Kabanata- 6

311 13 1
                                    

Gabby

Nang nakaalis na ito ay ipinagpatuloy ko na ang paglalaba ko at matapos ko na banlawan ay isinampay ko ang mga ito sa lalagyan nila. Mabuti rin at maganda ang sikat ng araw na mainit.

Pumasok muna ako sa silid ko upang maligo at nang makapagpalit ng bagong damit, nabasa kasi sa panglalaba ko.

Lumabas na ako ng silid ko at nagtungo sa kusina upang maghanda na rin ng pananghalian.

Nadatnan kong naghahanda na si Nanay Dimple ng mga lulutuin. Agad ako lumapit dito at maagap na kinuha ang mga gulay at rekado sa mga kamay nito.

"Ako na po maghihiwa nito nay." Napahawak ito sa bandang puso sa pagkagulat ng sumulpot nalang ako bigla sa may harapan nito.

Magdahan-dahan ka kasi!

"Sorry po Nay..." Hinging paumanhin ko. Hindi ko alam bakit ako masaya ngayon at ginanahan magtrabaho. Kanina lang eh wala ako sa mood gumawa sa mga gawain.

Ehem...Dahil yan kay Lowan!

Bigla ako napamula ng maalala ang nangyari kanina lang. Parang nararamdaman ko parin ang mapusok nitong labi sakin. Ang mapangahas na mga kamay nito na lumalakbay sa buo kong katawan. Lalo pa akong napamula ng biglang uminit ang buong katawan ko at ramdam pa ang kamay nito sa balat ko na humahaplos.

Naging manyak ka na rin Gabby!

Saway ko sa sarili sabay na umiling dahil parang nahawaan pa ako ng lalaki nayon. Nag-angat ako ng mukha at nagulat ako ng makita ang reaksyon ni Nay Dimple.

Nagtatanong ang mga mata nito.

"Ayos ka lang anak, namumula ka yata?" Napaubo ako sa tanong na iyon ni nay Dimple. Nakita nito ang pamumula ng mukha ko kasi maputi ang pisngi ko.

Halatang halata ka Gabby! Nakakahiya!

Mabilis akong napayuko uli at mariin na umiling.

"A-ahhhmmm... Okay lang po ako nay, medyo m-masakit lang po ang ulo ko." Pagdadahilan ko nalang kasi nakakahiya kong malalaman ni nay Dimple na iba ang iniisip ko at mahalay ang nasa isip ko.

Sinungaling ka na Gabby!

Dahil sa lalaki nayon!  Nahawa pa ako sa kamanyakan nito!

Naging mahalay na ang naiisip ko!

Sorry po talaga Nanay Dimple.

"Talaga ba na okay lang ang pakiramdam mo Gabby? Magpahinga ka kaya muna?" Sinalat nito ang noo ko na ikinapikit ng mga mata ko ng mariin bago iminulat at nakangiting tumingin sa kanya.

Hinalikan ko ito sa pisngi bago niyakap ng mahigpit. Niyakap rin ako nito at hinahaplos ang likod ko na nagbibigay sakin ng kasiyahan at komportable. Masaya ako na nakilala ko si Nanay Dimple at nagkaroon ako ng ina na Mapagmahal kahit hindi ako nito kadugo. Ramdam ko sa mainit nitong yakap ang pagmamahal ng isang ina.

Sobrang pasasalamat ko sa Maykapal na binigyan ako nito ng isang mapagmahal na Nanay Dimple.

Ulilang lubos na ako nang sabay na namatay ang mga magulang ko ng nasa bayan sila na mamimili sana ng aming groceries para sa bahay kasi wala na kami mga stock na pagkain. Nang papauwi na sila ay hinarangan daw ng mga holdaper ang sinasakyan nilang jeep. Mga magnanakaw ng gamit. Nanlaban ang aking ama kaya sinaksak ito sa tiyan ng ilang beses at sinama pa si Ina na sa oras daw na iyon ay tinulungan pa si Tatay na agapan ang dugo sa tiyan nito pero sinaksak rin ng isa nitong kasamahan.

Mga walang puso ang gumawa noon sa mga magulang ko na inosente at mababait. Pero isang kisap lang ay pareho silang nawala.

Tuluyan ng lumabas ang pinipigilan kong luha ng maalala ang mga magulang ko. Masakit na sa ganoon pa sila namatay. Mag-isa nalang ako pero nagpakatatag ako para mabuhay pa at nang mabigyan hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ko.

Hahanapin ko ang mga pumatay sa kanila at ipapakulong ko.

Hanggang second high school rin lang ako at hindi nakatapos man lang ng fourth year. Kasi kong hindi ako hihinto ay magugutom ako kong wala akong pera. Kaya huminto ako at lumuwas dito sa Maynila gamit ang natirang pera na nakuha ko sa benepesyo ng magulang ko na maliit lang man.

Naging palaboy ako dito na natutulog nalang sa mga playground sa parke kasi kulang talaga ang pera ko kong magrerenta pa ako na kasya lang sa pagkain ko. May mga kasama rin akong mga bata na wala narin mga magulang.

Wala naman kaming bahay sa probinsya dahil naibinta ko rin para sa pagpapalubong nila Tatay.

Ilang araw rin ako natutulog sa malamig na sahig na tiniis ko at umiiyak nalang. Hanggang sa nakapasok ako dito sa tulong rin ni Nanay Dimple.

Tinulungan ko kasi ito ng may magtangka na nakawan ito malapit sa tinutulugan namin kasama ko ang ibang mga bata.

Malaki ang pasasalamat nito sakin at naging magaan ang loob ko dito at ito rin sakin. Araw-araw ako nito dinadalhan ng pagkain at damit nito ng makita nito ang sitwasyon ko at nangako ito na tutulungan raw ako nito na umalis sa lugar na iyon.

Isang araw ay bumisita ito na masaya na ibinalita sakin na naghahanap ang amo nito ng isang kapalit sa isang umalis na katulong. At ako agad ang naisip niyang inirekomenda sa amo nito.

Natanggap ako at masaya dahil may sarili narin akong matatawag ko na tahanan ko. Kasi stay- in. Mahigit isang bwan narin ako dito at mas masaya kasi may matatawag akong Nanay dito. Si Nanay Dimple.

Namismis ko rin ang mga bata doon sa parke na ate narin ang tawag sakin kaya kapag day-off ko ay binibisita ko sila at binibilhan ng pagkain at damit. Napamahal narin kasi sila sakin.

"Naging iyakin na ang anak ko ah." Napapitlag ako ng punasan ni Nay Dimple ang magkabila kong pisngi. Umiiyak na pala ako sa mga alahanin na iyon. Naging iyakin narin nga ako.

"Sorry po uli Nay, naalala ko lang kasi sina Nanay at Tatay ko pati ang mga bata na nakasama ko sa parke." Pilit kong ngumiti na pinipigilan talaga huwag umiyak uli. At huminga ng malalim.

"Kung saan man ang mga magulang mo Gabby, masaya na sila na nasa mabuti ka nang lagay at matatahimik narin sila kung palagi kang masaya at huwag malungkot." Tumango ako. Alam ko rin na masaya sila sakin at nandiyan lang sila sa tabi ko, ginagabayan ako.

(Unedited)

Continue on next chapter.

Please votes, comments and share this chapter.

Thank you.

Mayril25

His Loving Girl  (Mafias Maid Love-series#:1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon