Kabanata- 1

465 15 2
                                    

Gabby

Sobrang manyak talaga!

Unti-unti nito inilapit ang mukha nito sa mukha ko na nagpatigil sa paghinga ko. Hindi ako papayag na bastosin ako nito.

Kahit ganito ako ay iniingatan ko parin ang Puri ko.

"Bastos! Lumayo po kayo sakin!" Tinutulak ko ito sa matigas nitong dibdib na na may mga tattoo pa na nakakaakit tingnan at nakadagdag dito ng maangas na dating at parang nakakatakot rin ang lalaki nato.

"Babe, I like your lips...can I kiss that lips?" Nakangisi pa nitong tudyo sakin na hindi man lang alintana ang panunulak ko.

Ano raw ang sinabi nito?

Hahalikan ako!?

"Napaka-bastos mo tala-" naputol ang sasabihin ko at pareho kami napabaling sa taong nagsalita.

"What's going on here?" Isang magandang babae na mestiza at matangad na nakasuot ng roba at halata na katatapos lang maligo.

Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa amin at nakataas-kilay ang tingin sakin.

"Who are you? Anong ginagawa mo sa boyfriend ko?" Tumalim ang titig nito sakin ng hindi ako magsalita.

"S-sorry po S-senyorita, ako po ang bagong maid dito kinuha ko lang ang mga maruming damit ni senyorita Anne at bababa narin po ako." Parang hindi pa ito naniniwala na lalo tumaas ang kilay.

Mabuti nalang tumingin ito sa lalaking kaharap ko na nakatingin parin pala sa akin. Yumakap ito sa lalaki na hinayaan lang nito gawin at hinalikan pa sa labi.

Bigla naman ako napayuko at parang nagsikip yata ng dibdib ko.

Huh, May girlfriend na pala nakikilandi pa sa iba!

Hindi ko na sila pinakialaman at nagdali-dali na umalis ayoko ko makita pa ang paghahalikan nila.

Napahinga ako ng malalim nang makarating na sa kusina. Nakita ko si Nanay Dimple na naghahanda ng almusal. Nakita ako nito.

"Gabby nak, anong nangyari? Humihingal ka yata at anong nangyari sayo?" Tanong nito na tiningnan ako. Parang Nanay ko narin si nay Dimple. Masusi nito tiningnan ang ayos na napakunot-noo. Mabuti nalang naayos ko ang damit ko pagbaba kanina.

"Ah... wala po nay, napagod po yata ako sa paglinis." Pagdadahilan ko na napayuko na kinatango nito.

"Sige na anak, magpahinga ka muna ako nang bahala sa labahin." Mariin ako napaiwas ng ulo. Hindi ko gustong mahirapan pa si Nanay Dimple. Matanda narin kasi ito at ayoko na magtrabaho pa ito sa mga mabibigat.

"Kayo po dapat ang magpahinga nay, kayang-kaya ko na po ito." Agad ko kinuha ang basket na may maruming mga damit at agad nagtungo sa likod bahay. Inihiwalay ko ang puting mga damit sa de-color.

Matapos ko maiwalay ay binabad ko muna sa powder ng thirty minutes.

Habang naghihintay ay napalumbaba ako. Bigla ko naalala ang nangyari kanina. Nakakahiya talaga ang nangyari at hindi na virgin yong katawan kasi may nakakita na at manyak pa.

Nakakainis talaga!

Bigla ako napatili ng may mainit at malambot na bagay ang dumampi sa pisngi ko.

"Hi again sexy!.." automatikong napalingon ako sa boses na iyon dahil kilala ko at sana hindi ko ginawa kasi mukha na nito ang kaharap ko na sobrang lapit at nalalanghap ko ang mabango nitong hininga na nakakahalina.

Bigla kumabog ang puso ko ng mabilis sa pagdaiti ng labi nito sa pisngi ko. Bakit kasi ang gwapo nito.

Argghhh...nagpapantasya naman ako!

(Unedited)

Pasensya po sa mga readers ko kung mayroon man mga maling salita o kaya spelling. Pakisabihan po ako para maiayos ko.

Please votes and comments.
Thank you.

His Loving Girl  (Mafias Maid Love-series#:1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon