Chapter Eleven

2.4K 78 10
                                    

Chapter 11

     He doesn’t care?

     Napapikit ako ng mariin. How about our families? Anong sasabihin nila kapag nalaman nila? Ngayon pa lang nahihiya na ako. Pakiramdam ko ay niloloko namin sila, dahil hindi lang naman siya ang may nararamdaman. Kahit pilit kong ipagkaila ang nararamdaman ko ay alam ko sa sarili kong meron.

“Please… Leave…” Pakiusap ko.
“No, Lieanne.” Mariing tanggi niya. “Matagal kitang hinintay. Ngayong nandito ka na, I’ll take the risk.” Matatag na sabi niya.

          Kinakabahan ako dahil baka may ibang taong makarinig sa pinag-uusapan namin. Malaking eskandalo kapag nagkataon.

“Ano bang gusto mo?!” Singhal ko sa kanya. Pilit ko siyang iniiwasan ngunit siya naman itong makulit na pilit na nagpapakita at lapit nang lapit.

“Ikaw ang gusto ko…” Mahinang sabi niya. Nakiki-usap ang mga mata niyang nakatunghay sa akin. Nakikiusap na huwag ko na siyang ipagtabuyan. Ayoko rin naman siyang ipagtabuyan, kaso mali eh… Kahit saang angulo tignan hindi puwede.

     Kung alam kong ganito pala ang mangyayari sana hindi na lang ako umuwi. Sana nantili na lang ako sa New York, baka hanggang ngayon ay hindi ako nalilito ng ganito. Hindi ko siya makikita. Hindi mapapalapit ang loob ko sa kanya.

     Sa pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na sobrang lapit na niya sa akin. Namalayan ko na lang ang sarili kong nakakulong sa mga malalakas niyang braso. Napapikit ako. Hinayaan ko siyang yakapin ako kahit saglit. Gusto ko ang init na hatid niya sa katawan ko. Pakiramdam ko ay nababagay ako sa bisig niya.

     Natigilan ako nang marinig ko ang ugong ng sasakyan. Nantaranta akong kumawala sa kanya. Biglang nawala ng magic sa isang iglap lang. Hindi ko alam kung iiwan ko ba siya mag-isa dito o magpangap na walang nangyari.

     Inabangan ko kung sino ang dumating. Ilang sandali pa ay nakita namin si Chelsea na pumasok sa pinto.

“France!” Nakangiting bati niya. Saglit itong natigilan nang makita niya ang kuya niyang kasama ko.

“Kuya, anong ginagawa mo dito?” Tanong niya habang papalapit. “Akala ko may lakad ka.?”

     Pipi kong dasal na sana matino ang isasagot ni Jude sa tanong nito. Makakatikim talaga siya kung hindi maganda ang lalabas sa bibig niya.

      Nagkibit-balikat lang ang katabi ko sa tanong ng kapatid. Humarap siya sa akin at muling tumitig. Hindi man lang niya naisip na baka makahalata ang kapatid niya sa ginagawa niya.

     Sinamaan ko siya ng tingin. Nang hindi siya natinag ay binalingan ko si Chelsea na nasa tabi ko na.

“Bakit ka narito?” Tanong ko sa kanya. Nakita kong nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa kuya niya.

“Yayayain sana kita.” Nakangiting baling niya sa akin. “Shopping?” Pinamungay niya ang mata niya sa akin na parang nagmamaawa. I giggled. She’s adorable. Kung ganito siya paano ko ba naman siya matatangihan.

     At sa sinabi niya ay nagkaroon ako ng idea at rason para lumabas. I really need to relax right now. Nai-stress ako sa lalaking walang pakundangang nakatitig sa akin hanggang ngayon kahit pa nasa harapan ng kanyang kapatid.  Wala yata siyang pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanya.

“Sure! Bihis lang ako…” Dali-dali akong umakyat sa kuwarto ko. Ni hindi ako lumingon nang tawagin ako ni Jude. Dire-diretso lang ako.

     Mabilis akong nagbihis, pagkatapos ay bumaba ako agad.

It's Forbidden Series 1: The CousinsWhere stories live. Discover now