Chapter 14
Two months passed and we continued our secret and forbidden affair. Hindi ko maintindihan dahil imbes na makaramdam ako ng konsensya at takot ay kaligayahan pa ang nararamdaman ko kapag magkasama kami at lihim na nagda-date.
Sa tingin ko ay wala pang nakakahalata kung anong meron kami.
We celebrate our monthsary every month. Pasekreto kaming nagkikita sa sekretong bahay niya at doon kami nagda-date. Kung minsan ay sa book siya sa isang restaurant. And he make sure na walang makakakita o makakakilala sa amin.
Hindi kami lumalagpas sa limitasyon. He knows his limitation. We just kissed, at kapag napapalalim na ay bumibitaw na siya. Natutuwa ako sa ginagawa niya, he respect me.
"France, what do you think?" Untag sa akin ni Chelsea. Kasalukuyan kaming namimili ng damit sa isa sa paborito naming boutique.
"Maganda." Sagot ko nang ipakita niya sa akin ang isang maikling kulay orange na dress. Kunot noo kong sinipat iyon, hindi ko type ang kulay. At masyadong agaw pansin. "But not my type."
"Isukat mo sa fitting room. Titignan ko kung bagay sa'yo." Sabi ko.
Sinamahaan ko siya sa fitting room. Pumasok kaming dalawa. Tutal naman ay babae kaming pareho. Naghubad siya at isinuot ang dress. Ngumiwi ako nang naisuot na niya at humarap sa akin.
"Hindi ba bagay? Gusto ko pa naman ang style." Sabi niya nang makita niya siguro ang hitsura ko.
"Pili ka na lang ulit ng ibang ibang kulay, hindi bagay sa'yo ang orange." Ngumiwi siya sa sinabi ko.
"Okay. Sayang. Gusto ko talaga ang style." Sabi niya at sinimulang hubarin ang damit. Mayamaya lang ay lumabas na kami.
"May napili ka na ba?" Tanong ni Chelsea habang ibinabalik ang dress sa pinagkuhanan nito kanina.
"Meron." Ipinakita ko ang hawak kong damit na kanina ko pa napili. Unang kita ko pa lang ay nagustuhan ko na.
"Hindi mo ba isusukat?" Muling tanong niya.
"Hindi na, alam ko naman na bagay sa akin ang black." Ngumiti siya at sumang-ayon.
Medyo nagtagal pa kami dahil wala siyang mahanap na bibilhin niya, kaya tinulungan ko na rin siya. Pagkatapos naming magbayad ay napagpasyahan naming mag snack muna. Nakakagutom rin ang mag-shopping.
"Sa starbucks tayo." Yaya niya.
"Sige." Pagpayag ko. Gusto ko ring maupo na. Lagi ko na talagang tatandaan na iwasang magsuot ng high heels kapag magsho-shopping.
Tinungo namin ang exit ng store. May malapit kasing starbucks na puwedeng lakarin.
Pumasok kami sa loob ng starbucks at umorder. Habang hinihintay namin ang order namin ay nagtext sa akin si Jude. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pag ngiti.
I miss you. Where are you? Agad akong nagtipa ng sagot.
Katatapos lang naming mag shopping. Dito kami Starbucks ngayon. I miss you too. Agad siyang nagreply.
You're with Chelsea?
Pasimpleng sinulyapan ko si Chelsea nang makita kong masyado siyang engrossed sa sariling cellphone ay nag reply ulit ako.
Tinawag ang pangalan namin at si Chelsea na ang nagrisintang kumuha.
Pagkatapos naming ubusin ang inorder namin ay nagyaya na si Chelsea na umuwi. Hindi kami nagdala ng sasakyan kaya nag-taxi kami pauwi. Sa bahay nila kami dumiretso. Magpapahatid na lang ako sa bahay mamaya.