THE TOMBOY -3

3.4K 69 3
                                    

MARIAS OF MY LIFE
Maria Jessielyn Ortega
THE TOMBOY
by: Blackrose

Chapter 3

7:30am ang first subject ko ngayon, Criminal Law 2 hanggang 9:30am. Last semester ay nakuha ko na ang Criminal Law 1 at nakakamura talaga dahil ang hirap ng subject na iyon, as in M.A.H.I.R.A.P. talaga! Pagkatapos ngayong semester, 2nd year (2nd sem), ay C.L. 2 naman. Ang masakit sa ulo ay yung terror pa ang prof namin dito kaya kadalasan kapag MWF, quarter to 7am ay umaalis na'ko sa bahay. Mahirap ng ma-late sa klase ng Ms. Terror, hindi nagbibigay ng consideration iyon kaya sa lahat ng subjects ko ngayong 2nd sem ay itong Criminal Law 2 ang alagang-alaga ko. Hindi pa ako umaabsent sa klase ni Ms. Terror. 9:30-12:30 naman ay P.I. Lecture at Laboratory, P.I. as in Personal Identification at hindi iyong mura. 12:30-1:30 lunch break tapos 2-4pm ay POLINTEL or Police Intelligence. Ang tapos ng klase ko kada MWF ay 7pm, POLTECH or Police Technical Writing na 5-7pm. Ganyan ka hectic ay schedule ko kapag MWF pero kapag TTH naman, 10am ang simula ng klase ko. 10-11 Forensic Chemistry & Toxicology tapos 11-1 naman ang Laboratory noon. Last subject ko every Tuesday at Thursday ay Marksmanship & Combat Shooting na 3-6pm, Lecture at Actual iyon kaya tinuturuan na kaming humawak, magkalas, magkabit ng baril. Pero hindi pa ang pagpapaputok, sa 3rd year pa daw ang subject na iyon. Sabado ay wala akong pasok, sinadya ko talagang mag-full load tuwing MWF para iyong para sa Sabado na klase ko dapat ay kinuha ko sa ibang section para makapag-trabaho ako ng weekends.

Ang pinoproblema ko na lang mula ng mag-aral ako ng kolehiyo ay ang pamasahe ko, miscellaneous sa school, mga projects at ambagan dahil full scholar ako ng SJ City State College. Inisponsoran ako ni Mayor noong kumakandidato pa lamang siya nang 1st semester na pang 1st year ko. Pagkatapos ay kailangan ko na lang i-maintain ang average na 1.5 para masakop ako ulit ng scholarship sa sususnod na semester. Pero ang maganda at pilit kong inaabot ay ang maging 1.25 average dahil bukod sa scholarship sa susunod na semester, may dalawang sakong bigas ka pa na tulong ni Mayor. Bihira may maka-flat 1 na average pero if may makakaabot ay bukod sa scholarship sa next sem at dalawang sakong bigas, ay may pa-allowance pa galing kay Mayor na 3,000 kada buwan sa next na pasukan. Sobrang talino na lang ng makakakuha noon dahil sa hirap ng mga subjects sa Criminology, I doubt kung maka-1.25 at 1 akong average. Kaya kahit palaging 1.5 ang nakukuha kong average mula ng nagsimula ako ay sobrang thankful ko na kay God dahil hindi ako makakapag-aral kung wala akong scholarship. Sana itong sem na ito ay umabot ako ng 1.25 average para hindi na problemahin ang bigas sa bahay.

Maaga akong nakarating ng eskwelahan kaya hindi ako late sa C.L. 2 subject ko at wala pa si Ms. Terror kaya nag-text muna ako kay Kuya Mark.

Kuya pkikuha nlang s kanto k Aling Ester ung ngttinda ng almusal, kunin m ung 3 order sopas at 1 order lomi. K ttay ang lomi h, byad na un kuya. Bnyran ko na knna bgo p ako mkskay ng jip. ILU kuya. Ingt kyo nla nnay ttay, c kuya miguel kmo mag-apply ngyon arw. Inbutan ko xa ng 100 kgbi, bye.

Maya-maya pa'y dumating na si Ms. Terror at dahil sa terror nga siya, may surprise quiz kami. Lunch break ng makahinga ako ng maluwag. Nagka-recitation pa sa P.I. kaya talagang nilugaw ang utak ko kaya agad-agad akong kumain pagdating ko ng canteen, feeling ko natuyo ang utak ko. At dahil sa may baon ako ay hindi na'ko sumama kila Phil, Bianca, Kleng at Louie na kumain sa labas. Patapos na ako ng biglang tumunog ang cellphone kong China na 3310. Sa mundo ngayon ng high technology gadgets, 3310 parin ang cellphone ko. Well, walang pakialamanan no! Tumatawag si bestfriend Noah! Bakit kaya?

'Hello!'

'Jessie! Anong oras ang uwi mo mamaya?'

'7 pa! Lunes ngayon diba? Bakit?'

'Magpapa-tattoo daw ang tatlong unggoy mamaya. Hindi ko kayang mag-isa iyon, I have a client now and also later at 3:30. Pwede ba makisuyo? Pwede ka ba Jessie?'

Marias Of My Life -MARIA JESSIELYN ORTEGA (THE TOMBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon