Chapter Two

13 1 2
                                    

"Miss Eve, kumain na po kayo. Nakahain na po ang pagkain. Saka ilang araw ka na rin pong hindi kumakain." the maid said but she didn't hear a response.

"Miss Eve, hindi naman po pwedeng magkulong nalang kayo dito at hindi kumain. Baka mag kasakit ka po nyan." sabi ulit nito ngunit wala pa ring sumagot. Nag hintay ng ilang minuto yung maid bago nagsalitang muli.

"Miss Eve, hindi po matutuwa ang lolo nyo pag nakita nya kayong ganito kaya naman ku-" nahinto sya sa pagsasalita nang bumukas ang pintuan at ipinakita si Eve na mukhang namumutla at halatang puyat dahil sa mga malalaking eyebags sa ilalim ng mga mata nya. Halata rin ang laki ng kanyang ipinayat dulot ng ilang araw na hindi pagkain.

The maid was about to smile when she was punched on her right eye dahilan ng pagkatumba nya. Tinignan niya si Evangelic ng may gulat sa mukha ngunit napalitan ito ng takot ng makita nya ang napakasamang tingin ni Eve kaya naman she slowly backed-off ng lumapit ito.

"Don't you ever use my grandpa's name against me nor to make me do something that I refused to do in the first place. Got it?" Eve said while holding the poor maid's collar. Tumango naman ang katulong at halata mong natatakot parin sya sa dalagang may hawak sa collar ng maid uniform niya.

"Good. Now get out of my sight." she ordered, throwing away the poor maid and going back inside her room at isinara ng pabagsak ang pintuan ng kanyang kwarto. Tumakbo naman ang maid pabalik sa kusina kung saan nandun ang mga kasamahan nya habang umiiyak.

"Anong nangyari sayo?" tanong nung isa habang palapit dun sa katulong at niyakap ito. Yumakap rin naman pabalik ito dun sa isa at lalong lumakas ang pag iyak. A few minutes passed with the room filled only with whispers and the poor maid's sobs until she began to talk.

"Nagalit ko ata si Miss Eve kaya sinuntok nya ako. Kasalanan ko ba na nag aalala lang ako dahil ilang araw na syang ganito? Hindi rin sya pumapasok baka bumagsak na sya sa school." sabi nito saka humagulgol ng iyak kaya naman niyakap pa sya lalo nung isa pang maid.

"Shh. Tahan na, alam mo naman kasing maikli lang pasensya nun pinilit-pilit mo pa. Yan tuloy nasuntok ka." the oldest maid scolded and they all looked at the old lady.

"Oo nga po. Ikaw kasi makapilit ka din eh." pagsang-ayon naman nung isa pa habang patango-tango.

"Oo na. Kasalanan ko na. Hindi ko na po uulitin." sagot naman nung kawawang katulong habang nag-pupunas ng luha sabay ngiti.

"Pero hindi ibig sabihin ay susuko na ko sa kanya. Kawawa naman kasi sya, eh. Nung nakita ko sya ay halatang hindi rin sya masyadong nakakatulog at namumutla pa sya. Pano po kung may sakit na pala sya? Edi kawa- OUCH. Naman eh. Bakit ka nambabatok? Inano ba kita?" sabi nito nang mabatukan sya.

"Andami mo nang sinabi. Mag-linis ka na nga lang." The other maid said then handed a broom before walking to the sink and started washing the dishes. Nun lang nya napansin na nagsisi-alisan na pala sila.

"Okay." sagot nito at pumunta sa sala nang may ngiti sa mga labi ang hindi nila alam ay naririnig pala sila ni Eve na namamaga pa ang mga mata.

She is leaning against the wall for support since she felt extremely weak and drowsy because of not sleeping well and eating much. She went back to the stairs to go back to her room and don't want to be seen.

When she was near the top, her vision was starting to blur and she felt dizzy. Nahinto sya sa pag akyat hanggang sa mawalan na syang tulayan ng malay.

Nang magising sya ay wala syang ibang makita kundi kulay puti at nakakasilaw na liwanag. Bagamat malabo ay naaaninag nya ang isang taong nakahiga sa couch at may librong nakatakip sa mukha.

Her MessiahWhere stories live. Discover now