THE BODYGUARD -3

6.9K 130 5
                                    

MARIAS OF MY LIFE
Maria Jewel Aguinaldo
THE BODYGUARD
written by: Blackrose

Chapter 3

Friday na ngayon, January 6. Kasalukuyan kong binabasa ang next assignment ko, binigay na kanina sa'kin ni Boss V instead na bukas pa para mapag-aralan ko na daw. Charles Adam Legarda Echanove, CEO and President of Legarda Echanove Distributors Incorporated. According sa binabasa ko, kailangan niya ng bodyguard although ayaw niya ng bodyguard. Ang galing diba? The one who contacted BRICA was his mother Mildred Legarda, siya rin ang kumausap at nag-set ng appointment to us para bukas. Mr. Echanove's company is a distributor of spare parts ng mga kilala at mamahaling sasakyan dito sa Pinas, sa Europe, sa United States at sa Asia. Sa company niya galing ang mga parts na ginagamit sa pagbuo ng mga nag-gagandahang mga sasakyan. Sabi pa dito sa binabasa ko, maraming death threats na ang natanggap ni Mr. Echanove and wala silang clue on who was behind all those threats. Hindi pa kino-confirm sa'kin ni Big Boss kung magkano ang halaga ng assignment na ito but I knew na malaking isda ang CEO at President ng LED Inc. dahil nabasa ko minsan sa newspaper ang parangal na ginawad sa kanya at sa company niya. Malaki ang bayad ng mga big fishes at hindi iba dun si Mr. Echanove. Binasa ko pa ang ilan pang mga details about him, his lifestyle and hobbies. One thing I can summarize about his profile, he's a womanizer with a big pocket. Typical na rich kid na walang magawa sa pera kaya kung saan-saan ginagasta. Nakalagay rin dito ang educational background niya, graduate siya ng BSBA major in Marketing sa Mapua Institute in Makati City kung saan city rin siya nakatira at kung saan rin located ang company niya. Hinintay ko lang ang oras, I check my watch again. 9:40am pa lang at 20 minutes pa bago ang meeting ko with Big Boss at Boss V or Boss Victor Archangel na kanang kamay ni Big Boss Rosemarie Villamor. I've decided na magtimpla muna ulit ng kape, my second cup as of the today. Mahilig ako sa kape, ito ang neutralizer ko from work at sa stress. Sabi nila nagpapa-nervous daw ang sobrang pag-inom ng kape but for me, it's the other way around. Coffee calms me or mas tamang sabihin na caffeine calms me. Dala ang tinimplang kape sa personal mug ko ay nagbalik na ako sa desk ko, open my computer and search for LED Inc. Pagpindot ko ng enter ay lumabas na ang logo at name ng company. It's exact location is at Ayala Avenue corner Paseo De Roxas. Pinindot ko ang Owners and BODs of the company, lumabas dun ang nasa pinakataas ng organizational chart. Nakalagay ay CEO and President Charles Adam Legarda Echanove at sa ibaba niya ay ang COO or Chief Operating Officer na si Mildred Legarda. Ang CEO ay sa estimate ko ay nasa late twenties na habang ang ginang naman ay nasa early sixties siguro. May itsura siya in fairness, well let me rephrase it... Gwapo siya. Halata sa built ng katawan niya pati sa tangkad niya na athletic siya at mahilig sa sports. He has a dark ash gray eyes na kagaya rin ng kay B at mukha siya aristocrat, maybe half blooded Mexican or Spanish. Mestizo siya at kita sa facial features niya na may lahi siya unlike his mother na pure blooded Filipino. For sure his father is a foreigner dahil dala niya ang surname na Echanove while his mother is using Legarda. Inubos ko ang mga minuto ko sa pagkilala sa mga mukha ng nasa organizational chart at paghigop ng kape until I was told na pinapatawag na ako ni Big Boss sa office niya. Dala ang envelop where nakalagay dun ang new assignment ko, naglakad ako papuntang elevator. Paglabas sa 5th floor or sa Prohibited Floor, sinuklay ko ang buhok kong brown na shoulder length gamit ang darili ko then I knock 3 times before opening the door.

'Have a seat, J.' seryoso at professional na sabi ni Big Boss. 'Coffee, J?'

'Pass muna ako, Big Boss. Katatapos ko lang ng second cup ko kanina before I went here.'

'Addict!' pabiro niyang sabi sa akin.

'Well, look who's talking.' I smirk at her but I still maintain respect sa nakakataas sa akin. Naka-all white ako ngayon. White spaghetti strap inner blouse under a milky white coat, white pleated skirt na hanggang tuhod ang haba and wearing a 4 inches heeled pointed shoes na puti rin.

Marias Of My Life -MARIA JEWEL AGUINALDO (THE BODYGUARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon