Kabanata- 5

321 13 1
                                    

Gabby

"Thank you. I promise I will do my best moves to win your heart!"

Muli ako nitong niyakap ng mahigpit.

Napangiti na rin ako at napayakap rin sa kanya at may kasiyahan sa puso ko na pinapakinggan ang mga tibok ng puso namin.

Ito pala ang pakiramdam na may magmamahal sayo at maiinlove ka ng ganito.

Ang sarap sa pakiramdam.

"Hmmmmm... Ang bango mo babe, nakakaadict!"

Biglang may dumaloy na kuryente sa buo kong katawan ng tumama ang mainit nitong hininga ng bumulong ito sakin. Napamula naman ako ng magbitaw na ito sa pagyakap at nagkatitigan kami.

Napakaganda talaga ng mga mata nito. Kapag ngumingiti. Pero kapag seryoso lang ito ay nakakatakot rin kasi parang hindi gagawa ng maganda o isang mapanganib na tao.

Napayuko nalang ako bigla kasi hindi ko makayanan ang mariin na naman nito mga titig sakin.

Gamit ang hintuturo nito ay hinawakan ako nito sa baba kaya napaangat ang tingin ko sa kanya.

"B-bakit?" Ito nalang ang nasabi ko sa sobrang kaba ko na sabayan pa ng mga malalamig kong kamay nang ilapit nito ang mukha sakin. Langhap ko na nga ang mainit na mabango nitong hininga.

Sobrang kabog ng puso ko. Pakiramdam lagi kapag malapit ito sakin na kinakatakot ko.

Kasi baka mahulog na ako at tanggapin nalang ngayon ang hinihingi nito.

"Sana hindi ako maghintay ng matagal. Kasi mababaliw na ako kapag pinatagal mo pa, babe!" Paos na ang pagkabigkas na parang pinipigilan na halikan ako base sa pagkatitig nito sa labi ko.

Inaamin ko rin na gusto ko rin siyang sagutin pero natatakot akong sumugal at sa huli ako lang din ang masasaktan na ayaw ko mangyari.

Ang una at huli ko nang pag-ibig ay napakahalaga sakin.

Napatango ako bago ngumiti.

Akala ko hahalikan ako nito. Napahinga ito ng malalim bago lumayo sakin na kinahinayang ko.

Feeling mo naman hahalikan ka nito palagi? Asa ka!

Suway ng kontrabida kong konsensya. Napailing nalang ako. Siya namang ngisi na nakakaloko ng kaharap ko. Napamula ako.

"Kung hindi ako lalayo ay baka mamamaga na yang labi mo na hindi mo naman siguro gugustuhin?.. pero sa nakikita ko sa reaksiyon mo ay pinapayagan mo na ako?"

Mabilis ako napailing at masama itong tinitigan.

Manyak talaga!

Pero gusto mo naman!

Arrgghhh... Magtigil ka nga sa kakasabi sakin konsensya ko.

"Gusto mo na sigurong mabasted sakin?" Naiinis kong sabi na kinahinto nito sa pagngisi at gusto kong tumawa sa reaksyon nito.

Parang bata na umayos agad ng tayo at seryoso nang nakatingin sakin.

"Of course not!" Agaran naman nitong tugon.

Lihim akong napangiti at binalik rin agad sa seryoso ng makitang naka kunot noo ito.

"S-sige na umalis ka na baka may importante ka pang gagawin." Pagtataboy ko rito.

Bumuntong-hininga ito bago tumango na pinagsalamat ko at hindi na ito komuntra pa sakin.

"Okay, but expect me to court you always! Sige aalis na ako." Tumalikod na ito at nasa may pinto na siya ng lumingon pa sakin.

Ngumiti nalang ako bago tumango.

Nang makaalis na ito ay siya naman kina-upo ko sa maliit na bangko bago pinakawalan ang kanina pang pinipigilan na hangin sakin lalamunan. Bumalik narin sa normal ang tibok ng puso ko.

"Sana ikaw na nga ang lalaki na mamahalin ko ng pang habang buhay at mamahalin rin ako."

(Unedited)
07-30-18

Guys sorry short chapter.
To be continued.

Please votes, comments and share.
Thank you.

Mayril25

His Loving Girl  (Mafias Maid Love-series#:1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon