Chapter 9
"A-Ano?" Halos hindi ko masabi ng maayos ang salitang iyon. Nakita kong humigpit ang pagkakahawak niya sa steering wheel. Sa hitsura niya ay mukhang nagsisisi siya sa nasabi.
I waited for his answer. Pero ang walang hiya hindi na nagsalita.
Tahimik niyang ini-start ang sasasakyan. Samantalang ako ay kumakabog ng malakas ang dibdib ko. Kasalanan niya kung ano-ano kasing sinasabi.
"Let's go somewhere." Wika niya ng makaalis kami sa lugar kung saan ang party. Iningusan ko lang siya. Bahala siya...
Namalayan ko na lang na nasa tapat kami ng isang restaurant. Mabilis siyang bumaba at umikot para pagbuksan ako ng pinto.
"Thanks."
Naglakad kami papasok. Naramdaman kong hinawakan niya ang beywang ko. Hinayaan ko na lang siya. Pagkapasok namin ay iginiya niya ako sa pinakasulok. Hindi agad nakikita.
Ipinaghila niya ako ng upuan. Tahimik na umupo ako.
May lumapit sa aming isang waitress at isang waiter. May dala-dala silang mga pagkain. Nagtaka ako. Hindi pa naman kami nag-oorder ah. Sumulyap ako kay Jude. Mukhang hindi ito nagulat, mukhang inaasahan niya talaga.
"Hindi pa tayo nag-oorder." Sabi ko nang makaalis na ang dalawang naghatid ng mga pagkain. Pinagmasdan ko ang mga putaheng nakahain. Pawang masasarap.
"Nasabihan ko na sila." Sagot niya. "Let's eat."
Tahimik na kinuha ko ang kutsara at tinidor. Napapantastikuhan talaga ako sa kanya. Ang weaid niya at ang gulo. Hindi ko siya maintindihan. Napakapormal din. Ano ba ang tingin niya sa akin? Ka business meeting?
Minsan ang sweet niya. Minsan nakakatakot kausapin. Minsan naman ay nakapatahimik. Bipolar yata 'to e.
Sumulyap ako sa kanya at kitang-kita kong nakatuon pala ang atensyon niya sa akin. Akala ko ba kakain na? Nakatitig lang naman siya sa akin.
"What?" Hindi ko mapigilang tanong.
Nangingiting umiling siya na naging dahilan ng paglitaw ng cute na biloy sa magkabilang pisngi niya.
Nanggigigil talaga ako sa mga dimples niya. Parang ang sarap halika— Okay. Wala akong sinabi.
Napasinghap ako nang may ideya akong naisip. Kinuha ko sa purse ko ang cellphone ko. Nakangiting bumaling ako kay Jude na nakamasid sa akin. Halatang nagtataka sa inaakto ko.
"Picture tayo." Nakangiting sabi ko. Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Tumalikod ako sa kanya. Itinaas ko ang cellphone ko para makuha kaming dalawa.
Excited kong tinignan ang cellphone ko nang matapos. Napasimangot akong tumingin sa kanya. Hindi siya nakangiti, samantalang ako ang laki ng ngiti ko.
"Ngumiti ka naman." Sabi ko sa kanya. "Ulit."
Muli akong tumalikod sa kanya at itinaas ang hawak kong phone. Tuwang-tuwa ako nang makita ko ang resulta. Nakangiti na kasi siya sa litrato. Kitang-kita ko ang malalalim niyang biloy.
Nakangiting ipinakita ko ang cellphone ko sa kanya. Napangiti siya nang makita niya iyon.
"Bagay tayo."
Literal na napanganga ako sa sinabi niya. Napasulyap ako sa kanya at mukhang hindi nito napagtanto ang sinabi dahil nakangiti pa rin itong nakatitig sa cellphone ko.