MARIAS OF MY LIFE
Maria Jessielyn Ortega
THE TOMBOY
by: BlackroseChapter 1
'Jessie!'
'Ninong!'
'Halika dito't may tatrabahuhin ka.' lumapit ako sa pwesto ni Ninong Arthur na may-ari ng Casa Delida kung saan ako nagtatrabaho bilang mekaniko tuwing weekends. At dahil sa mabilis at pulido akong magtrabaho ay maraming customers ang nagre-request ng serbisyo ko. Tuwing weekends ay nandito ako sa Casa Delida bilang all around mechanic. Hanggang alas-singko lamang ang Casa kada weekends kaya pagkalabas ko dito ay dumederetso ako sa Burdado, yun ay kung may gawa ako at kung sinabihan ako ni Noah. When I was starting noon sa tattoo shop ni Noah noong 15 years old ako, BURDADO Tattoo Shop, ay bihira lang or kung minsan nga ay wala pa akong gawa. Pero nang minsan na may tinabraho akong isang lalaki na alanganin pa nga sa'kin noong una na nagpa-tattoo ng mukha ng asawa niya, natuwa at napabilib siya sa akin. Doon na nagsimulang kada linggo ay hindi ako nababakante sa Burdado. Ngayon na 19 years old na ako, tumatayo akong Assistant Tattoo Artist/Tattoo Designer ni Noah na kababata at bestfriend ko.
'Ano pong problema niyan, Ninong?' tumayo ako sa katabi ni Ninong at humalukipkip ako.
'Mabilis uminit ang makina't nababawasan daw ang tubig ng radiator.'
'Asan po ang may-ari niyan, Ninong?'
'Ayun!' sabay turo sa mag-asawang mukhang may sinasabi naman sa buhay na nakatayo sa hidni kalayuan namin, nagsimula akong maglakad papalapit sa kanila.
'Magandang umaga po! Jessie po pala, ang magiging mekaniko ng Fortuner ninyo if both of you decides na ako nga ang hahawak sa kanya. Kung gusto ninyo po Sir, Mam ay i-check po muna natin ang radiator para matukoy natin kung iyon nga po talaga ang problema ng sasakyan ninyo.'
'Sige Jessie, let's check the car.' wika ng lalaking asawa sa akin.
Sumama ang mag-asawa sa'kin sa kung saan nakaparada ang sasakyan nila. Matapos kong paandarin ang sasakyan at suriin ang pagkulo ng tubig sa loob ng radiator at ang pag-check sa iba pang parte ng makina, pinatay ko na ang makina at humarap na sa kanilang dalawa.
'Ganito po Sir, Mam ha. Hindi po radiator ang problema ng Fortuner ninyo, kailangan pong i-Top Overhaul na ang sasakyan para mapalitan na ang ilang piyesa. Iyon po ang problema ng sasakyan, matagal na po ang mga piyesa at luma na. Kailangan na pong palitan.'
'Ilan taon ka ng mekaniko ng Casa na ito, Jessie?' usisa sa'kin ng asawang babae. Alam ko naman that they are questioning my skills and ability bilang isang mekaniko, hindi sila ang unang gumawa niyan. Bilang babae sa mundo ng pang lalaking trabaho, natural na ang discrimination. Ang karamihan kasi ang tingin nila sa mga kababaihan ay trabahong pang opisina lamang as clerk, secretary, bookkeeper at iba pa. Or sa bahay lamang, tindera, sales lady at cashier. Hindi pa tanggap nang karamihan sa kalahi ni Adan na kayang-kaya narin ng mga babae ang trabaho ng mga lalaki sa panahon ngayon. Hindi nila tanggap na kapantay na nila ang mga babae at kung minsan pa nga ay mas nahihigitan pa sila. Hindi narin bago sa akin na bukod sa question-in ang kakayahan ko bilang isang mekanikong babae ay ang husgahan pa ako ng ibang taong hindi ako kilala dahil lang sa babae ako na nagtatrabaho ng dapat ay sa mga lalaki lamang. Kundi lang sa pagba-back up sa'kin ni Ninong at ang pagpapatunay ko ng kakayahan ko sa trabahong ito, malamang ay hanggang ngayon nilalait at hinuhusgahan parin ako ng mga katrabaho ko ditong lalaki katulad noong unang salta ko sa Casa na ito. Pero ngayon nakuha ko na ang tiwala, respeto, paghanga at ang mataas na tingin sa'kin ng mga kasamahan kong lalaki dito na mga mekaniko rin pati narin ni Ninong Arthur.
'Mula po 10 years old ako Sir at Mam, laman na po ako ng lugar na ito. Hindi po ako nahilig na maglaro ng mga manika na karaniwang nilalaro ng mga batang babae, gamit po sa pagmemekaniko ang naging laruan ko hanggang sa ngayon po na 19 na ako. Ang tatay ko po at ang may-ari nitong Casa na si Ninong Arthur Delida ang naging educator, mentor, trainor at idol ko po sa pagmemekaniko. Kung hahanapan ninyo po ako ng titulo bilang licensed Auto Mechanic, wala po akong maipapakita sa inyo. Kasalukuyan pa lang po akong nag-aaral ng 2nd year college sa SJ City State College. Pero ang lahat po ng nalalaman kong techniques, methods, strategy at diskarte sa pagiging mekaniko ko ay galing pong lahat sa experience ko. Dahil sabi ng tatay ko, "Experience is the Teacher". Kaya nga po ako kilalang mekaniko dito sa San Juan City, kahit ipagtanong ninyo pa po ay dahil sa experience ko for 9 years.'
BINABASA MO ANG
Marias Of My Life -MARIA JESSIELYN ORTEGA (THE TOMBOY)
RomanceMARIAS OF MY LIFE Maria Jessielyn Ortega THE TOMBOY by: Blackrose Genre: Romance Teaser -----,--'-,-'-{@ Isang ordinaryong tao lamang si Maria Jessielyn Ortega o mas kilala bilang "Jessie" na tawag sa kanya ng kapamilya, mga kapitbahay, mga katraba...