Chapter Twelve

2 0 0
                                    

Hindi malaman ang gagawin ay sinundan na lamang niya yung babaeng nagsabi na siya ang 'one and only' nito. Hindi niya ito kilala at ngayon lang niya ito nakita pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagkusa na lamang ang kaniyang mga paa na sumunod dito.

Ikaw ba ay...

"Christopher..." Tawag ng nagpakilalang Elizabeth kay Messiah. Lumingon si Messiah sa kanya at hindi na sya nagtakang tinawag siya nito sa pangalang hindi niya pagmamay-ari.

"Bakit hindi ka man lang nag-sabing bumalik ka na pala?" Nakangusong tanong ng dalaga habang nakakapit sa braso ni Messiah.

Nginitian ni Messiah ang dalaga bago ibinuka ang bibig upang mag-salita.

"P-pasensya na pero mukhang nag-kakamali ka."

"Huh? What do you mean, Christopher?" Takang tanong naman ng dalaga na bahagya pang nakatabingi ang ulo.

"Hindi Christopher ang pangalan ko." Hindi nag salita si Elizabeth. "Ang totoong pangalan ko ay Messiah, neh." Marespetong dagdag ni Messiah at walang ipinagbago ang reaksiyon ng babae kundi ang pag-kunot ng kanyang noo.

"H-haha. S-stop joking, Christopher. Come on, k-kain nalang tayo." Medyo nauutal na sabi ni Elizabeth matapos mag-iwas ng tingin at mag-peke ng ngiti.

"Alam kong alam mong nag-sasabi ako ng totoo, Elizabeth. Wag mo nang lokohin ang sarili mo..." Sabi niya at nag-iwas ng tingin.

Dahil masasaktan ka lang. Tuloy ni Messiah sa isip.

Hindi sumagot si Elizabeth at onti-onting dumalas ang mga kamay niyang nakakapit sa braso ni Messiah.

Alam niya. She knows too well but she just can't accept it.

Matagal na katahimikan ang namutawi sa pagitan nila at tanging ang ingay mula sa mga tuyong dahon ang ingay na kanilang naririnig at ang mga mahihinang boses ng mga estudyante sa kalayuan. Ilang minuto pa ang lumipas bago nag-salita ang dalaga.

"I-I'm sorry..."

Hindi sumagot si Messiah at tinignan lamang niya ang dalaga na kung hindi mo titignan ng mabuti ay, hindi mo makikita ang mga luhang pigil na pigil niyang kumawala. Dahil hindi nag-salita si Messiah ay ipinagpatuloy ni Elizabeth ang sinasabi.

"It's just t-that... you look e-exactly like-" her voice broke. Hindi na niya napigilan ang mumunting luha na nagpupumilit tumulo kaya naman ay mabilis naman niya itong pinunasan.

She forced a smile while looking nowhere.

"You look exactly like him." Pagtatapos niya sa sinasabi tapos ay umupo sa lapag habang yakap-yakap ang mga tuhod at parang batang doon humagulgol. May kalmadong mukhang umupo si Messiah sa harap niya at niyakap ito dahilan para lalo siyang umiyak.

Hinayaan lamang ito ni Messiah na umiyak upang mailabas ang kanyang nararamdaman.

"I-I just can't accept it, Messiah." Sabi ni Elizabeth na binanggit pa ang pangalan ni Messiah kaya napangiti naman ito.

"Nagawa mo ngang banggitin ang tunay kong pangalan, eh. Paniguradong, kahit mabagal, magagawa mo rin tanggapin ang katotohanan." Messiah said and smiled, showing his white set of teeth.

Her MessiahWhere stories live. Discover now