1

240 16 0
                                    

Maine's

RJ and I have been friends since birth. Literal na since birth. Mga nanay kasi namin, best friends since college tapos magkapitbahay din kami.

Growing up, I considered RJ not just a friend but as a brother. Parehas kaming walang kapatid, kaya I found the brother I never had in him. Maalaga, pero sobrang papansin.

"Mingming, nakatingin ka na naman sa kawalan."

Napatingin ako bigla sa kanya. Oo, magkasama kami ngayon sa kwarto ko. "Tapos?"

"Concerned lang ako sa'yo. Kanina ka pa nakatulala. Dapat nagbabasa ka dyan."

"Kanina pa ako nagbabasa. Nagpapahinga lang ako."

"Nagpapahinga tapos nakatulala. Ano ba kasi iniisip mo?"

"Chismoso ka talaga forevs, ano? Wala ka na doon."

"Ay, sige na. Kaibigan mo ako di'ba? Sige ka, magtatampo ako sa'yo."

Napairap na lang ako sa kanya. Akala niya naman cute siya kapag nakapout. "Gusto mo ba talaga malaman kung ano iniisip ko?"

Napatalon siya bigla sa kama ko. "Hindi naman kita kukulitin kung ayokong malaman kung ano yang nasa utak mo ngayon."

"Nagtataka lang kasi ako kung bakit kita naging kaibigan."

Ay, eto na. Nagtampo na 'to sa akin. Bigla akong tinalikuran. Tumabi na lang ako sa kanya tapos pinaharap siya sa akin. Hay, this dork talaga.

"Joke lang. Alam mo naman na sobrang thankful ako kasi naging friend kita, di'ba?"

"Friend lang?"

"Tampo ka na nyan? Sige, best friend. Best-est friend. Thankful ako kasi ikaw yung best-est friend ko. Wag na tampo, uy."

Nginitian niya ako. "May konting tampo pa rin ako. Ayun ba talaga iniisip mo kanina?"

"Hindi nga. Iniisip ko kung gaano ako kaswerte sa'yo."

"Ay syempre Mingming, sobrang swerte mo kasi naging kaibigan mo ako."

"Taas ng kumpiyansa mo sa sarili ha. Pero oo, sobrang swerte ko sa'yo, Junior."

Niyakap niya ako nang sobrang higpit tapos niyakap ko rin siya pabalik. "Basta, kahit anong mangyari Mingming, best-est friend pa rin kita."

"Kahit na may asawa ka na at pumuti na ang buhok mo, ako pa rin ang best-est friend mo?"

"Oo naman Mingming! Peksman."

Friends with a Twist [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon