Teka nga, anong ginagawa mo dito? Bakit alam mong nandito ako? Sinusundan mo ba ako ha? Saka ano ung sinasabi mong tayo na. Ang kapal mo din talaga kahit kailan. Akala ko ba sabi mo--" Natigil ako sa tawa niya. "Anong tinatawa-tawa mo diyan?"
"Ilang linggo na ba nung huli tayong nagkita? Hindi ka pa rin nagbabago. Napaka madada mo pa din. Wala pa ring preno yang bibig mo."
"Sagutin mo yung tanong ko!"
"Alin ba dun sa tanong mo? Ang dami nun. Hindi ko alam kung alin ang sasagutin."
"Lahat."
"Ginagawa ko dito? For your information Miss, dito ako nakatira sa Maynila. Nandito ang trabaho ko. Alam kong nandito ka? Naah.. It's just coincidence. Sinusundan kita? Hanggang ngayon mahilig ka pa rin magday dream. Have I answered all your questions?"
"Not yet. Kung nagdeday dream ako, e bakit ang bungad mo sa akin ay ung akala mo ba tayo na? Ibig sabihin, gusto mo maging tayo. Ibig sabihin, may romantic feelings ka para sa akin."
Tumawa siya ng mas malakas bago nagsalita. Yung nakakapikong tawa. Bwisit! "Ang galing mo din magjoke noh."
"Nakakapikon ka talagang bwiset ka! Nandito ka na naman, maguumpisa na naman ang kamalasan ko! Bat alam mong nandito na ako sa labas? Sinusundan mo ako."
"Nagkataon lang dahil uuwi na din ako.Nakita kita. Ang sarap mo kasing pagtripan. Pikon ka kasi kaya yun. O siya. Diyan ka na. Bye." Tawa pa siya ng tawa na lalong ikinapikon ko at iniwan na akong mag-isa.
"Bwiset talaga tong lalaking to. Bakit ba nakita ko ulit yun? Haaaay! Asar! Imbes na maganda ang araw ko andito na naman siya."
Nagulat ako sa bumusina sasakyan na tumapat sa akin. Ibinaba niya ang salamin at yung nakakainis na lalaki na yun ang nakita ko.
"Bye!" Kumaway at ngiting ngiti siya. Siguro kung hindi nakakainis ang una naming pagkikita, maappreciate ko yung mukha niya. Kaya nga lang mas nangingibabaw yung pagkainis ko kesa sa pagkamangha ko sa kanya. Inirapan ko lang bago niya itinaas ulit ang bintana.
Inabot na ako ng tatlumpung minuto pero wala pa ring taxi ang dumadaan. Sa sobrang ngalay ng binti ko napaupo na ako dun sa may halamanan.
"Sinasabi ko na nga ba eh. Kapag minamalas nga naman. Nandiyan na naman yung nagdadala ng malas sa akin. Haaaaay!!! Asar!"
Isang oras na pero wala pa ding taxi. Nakakaramdam na ako ng pamimigat ng mga mata ko. Oras na kasi dapat ng tulog ko ngayon.
"Kung nakasakay ako kanina e di sana kanina pa din ako sa bahay! Bwiset ka talagang lalaki ka! Huwag na huwag ka ng magpapakita pa sa akin!"
Naalala ko ang biglaang pagsulpot ng lalaking yun. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. Nakakatawa lang isipin na grabe pala talaga ang coincidence. Hindi lang isang beses sa parehong tao pwedeng mangyari. Sigurado ako na dahil nasa Maynila lang yung lalaki ay magkikita at magkikita kami nun.
Siya kaya yung lalaki na nagsasalita kanina habang nasa stage ako?
"Sus! E ano naman ngayon kung siya nga? Ano naman ang pakialam ko dun? Puro kamalasan lang ang dala sa akin nun eh!"
Yung inis ko nagbalik na naman. Nakakainis lang dahil sa mga ganitong klaseng pagkakataon pa kami nagkikita nun. Sabi niya hindi sadya. Pero ang mas nakakainis ay kung paano niya ako ayawan. Para bang kasalanan na magustuhan niya ako. Pakiramdam ko talaga ako ang pinakapangit na babae sa mundo kapag nagsalita na yung mayabang na yun.
Wala naman talaga akong pakialam sa iniisip at sasabihin ng ibang tao sa akin. Walang ibang mahalaga sa akin kundi ang kumita ng pera. Yun lang ang kailangan ko para mabuhay. Wala ng iba pang bagay.
"Miss, sakay na." Nagulat pa ako dahil sa gitna ng pagmumuni-muni ko may nakapara na palang taxi sa harap ko. Nakakapagtaka pero sumakay na rin ako. Kesa naman abutin pa ako ng umaga. Sinabi ko kung saan ako nakatira. Napapapikit na ako pero pinipigilan ko dahil malapit lang ako.
"Thank you Manong. Eto po bayad." Inabot ko ang 100 pesos. "Keep the change po."
"Thank you Ma'am."
Pagkapasok ko sa loob ng bahay agad kong inalis ang sapatos at jacket ko. Nagpalit ako ng boxer short at humiga na sa kama. Hindi ko na kaya pang maghilamos dahil antok na antok na ako.
Hindi naman mahalaga sa akin masyado ang pagtulog. Kahit may limang oras lang ako, okay na sa akin. Kaya nga lang mas napapagod ako sa ganitong paghihintay kesa magtrabaho. Ayaw ko kasi ng natitigil ng ganito ng walang ginagawa. Pwera nalang kapag nasa school na kailangang makinig sa Professor ng sobrang habang oras. Kahit papano dun, gumagana naman ang utak.
Nang makahiga ako, pumikit lang ako at nakatulog na agad. Mag-aalas tres na ng madaling araw kaya feel na feel ko na ung pagod para sa buong araw kong tinrabaho.
Nagising ako sa sikat ng araw. Nakalimutan ko ng isara yung kurtina kagabi dahil bagsak agad ako sa kama. Isasara ko pa dapat yung bintana ng mapatingin ako sa orasan. Mag-aalas sais y medya na. May interview pa ako para sa part time work ko tuwing umaga. Alas diyes ang interview kaya naman napabalikwas ako ng bangon.
Mabilis akong naligo at nagbihis ng black na skinny pants at red sleeveless na polo tops. Kailangan kong sumakay ng LRT papunta dun. Pedro Gil station ang baba ko.
"Badtrip. Dapat inagahan ko pa. Siguradong sobrang dami na namang tao sa LRT neto. Kainis." Sa may Monumento Station ang sakay ko. Isang jeep papunta dun.
Nang makarating na ako dun, hindi nga ako nagkamali sa haba ng pila ng tao. Hanggang Victory Central Mall ang pila. Sabi kasi ng kaklase ko na nage-LRT papasok, basta inabot ka ng alas siyete, ganito na ang pila hanggang alas nwebe.
"Hay, haggard ako neto pagdating dun." Kailangan ko pa ng isang trabaho dahil meron naman akong oras sa umaga. Pwedeng from 7AM to 11AM. Four hours lang din naman ang kailangan nila according sa phone interview namin last week.
Almost one hour din ang ipinila ko bago ako nakarating sa taas. May dumating na tren kaya naman nagmadali ako nang makaipasok ko na ang ticket. Dali-dali akong lumapit sa may pintuan na punung-puno na ng tao hanggang sa tumunog ang buzzer hudyat na magsasara na ang tren.
Ang dami agad tao sa likuran ko. Tulad ko, hinahabol din nila ang tren na to. Yung tipong kahit na hindi ka na lumakad at hahakbang ka nalang, makakapasok ka na sa tren.
"Aray! Saglit lang po huwag po kayong manulak. Magsasara na po yung tren!" Sigaw ko pero mukhang hindi na ako naririnig ng mga taong ito.
*Pipipipipipipipipip*
"Yung susunod po na tren mas maluwag. Kung maari po huwag na po natin pigilan ang pinto sa pagsara." Narinig kong sabi ng driver ng tren.
Nakapanik na ako sa tren. Pinilit kong makaharap sa may bandang pintuan. Puro lalaki ang nandito kaya naman naitutulak pa ako. Inaasahan ko na ang ganitong eksena pero ang hindi ko inaasahan ay merong matinding nagtulak sa may bandang likod kaya naman nahulog ako. Naramdaman ko nalang na merong sumalo sa akin mula sa may platform. Napapikit ako dahil alam kong babagsak ako.
"Hoy! Ano ba! May nahulog na! Umusog naman kayo diyan!"
"Wala ng iuusog! Huwag na kayong humabol." Yun ang naririnig ko. Nang minulat ko ang mga mata ko, nagulat ako sa nakahawak sa akin.
"Mabuti na lang nasalo kita kung hindi kawawa ka."
BINABASA MO ANG
Dangerously in love with You (COMPLETED)
RomanceLoving you was never in my hands. I saw you and my heart knew in an instant that it wouldn't function without you.