MARIAS OF MY LIFE
Maria Jessielyn Ortega
THE TOMBOY
by: BlackroseChapter 6
Tulad ng napag-usapan namin ni Noah ay lumabas nga kami today, since holiday at walang pasok ang mga estudyante ay hindi crowded ang kalsada. Sarado ang Casa ngayon ganoon rin ang Burdado. Rest day namin ngayong araw kaya mabuti na lang rin at niyaya ako ni Noah kahapon na gumala kami ngayon.
Nandito kami ngayon sa Wack-Wack Country Club kung saan ay member pala si Noah dahil isa siya sa mga nagmamay-ari ng naglalakihang bahay sa Wack-Wack Green Valley Village. Nasa basketball court kami ngayon pero para kaming hindi maglalaro ng basketball dahil naka-white tshirt, black slim fit jeans at vans si Noah samantalang ako ay naka-black long sleeve sweat shirt, blue skinny jeans at rubbershoes. Sabagay marami rin naman tao ngayon sa open court at may dalawang grupo rin na naglalaro sa tig-isang ring kaya malabong makapaglaro kami ng one-on-one ni Noah. Kung hindi ninyo naitatanong idol ko si Stephen Curry ng Golden State Warriors at si Sakuragi ng Slam Dunk, 3-pointer ako at rebounder rin habang si Noah ang ay point guard at team captain. Iyong last time na naglaro kami ay all one kami, eh race to 3 ang laban namin at ang matatalo ay alipin ng isang linggo pero hindi pa ulit nasundan ang laro namin kasi busy nga kami parehas. Naghabulan na lang kami ni Noah pero after ng 15 minutes na pagtakbo at napagod na ako ay pinasan niya ako sa likod niya o tinatawag na piggy back ride sa mga Korea Novela. Habang pasan niya ako ay may pinakiusapan siyang babae na kuhanan kami ng pictures. At dahil ginamitan na naman niya ng charm at ang pamatay niyang smile, ayun pumayag si Ateng Liit na kuhanan kami ng pictures. Una ay smile lang kami pagkatapos ang huli ay wacky. Nakakatuwa ang camera ni Noah, lumalabas agad ang picture kaya kita agad namin ang kuha namin. Tawa ako ng tawa sa wacky picture namin, nakalabas kasi ang dila ni unggoy na parang pagod na pagod akong kargahin. Binulsa ko agad ang wacky picture namin sa gilid ng blouse ko para souvenier ko iyon sa gala namin today.
Nang magsawa kami sa kagaguhan namin ay niyaya niya na akong mag-almusal dahil hindi pa kami nag-aagahan at alas-sais kami umalis ng bahay. Hininto niya ang sasakyan sa unang McDonalds na nakita namin at doon kami nag-breakfast. Ang kulit ng kasama ko, para akong may kasamang 10 years old na siraulo at abnormal. Kasi ang french fries ay ginagawang pangil, take note may catsup na iyong french fries tapos ang kape ini-straw naman! Sa duration ng breakfast namin ay tawa ako ng tawa sa kanya.
10:30am...
Nandito na kami ngayon sa Megamall, kinukulit ko na kasi siyang mag-arcade na kami habang maaga pa para mag-videoke. Kaya ng makatungtong kami ng Mall ay sa 3rd floor agad kami dumeretso, bumili siya ng 200 pesos worth of tokens at nagsimula na kaming magpaligsahan sa pagkanta. Nang maubos na namin ang lahat ng tokens ay lumabas na kami ng arcade dahil kumakalam narin ang tiyan ko. Alas-dose na kasi.
Tulad ng pinangako niya sa'kin kahapon, kumain kami sa Kenny Rogers Roasters at lahat ng sinabi kong mukhang masarap ay inorder pala niya. Pagdating ng crew na dala ang orders ni Noah ay kinailangan pang idikit ang kabilang mesa para magkasya ang mga inorder niya. As usual, pinagtitinginan kami ng ibang customers.
'Mukhang huling kain na natin ito at bibitayin na tayo mamaya gabi. Haha! Inorder mo ba lahat ng nasa menu nila? Ang dami ah! Tapos dalawa lang tayo? Ayos!' nauna na akong sumubo, inuna ko ang chicken at rice.
'Kailangan maubos natin ang inorder ko, kundi sisingilin kita ng kalahati sa total expenses ko dito! Ano? You up for a game?' katulad ng palagi gawain namin sa kahit anong mga bagay, contest na naman kami pero ngayon ay magkakampi kami at kailangan namin maubos ang 2,000 worth ng inorder niya. Ang gago kasi akala naman isang linggo akong hindi kumain samantalang ang dami rin ng inalmusal namin kanina sa McDo.
'Game!' galit-galit muna kami ni Noah, nag-concentrate ako sa pagkain nang hindi muna umiinom ng softdrinks. Gusto kong tadyakan si Noah sa mga inorder niya! Para talaga kaming bibitayin mamayang gabi, lintek talaga itong si Noah! Abnormal talaga!
BINABASA MO ANG
Marias Of My Life -MARIA JESSIELYN ORTEGA (THE TOMBOY)
RomanceMARIAS OF MY LIFE Maria Jessielyn Ortega THE TOMBOY by: Blackrose Genre: Romance Teaser -----,--'-,-'-{@ Isang ordinaryong tao lamang si Maria Jessielyn Ortega o mas kilala bilang "Jessie" na tawag sa kanya ng kapamilya, mga kapitbahay, mga katraba...