Kabanata- 7

507 28 11
                                    

Gabby

"Sige na po Nay, maghihiwa na po ako ng mga rekado sa lulutuin niyo. Nagugutom na po ako." Iwas ko nalang sa usapan baka mapaiyak ako lalo. Ngumiti nalang ito bago tumango at nagtungo sa ref para kumuha ng mga karne.

Ang iba pa namin kasamahan ay abala rin sa kanya kanyang gawain kaya kami lang dalawa ni Nay Dimple sa kusina. Matapos ang pagluluto namin ay siya naman pagpasok ni ate Dawn na maghahatid ng mga ulam sa pamilya Cortez.

"Mabuti luto na ang tanghalian nila." Kinuha nito ang mga ulam na nasandok na at tumulong narin kami ni Nay Dimple sa paghatid ng iba pang ulam.

Bitbit ko ang orange juice na nagtungo sa mahabang hapagkainan ng pamilya. Nandoon na si ma'am Harlyn at sir Andrei na naghihintay.
Mabait ang amo naming lalaki pero ang asawa nito ay suplada at matapobre na tinitiis namin kahit bago palang ako dito ay nakikita at naririnig ko sa mga kasamahan ko.

Nang malapag na ang mga ulam ay sinalinan ko na ang mga baso nila. Una ko nilagyan ang baso ni sir at pagkatapos ay kay ma'am naman.

Nasa kalahati na ng baso ang juice ng masagi ni ma'am Harlyn ang braso ko dahilan upang matapunan ng juice ang damit nito sa may bandang dibdib.

"Aaahhh!!! Shit kang babae ka! Anong ginawa mo sa damit ko!" Malakas nitong tili na kinataranta ko at akmang hahawakan ko ang damit nito na natapunan nang bigla ako nitong sabunutan na ikina-igik ko dahil masakit ang pagkakasabunot nito sa buhok ko na masakit sa anit.

"Napaka tanga mo talagang katulong ka!" Hindi pa ito nakuntento sa pagsabunot ay sinampal-sampal pa ako nito sa mukha ko na namamanhid na at ramdam ko ang matulis na kuko nito na nasasagi sa pisngi ko.

"T-tama na po m-maam..." Umiiyak na pagmamakaawa ko pero hindi ito nakikinig na mas lalo pang sinaktan ako sa braso ko. Inaawat narin ito ni sir at Nay Dimple pero hindi ito nagpatinag sa pagsakit at panlalait sakin.

Napaluhod na ako sa sobrang panginginig ko sa takot at hapdi ng mukha ko sa kuko nito.

"Tama na yan Harlyn! Tingnan mo nga ang bata nasasaktan na hindi niya sinasadya ang nangyari!" Umaawat na sabi ni sir Andrei.

"Tama na ma'am Harlyn, maawa kayo sa bata." Si Nanay Dimple na sobrang alala sakin.

Mabuti nalang naawat ito ni sir kaya napalayo ito sa pananakit sakin na masama parin ang pagkatitig. Agad naman ako dinaluhan ni Nay Dimple sa may sahig na inalalayan ako tumayo sa pagkalugmok ko.

"Sa susunod huwag kang tatanga-tanga!" Patuloy parin ito sa panlalait at sa mga masasakit nitong salita kahit sa may hagdan na ito. Humihingi naman ng paumanhin ang titig ni sir sakin.

"Masama talaga ang ugali ng babaeng iyon, pati bata pinapatulan!" Masama ang tingin ni Nay Dimple na sumunod dito ang masamang titig kay ma'am.

Kahit ako ay masama rin ang loob sa among babae na sinaktan pa ako at nilait ang pagkatao na ito lang ang nakagawa. Alam ko na sinadya nitong gawin iyon dahil ramdam ko ang pagtabig nito sa braso ko dahilan matapon dito ang juice.

Unang pasok ko dito ay masama na ang tingin nito sakin na hindi dapat ako tanggapin pero komuntra si sir dito at naawa sakin kaya ako nito tinaggap.

Wala naman akong ginawang masama. Bakit ang lupet nito sakin?

Inaalayan ako ni Nay Dimple na maupo sa may silya malapit samin ng makarinig kami ng boses.

"Anong nangyayari dito manang?" Ang babaeng nakita ko kanina kasama ni Lowan. Tanong nito kay Nay Dimple pero nang dumako ang tingin nito sakin ay napangisi ito pagkakita sa mukha ko.

"Oh, ikaw yong bruha na lumalandi sa boyfriend ko! Utusan ka lang dito at oras na makita kita na lumandi pa sa boyfriend ko, makikita mo hinahanap mo mabuti nga ang nangyari diyan sa mukha mo, I know na si mom ang gumawa niyan sayo! Malandi kasi!" Tumatawa nitong duro at panlalait sakin bago kami talikuran. Napaiyak naman ako lalo sa masasama nitong mga salita na pulos kasinungalingan lang. Masama rin pala ang ugali nito at manang mana sa nanay nito.

Ano bang ginawa ko sa kanila?

Nagtatrabaho lang naman ako at ginagawa ang obligasyon ko nang walang inaagrabyado na Tao.

"Masama rin talaga ang ugali ng batang iyon, may pinagmanahan. Pasensya na anak kong wala akong nagawa laban sa kanila." Malungkot nitong pahayag na niyakap ako habang umiiyak.

"Bakit ang sama po nila sakin Nay, wala naman akong inaapakan na tao- lalo na sila." Una palang ng dumating ako dito ay tiniis ko na ang masasakit na salita ni ma'am Harlyn pero ang saktan ako ay sumusobra na.

Anong magagawa ko eh katulong lang ako dito?

Edi umalis ka?

Gusto ko narin sana umalis kaso saan ako pupunta at ayokong iwan si Nanay Dimple at ayoko narin na bumalik naman ako sa kalsada na palaboy-laboy. Mas mabuti nang dumito ako at tiisin ang pananakit nila sakin.

Napabitaw kami ng yakap ni Nay Dimple ng dumating si ate Ella na may bitbit na mga gamot.

(Unedited)

Continue...

Please votes, comments and share this story.

Thank you.

Mayril25

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Loving Girl  (Mafias Maid Love-series#:1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon