Kabanata- 2

355 13 1
                                    

Argghhh... Nagpapantasya na naman ako sa lalaking manyak nato.

"A-anong ginagawa mo dito?" Nagagalit kong sabi na inilayo ang mukha ko sa nakangisi nitong pagmumukha. Umusog rin ako ng konti para hindi mapalapit dito.

Kasi nakakaramdam ako ng kakaibang kiliti at init sakin katawan kapag malapit ito na ayoko mangyari. Alam ko na pinaglalaruan lang ako nito. May girlfriend na nga naglalandi pa.

"Relax babe, I won't bite you... or if you want I can make you scream..." Mapang-akit nitong pahayag na sinabayan pa ng pagkindat.

"Pwede ba mister, umalis kana at huwag ako ang iyong pinagtitripan kasi ayoko ng lokohan!" Naiinis ko na sabi na baliwala lang dito ang sinabi ko. Tarantado talaga.

"Hindi ako pumunta dito para kulitin ka o lokohin narito ako kasi gusto ko magpa-alam na uuwi nako." Napakunot-noo ako sa sinabi nito. Base sa mukha nito na seryoso na ay sincere naman ito sa sinabi niya.

"Bakit ka pa magpapaalam sakin? Ano ba kita?" Mataray ko na sabi pero bakit may konti ligaya sa puso ko sa sinabi nito.

"Soon to be husband!" Sa sinabi nito ay napalaki talaga ang mga mata ko. Baliw na talaga ang lalaking ito. Paki- dala lang po sa Mental.

"Bakit ba may sobrang baliw na lalaki dito ang nakatakas ng Mental? Humanap ka ng kausap mo, Baliw!" Agad ko ito tinalikuran pero nabigla ako ng hawakan ako nito sa braso at walang pasabi- hinalikan ako sa labi ko na kinalaki ng mga mata ko.

Dahil rin nakaawang ang labi ko ay nakapasok ang mapusok nitong dila sa loob ng bibig ko. Patuloy lang ito sa paghalik na animoy sabik na sabik sa halik na sinisipsip pa ang kalooblooban ng bibig ko.

Hindi pa ako nakakarecover at tulala.   Nanumbalik lang ako ng mapadaing sa sakit ng kagatin nito ang pang ibaba kong labi.

Malakas ko siyang tinulak at sa kabiglaan ay nasampal ko ang pisngi nito na ikinabaling nito dahil sa lakas rin ng pagkasampal ko.

"B-bastos! A-anong karapatan mo na h-halikan ako!" Nauutal kong sabi dahil nanginginig narin ang tuhod ko.

"Damn that sweet lips of yours, Babe!  I can't control myself to taste that lips, coz if I didn't I would be crazy to death!" Matiim na pagkakasabi nito na tinitigan pa ako sa labi.

Napamula naman ako sa sinabi nito na hindi ko pinahalata. Kung hindi lang sana pangit ang pagkikita namin ay malamang kinilig na ako pero may nobya na ito at amo ko pa.

"I LIKE YOU." Mariin ang pagkakabigkas nito na kinagulat ko ang pag-amin nito. Seryoso ito na mataman pa ako tinitigan sakin mata. Mukha nga seryoso siya.

Gusto daw ako nito? Talaga? O nagkamali lang ng dinig?

"By the way, I'm Lowan Jhon Anderson." Inilahad nito ang kamay sakin na tinitigan ko lang. "It's okay if you don't trust me but my words are true at patawad kung naging bastos ako nang una tayo magkita, Gabby." Nagulat ako dahil paano nito nalaman ang pangalan ko.

"Tinanong ko sa mga kasamahan mo." Mukhang alam nito ang nasa isip ko kung bakit alam nito ang pangalan ko.

"D-diba may g-girlfriend ka na?"

(Unedited)

Please votes and comments.
Thank you.

His Loving Girl  (Mafias Maid Love-series#:1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon