THE TOMBOY -4

3.5K 63 2
                                    

MARIAS OF MY LIFE
Maria Jessielyn Ortega
THE TOMBOY
by: Blackrose

Chapter 4

Mabilis na lumipas ang tatlong araw sa buhay estudyante ko, sa wakas Friday na ngayon at huling araw na ng pagiging mag-aaral ko. Miss ko na ang amoy ng langis at kalawang, ultimo ang pawis ko kapag magtatrabaho ako sa Casa ay talagang namimiss ko na. Miss ko narin ang ingay ng tattoo gun at ang inta. Excited na akong magpunta sa Casa at sa Burdado. Alam kong may gawa ako bukas sa Casa dahil tinawagan ako ni Ninong kahapon para sabihin na maaga ako bukas dahil may pagpapaga daw ng Mitsubishi, turbo daw ang sira. Sa Burdado naman ay Martes pa lang may gawa na'ko para bukas at sa Linggo naman ay fully loaded na ako agad. Bukas na ako magsasabi kay Ninong na hindi ako papasok ng Linggo dahil noong Miyerkules nagtext sa'kin si Noah, binilin lang na sa Linggo nga ay may gawa ako ng 8am. Babae na sa likod magpapa-tattoo tapos ay 11am ay may gawa ulit ako na babae rin, parehas na paa naman daw ang ipapa-tattoo. Parehas daw na referral ang dalawang babae na dati ko daw tinatuan. Tapos kahapon ay tinawagan niya ako ulit para i-advice na may gawa pa daw ako ng 3pm ng Linggo rin, dating customer ko daw na gustong ako ang dumale sa ulo niya. Sa ulo siya magpapa-tattoo daw this time, sinabi rin ni Noah na may gawa parin daw ako ng Sabado after ko sa Casa at dinetalye rin niya sa'kin ang ipapa-tattoo ng tatlo sa Linggo, ako narin daw ang gumawa ng designs. So kahapon pa lang ay sureball ng 3 ang customer ko nitong Linggo.

Since Friday na ngayon at birthday ni Phil ay nagkayayaan sa District 9, lima lang kami lahat. Pumayag narin ako dahil jamming lang naman daw, hindi naman daw magpapakalasing kasi iyong iba sa amin ay may pasok pa daw bukas. At dahil nga Biyernes, naka-civilian kami today. Wash day ng SJ City State College kada Friday kaya dumeretso na kami sa District 9 matapos ang last class namin.

Pagpasok namin sa loob ng District 9 ay marami ng tao. Maaga pa naman dahil 5 minutes bago mag-alas otso pa lang, pinakain pa kasi kami ni Birthday Boy Phil sa KFC bago kami tumuloy dito. Malamang kasi sikat ang lugar kaya maaga pa ay halos puno na, mabuti na lang ay nakapag-reserved na pala si Phil dito kaninang umaga kaya may napwestuhan kaming lima. At dahil wala naman kaming balak magpakalasing ay beer na lang ang inorder ni Phil. Few minutes ay dumating na ang inorder niyang 3 buckets of beer at kasunod lang noon ang mga pulutan na inorder rin niya. Mabilis ang serbisyo nila rito, pwede. Kaya pala marami rin tao dahil quick service sila dito, plus factor sa isang negosyo. Nagsimula na kaming mag-inom, si Bianca at Kleng ay sinalin pa sa tall glass ang beers nila pero kami ni Louie at Phil ay deretso sa bibig ng bote ang inom namin. Cozy ang District 9, maganda ang theme ng buong lugar. Simpleng bar na parang nasa bahay ka lang ang dating, maganda pati ang mga waitress nila. May natanaw pa kaming sikat na basketball player na kasama ang ilan sa mga kilalang lalaking artista, nagsitilian ang ibang mga kababaihan kasama na ang dalawang kasama namin. Lahat ng kantang tinutugtog ng hindi naman kahinaan ay mga bagong kanta ng mga sikat na bands and singers. Kahit naman madalang pa sa patak ng ulan sa disyerto ako nagpupunta sa mga ganito at gumigimik, hindi naman ako bano at ignorante sa mga ganitong lugar maging sa mga kanta. Sinasama kaya ako ni Noah sa mga music lounges, bars, concert halls at clubs kaya alam ko rin ang ganitong lugar. Dumating ang 2nd batch ng 3 buckets of beers namin pati ang 2nd batch rin ng pulutan. Mabilis ang takbo ng pag-inom namin, wala pa kaming isang oras na nakakaupo at nakaka-tatlong bote pa lang ako habang ang dalawang babae ay nakakatig-apat na sila. Inalalayan ko na ang pagkuha ng beer ng dalawa para umabot pa sila ng gising sa uwian namin. Nang mag-CR ako ay past 9 na, mas umingay na ang paligid senyales na nakakarami na ang mga umiinom. Pagkalabas ko ng CR ay may natanaw akong pamilyar na bulto ng katawan maging ng tindig nito. Kung hindi ako nagkakamali ay si Noah ang taong nakikita kong nakaupo na sa gitna ng lugar, ilang mesa ang layo kung nasaan kami naka-pwesto. May kasama siya sa table na ilang babae at mga kalalakihan na namukhaan ko ang isa, si Stephen. Imbes na liliko ako pakaliwa papunta sa table namin ay dumeretso ako ng lakad at huminto ako sa isang round table na puro hard drinks ang tinitira, naninigarilyo rin sila kaya parang pugon ang pwesto nila doon. Sabagay may exhaust fan naman sa bandang likuran nila kaya hindi napapadpad ang mga usok sa ibang mesa. Umupo ako ng basta-basta sa bakanteng silya na katabi ni Stephen. Nagtinginan ang lahat sa akin maging ang mga babaeng kasama nila, malamang naramdaman nilang may iba silang kasama sa mesa.

Marias Of My Life -MARIA JESSIELYN ORTEGA (THE TOMBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon