Chapter 13
I was staring at the ceiling for— I don't know. Hours? Nakahiga at nag-iisiip ng solusyon sa problema. May alam akong solusyon, iyon ang nararapat pero hindi ko kayang gawin. I already tried it, but I failed. Binali ko lang rin.
Inabot ko ang cellphone kong nakapatong sa maliit na mesa nang tumunog iyon. Senyales na may nag-text. Dali-dali kong binuksan ang message ng makita kong si Jude ang nagtext.
'Are you still awake?'
Agad kong nireplyan ng 'Oo'. Mayamaya lang ay tumatawag na ito.
"Hello..." May ngiti sa labing sagot ko.
"Hello, My Lieanne." Mas lalong lumuwang ang ngiti ko sa narinig kong sabi niya. Pakiwari ko ay may kung anong mga insekto ang nagkakagulo sa loob dahil lang sa sinabi niya. Ugh! I'm doomed... Wala na akong pag-asa.
"Hindi ka makatulog?" Tanong niya. Hindi maalis-alis ang ngiti kong nakapaskil sa aking labi.
"Oo eh."
"Skype tayo. What's your account?"Tanong niya na agad na sinagot ko. Mabuti na lang pala ay gumawa ako ng account, akalain mo nga namang mapapakinabangan ko rin pala.
Nagpaalam ito para daw mag-skype kami. Mabilis naman akong nag-log in sa account ko. ilang minuto pa lang ang lumilipas ay tumatawag na siya.
"Oh, nakahiga ka na pala." Bungad niya agad. "You are sexy in your—"
"Stop!" Mabilis akong bumangon at hinagilap ko ang roba ko atagad na isinuot bago ko binalikan si Jude.
"Okay na?" Irap ko. Bakit ko ba nakalimutan nan aka manipis na pantulog lang ako at wala pa akong suot na bra.
He chuckled. Nakita ko sa likod niya ng kanyang kama. Sa tingin ko ay laptop ang gamit niya dahil naka upo siya. Wala siyang suot na pantaas kaya kita ko ang malapad sa dibdib nito. Ewan ko lang kung may suot ba siyang panbaba.
"You're still sexy." Nakangising wika niya. "And you can't do anything about it." Dagdag niya. Napairap na lamang ako. Bakit ba ang mga lalaki ang hilig magsabi ng kung ano-ano? At bakit ang mga babae ay ang bilis namang maniwala? Katulad ko...
"What? It's true." Tawa niya. Inismiran ko lang siya.
Hindi ko namamalayan ang oras. Nag-uusap na pala kami ng ilang oras. Nagpaalam na siya nang makita niyang bumabagsak na ang talukap ko dahil sa antok. Kahit na pakiramdam ko gusto pa niya akong kausap.
Kinabukasan ay hindi ko na naabutan si Mama at Papa dahil maaga daw silang umalis. Hindi naman sinabi ng katulong kung saan nagpunta. Hindi man lang nagpasabi na may lakad sila ngayon.
Nagmumuni-muni ako habang umiinom ng kape sa balcony ng aking kuwarto. Napalingon ako sa likuran ko nang makarinig ako ng mga yapak.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Jude na nakangiting naglalakad palapit sa akin. Pagkalapit niya sa akin ay agad niya akong hinalikan ng matagal sa aking noo.
"How's my Lieanne?" Ngiti niya. Umupo siya sa upuang katapat ko.
"Anong ginagawa mo rito? Baka may nakakita sa'yong pumasok ka dito sa kuwarto ko." Nag-aalalang tanong ko. Nanatiling nakayuko siya sa akin.
"Relax. Sinuguro kong walang nakakitang pumunta ako dito. Ipinarada ko ang bigbike sa hindi kalayuan ng bahay ninyo. At inakyat ko ang bakod niya." Nagmamalaki pang sabi niya.