"Ano ba yan, Knight. Dahan-dahan naman sa pakikipagharutan sa anak mo! Mamaya mapilayan yan." Sabi ko habang hinahabol ni Knight si Cyrreiz, panganay naming anak.
"Hayaan mo siya, gusto ng harutan eh." Tawa pa sila ng tawang dalawa. Naririnig ko pa ang tili ng anak ko. Dalawang taon na siya kaya naman kitang-kita na ang pagkaharot.
"Baby, you want milk? Timpla si Mama?"
"No!" Ito lang ang kinaiinis ko. Ayaw sa akin ng anak ko sa hindi ko malamang dahilan. Porket ba hindi kami magkamukha at ung mukhang-mukha ng tatay niya ang nakuha niya? Yung pagkababae lang yata sa akin. Tignan mo nga, ulitimo timplahan siya ng gatas ayaw.
Lumapit pa rin ako sa gatas niya para ipagtimpla siya. Pero agad ding lumapit sa akin ang anak ko. "No! Dada! Dada! Dede! No, Baba!" Baba ang bigkas niya sa Mama. At hindi ko alam kung bakit kahit ulit-ulitin ko na ang Mama.
"Aba, sumosobra ka ng bata ka ha. Nanay mo ko ha! Ano akala mo sa akin, muchacha niyong mag-ama?!"
"High-blood ka na naman. Eh sa ayaw ng anak mo, hayaan mo na."
"Ewan ko sa inyong dalawa!" Tinutulak na ako ni Cyrreiz palayo sa gatas niya. Inaagaw na rin ang hawak kong bote na pagtitimplahan. "Oh! Ikaw daw gusto ng anak mo! Bala nga kayo!"
Talaga namang nakakainis eh. Biruin mo, ako ang Nanay, ako ang naghirap ng siyam na buwan, tapos aayawan ng anak ko sa akin? Nakakasama ng loob at hindi ko talaga maisip kung bakit. Ang timbang ko noong buntis ako ay umabot ng 160 pounds. Imagine, nabuhat ko ang tiyan ko ng ganon? Halos araw-araw sumasakit ang balakang ko dahil sa bigat tapos ang lalabas sa akin ay 4 lbs lang na bata? CS pa ako kaya ang hirap talaga, tapos ganito pa ang anak ko sa akin? Nakakalungkot.
"O nakabusangot ka na naman diyan. Nanghahaba na naman nguso mo."
"Eh pano naman kasi yang anak mo. Tinulungan mo lang ako sa paggawa sa kanya pero lahat ng paghihirap sa akin. Ano ba ang ginawa mo? Idinikit mo ba ung mukha mo sa tiyan ko noon kaya kuhang-kuha niya yang pagmumukha mo?"
Tumawa muna siya bago nagsalita. "Maka-pagmumukha ka naman diyan, bakit? Ang ganda-ganda ng anak ko dahil ako ang kamukha. Look at her, para syang anghel na bumaba sa lupa. Sobrang ganda. Mas maganda pa sa Mama niya."
PInalo-palo ko siya. "Grabe ka. parang sinabi mo na kapag ako ang naging kamukha, papangit ang anak ko."
"Huwag na magtampo ang baby ko. Ito naman eh. Alam mo may naisip ako."
"Ano na naman niyan?"
"Kasi sabi nila, kapag anak daw na babae, talagang close sa Daddy. According to research, kapag anak naman daw na lalaki, sa Mommy."
"To make the story short? Ang dami mong pasakalye."
"Alam mo na yun."
"Hindi ko alam."
"Sungit ng baby ko."
"Tse! Tantanan mo ako ha! Huwag kang makulit diyan."
"Alam mo naman na yun eh." KInikiliti-kiliti niya ako.
"Hoy, Knight. Isip-bata ka pa din. Ano ba! Huwag ka ngang mangiliti diyan!"
"Ano? Ayaw mo?"
"Ang alin?"
"Maang-maangan ka talaga noh kahit kailan."
"Ayoko."
"Bakit ayaw mo?"
"Gising pa baby ko. Tigilan mo ako."
"Tulog na yan. Ako na ang baby mo."
"Ano ba Knight, ang kulit mo!" Natatawa ko ng sabi dahil ayaw niiya ako tigilan sa pagkiliti.
"Sige na kasi!"
"Ikaw.."
"Anong ako?"
"Ikaw kapag kamukha mo na naman ang lalabas, ayoko na talaga! Siguraduhin mo lang na lalaki yan nang may kakampi na ako kung hindi umabagan kita talaga!"
"I love you." Pagkatapos ay ngumiti na ako.
5 months later, I got pregnant. And 9 months after, I gave birth to my Cyrruz. Pero kamukha pa rin ni Knight.
"Alangya, eh kamukha mo na naman eh. Ganyan ba kalakas ang dugo niyo?"
"Sabi nga nila, try and try until you succeed."
"Eh kung kutusan kaya kita? Parang ang dali manganak ha?"
"Parang ang dali din makabuo. Lalaki naman naibigay ko sa'yo ah. One of your wishes came true. May isa pa."
"Sapakin na kita!"
That's my love story. Marami kaming pinagdaanan ni Knight na sumubok sa kung gaano niya ako kamahal. I can't remember how many times I've pushed him away from me, but in the end, bumabalik at bumabalik pa rin siya sa akin. I know I'm not perfect but when I'm with him, feeling ko, perpektong-perpekto ako dahil minahal ako at minamahal ng isang tulad niya.
As what I've said, he's my savior. Iniligtas niya ako sa kalungkutan at pag-iisa. And of course, he's my Knight-in-shining-armour dahil forever ko na siyang kasama at forever na akong maililigtas.
I never knew how to laugh. I never knew how to feel loved. I never knew how to love. Pero nang dumating siya sa buhay ko, lahat ng emosyon ko ay hindi ko na nakayanan pang kontrolin. I now know how to laugh and smile even in simple things. I now know how to feel loved because of his love for me. And finally, I now know how to love for I love him and our children very much.
Thank you my number one enemy, my brother, my bestfriend, my first love, my forever love, my Savior and my Knight-in-shining-armour. I never imagine my life without you.
BINABASA MO ANG
Dangerously in love with You (COMPLETED)
RomanceLoving you was never in my hands. I saw you and my heart knew in an instant that it wouldn't function without you.
