Chapter 4
Nagising ako dahil sa pagtunog ng cellphone ko. Balak ko sanang hayaan na lang pero mukhang walang balak ang caller na tigilan ako hanggang hindi ko sinasagot. Nakapikit na inabot ko iyon.
"Hello?" Medyo paos na bati ko sa kung sino man ang umistorbo sa tulog ko.
"Francine Rosalie Anne MacBreen! Wake up!" sigaw ni Chelsea sa kabilang linya. Inilayo ko agad ang cellphone sa tenga ko. Dahil sa ginawa niya ay tuluyan nang nagising ang diwa ko.
"What the heck Chelsea Joyce Saavedra! inistorbo mo na nga lang ang tulog ko. May balak ka pa yatang bingihin ako sa lakas ng sigaw mo."
Narinig ko ang pagtawa nito sa kabilang linya. Napasimangot ako. Walang nakakatawa sa pag-istorbo sa tulog ko.
"Gising na. Tanghali na, France. Punta ka dito sa bahay."
"Maya na lang, Chels..." Muli kong isinubsob ang mukha sa unan habang nakatapat pa rin ang cellphone ko sa tenga ko.
"Ngayon na! Asap!" sigaw ulit nito. I groaned. Istorbo talaga.
"Ito na po... Babangon na." Inis kong sabi. Napilitan tuloy akong bumangon kahit na tinatamad ako.
"Very good... "
"Whatever! Istorbo!" I ended the call. Bastos na kung bastos, wala akong pakialam. She disturbed me!
Pagkababa ko sa phone ko ay dumiretso na ako sa banyo. Mahirap na at baka matukso akong humiga ulit. Siguradong mag hi-highblood si Chelsea. At tuluyan niya akong sugurin dito sa bahay.
Napilitan tuloy akong magmaneho dahil wala si tay Alberto. Isinama daw ni Mama at papa sa lakad nila. Sigurado naman akong magliliwaliw lang sila. Hindi kasi busy si papa sa restaurant namin. At ganoon din si mama. Wala naman siyang masyadong pasyente nitong nakaraang araw.
Natutuwa ako sa mga magulang ko dahil kahit may edad na sila ay sweet at mahal na mahal pa rin nila ang isa't-isa. Sana kapag nagkapag-asawa ako ay ganoon din. Pinapasok ako agad ng guard ng makilala ako. Pinakilala kasi ako minsan ni Chelsea sa kanila pati na rin sa mga kasambahay nila, kaya kilala nila ako.
"Sa wakas, France." Salubong ni Chelsea sa akin na halatang hinihintay talaga ako. Inirapan ko lang siya.
"Bakit mo ako pinapunta dito? Ang sarap-sarap kaya ng tulog ko kanina." Nakapameywang na wika ko sa kanya, hindi niya ako pinansin. Sa halip ay hinila niya lang ako paakyat ng hagdan.
"May ipapakita ako sa'yo." Excited na sabi niya. "Sana magustuhan mo."
Speechless ako ng makita ko ang gustong ipakita ni Chelsea sa akin. Ang mga damit na gustong-gusto ko! Pinag-iipunan ko talaga ang pambili ng isa sa mga iyon. Wow! Magkano kayang allowance niya?
Absewelto na siya sa pag-abala niya sa tulog ko basta ba bigyan niya ako ng kahit isa lang sa mga dress niya.
"Mamili ka ng gusto mong isukat." Nakangiting sabi niya. "Sa'yo na kung anong magustuhan mo..."
"Talaga? Naku, Chels. Pinapatawad na kita sa pag-istorbo mo ng tulog ko kanina." Sabi ko sa kanya. Hindi ko tinanggal ang pagkakatitig ko sa mga damit na nakalagay sa kama. Di ako makapaniwala. Ito ang mga damit na disenyo ng sikat na mga fashion designers sa France. Pangarap kong makabili ng kahit isang piraso lang. At itong si Chelsea pinakyaw na. Siya na mayaman.