THE BODYGUARD -1

12.1K 167 6
                                    

MARIAS OF MY LIFE
Maria Jewel Aguinaldo
THE BODYGUARD
written by: Blackrose

Chapter 1

'J!'

Napataas ang tingin ko mula sa binabasa kong newspaper here at my desk to the person who's walking towards me.

'Boss!'

'You did it again, J! I'm so proud of you!' nilapag niya sa harap ko ang isang report sheet. Actually alam ko na 'to, nauna na akong i-congratulate ni Big Boss kaninang umaga pagdating ko. Isa itong written report na nagsasabing nagawa ng agent ang assignment niya on time or ahead of the allotted time that was given to them.

'Thank you, Boss!' sumandal ako sa swivel chair ko at nag-cross arms then I smile at him.

'Dahil sa mabilis at pulidong accomplishment mo sa De Guzman Case, you're still Top 1 J! Congratulations for a job very well done!' kinamayan niya ako. 'And because you've finished it 5 days ahead of your scheduled time frame, you have an incentive from Big Boss!' alam ko narin ang tungkol sa incentive na yun dahil nabanggit narin sa'kin ni Big Boss ang tungkol dun.

Nilapag niya sa desk ko ang isang black envelop na may logo ng BRICA. Dalawa lang ang meaning  kung bakit aabutan ka ng black envelop with BRICA logo, it's either may new assignment ka or ang incentive mo na parehas ay nanggagaling kay Big Boss. Tinignan ko muna si Boss at saka tumingin sa laman ng black envelop, puro ito blue bills na sa estimate ko ay nasa 20 to 25 pieces. Depende kasi sa araw na  ahead mong natapos ang kung magkano ang incentives mo. Tumango ako at ngumiti kay Boss bago sinilid ang tinuping envelop sa loob ng suot kong vest.

'May assignment ba akong bago, Boss? Or vacation na muna ako?' gusto ko ng vacation kahit na dalawang linggo lang para makapag-relax at makapag-pahinga. Magkasunod kasi ang assignments ko na Carpio-Angeles Case at itong huli na De Guzman Case.

'Sad for you ay meron, pero sa Saturday ko pa ibibigay sa'yo ang details at sa Saturday pa natin makakaharap ang mother ng magiging client mo. After this assignment, bibigyan kita nang one month vacation mo. Pangako yan, J!'

'Ayos! Thank you, Boss!'

'Relax ka na muna diyan! Kape, gusto mo? Sandwich? Bake Mac?'

'Kape na lang, Boss!'

'Peter! Kape nga kay J! Samahan mo ng konting bilis, ayaw nito ng naghihintay!' kumindat pa sa akin si Boss V bago tuluyan ng umalis sa harapan ko.

Sumandal ulit ako sa swivel chair ko at nag-isip. Saan ko na naman gagastusin ang pera ko? Napangisi ako sa naisip. Ibabangko ko na lang ulit ang nakuha ko today, tutal I still have money inside my pocket sa binigay na incentive ni Big Boss sa Carpio-Angeles Case ko. 

'Congrats J!' bati sa'kin ng kalapit kong table na si R or si Richard Dimapilis na katulad ko ay agent rin ng BRICA na nasa Rank 6. 

'Thanks R!'

Let me introduce myself pala first. Ako si Maria Jewel Aguinaldo or mas kilala bilang J Aguinaldo dito sa BRICA pero kapag nasa operation ako, my codename is Lady Phantom. Ang mga magulang ko ay sina Owel Aguinaldo at Jenna Aguinaldo, may isa akong kapatid na si Ate Maria Diamond Aguinaldo. We used to be a happy family na parang magkakaibigan ang turingan, since nagba-ballet si Ate Diamond noon ay ipinasok rin ako nila Mama at Papa sa ballet class kasama si Ate when I'm 6. Aside sa ballerina kami ni Ate, we are into swimming rin. Parehas rin kaming in-enroll nila Papa sa swimming class when I was just 8 years old at 12 si Ate Diamond that time. I was to graduate ng High School a week before that tragic day happened na nagpabago ng pananaw ko sa buhay. Kasalukuyan kaming nasa sala ni Mama that time while Ate at si Papa ay nasa garden naman nang may bigla na lang kaming narinig ni Mama na sigawan at putok na baril. Pinasok pala kami ng mga hindi kilalang lalaki na nakatakip ang mukha at naka-jacket. Nabulong pa sa'kin ni Mama noon tandang-tanda ko pa na palagi daw akong maging matapang at balang-araw ay alamin ko kung sino ang may gawa noon sa amin. Hangang sa a man grab Mama by her hair tapos pinaluhod siya sa harap ko katulad ng ginawa rin nila kay Papa. Umiiyak ako noon dahil sa takot at awa sa mga magulang ko, sa harap ko ay binaril sila sa ulo na agad rin nilang ikinamatay. Tapos sa gilid ng mga duguang katawan nila Papa at Mama ay ang Ate ko na nire-rape ng mga lalaking naka-itim. Kitang-kita ko ang kawalanghiyaan nila sa kapatid ko na patuloy na sumisigaw at sinasabihan akong tumakbo na. 15 ako nang nangyari yun, 10 years ago nang mangyari ang malagim na araw na yun na napatay ang pamilya ko sa mismong harap ko. Dapat patay rin ako sa insidenteng iyon kung hindi lang ako itinakas ng isang kasambahay namin na siyang nagligtas sa akin matapos kong makita ang pag-gilit nila sa leeg ni Ate. Dinala niya ako sa probinsya niya sa Vigan at dun ako namalagi ng ilang linggo. Sa stay ko dun ay sobra akong na-trauma dahil sa nasaksihan ko na nangyari sa pamilya ko, sobra ang galit ko that time at pinangako kong ipaghihiganti ko ang pamilya ko sa kung sinuman na gumawa noon sa kanila. Until one morning ay may nakilala akong babae na ang unang dating sa akin ay isang masamang tao. Palagi ko siyang nakikita sa park kung saan ako palaging nandun every morning, everytime I see her ay palagi na lang may nakasukbit na baril sa tagiliran niya. Maganda ang babae at mukha parin bata pero matalim itong tumingin at bibihira mong makikitang nakangiti. Hanggang sa one time ay nakausap ko siya, hindi ko na napigilan ang curiosity ko and I was the one who approached her. Rosemarie pala ang pangalan niya at kagaya ko ay ulila narin siya sa magulang. Taga Manila siya, sa Quezon City. Nandito lang siya sa Vigan para sa isang assignment. Noon ay akala ko na isa siyang teacher or reporter dahil may assignment daw siyang kailangan niyang tapusin sa Vigan pero sa isang linggo mula ng magkakilala kami, napag-alaman ko na agent pala siya. Parang sa mga palabas ni James Bond 007 na agent at spy. Inalok niya akong sumali sa kanya dahil after daw ng tinatrabaho niya dito ay magtatayo siya ng isang agency kung saan ang magiging trabaho ko ay maging bodyguard, agent, hitman at spy. Pinakita niya rin sa'kin ang bank accounts niya sa tatlong kilalang bangko sa Pilipinas at lahat ng iyon ay may tig-800,000 plus na laman. Pinaliwanag niya sa'kin kung ano talaga ang trabaho niya. Hindi siya naglihim sa akin at ang pinagtataka ko ay hindi ako nakaramdam ng takot sa kanya kahit pa nalaman kong pumapatay siya ng tao. 3 days bago siya umalis sa Vigan dahil natapos na niya ang assignment niya ay kinausap niya ako, tinanong niya ulit ako kung gusto kong sumama sa kanya pabalik ng Manila. Siya na daw ang bahala sa akin doon at siya narin ang bahala sa lahat ng pangangailangan ko kung sasama ako sa kanya, pati ay tuturuan niya ako sa lahat ng dapat kong malaman upang maging isa akong magaling at kinakatakutan na agent. She gave me 2 days to think about her offer at ang usapan namin, kung sasama ako sa kanya pabalik ng Manila ay dapat nasa park ako by 6am on the 3rd day at mismong araw ng alis niya. Pinag-isipan ko ng mabuti ang mga sinabi niya sa'kin maging ang mga pinaliwanag niya, inaral kong maigi ang mga pros at cons. On the third day, quarter to 6am pa lang ay nasa park na ako dala ang ilang damit na meron ako.

Marias Of My Life -MARIA JEWEL AGUINALDO (THE BODYGUARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon