Maine's
Hindi ko inexpect na mahirap pala talagang mapunta sa sitwasyon na ito. And by mahirap, I mean MAHIRAP.
Truth be told, I really had a great time talking with the younger versions of ourselves. Medyo creepy, pero nakaka-amaze rin, lalo na't hindi ko alam at wala akong idea kung paano kami napunta sa past.
Wala kaming choice ni RJ kagabi kundi magstay sa McDo. Open 24 hours naman, kaya walang problema. Nakatulog naman ako doon ng apat na oras, tapos pagkagising ko si RJ naman ang tulog.
"RJ."
"Hmm?"
"Wake up. It's seven o' clock na."
Tuluyan nang nagising ang diwa ni RJ nang maalala niyang wala kami sa bahay namin. "Mingming."
"Yes?"
"Bakit RJ na tawag mo sa akin?"
"Para hindi ako maguluhan kapag kausap ko yung batang version mo."
"So Meng na rin tawag ko sayo?"
"It's all up to you."
Tumayo siya para mag-order sa counter ng aming kakainin for breakfast. Nakausap na rin namin ang crew at sinabi na "may inaantay kami" kaya naki-stay muna kami doon, tapos pumayag naman sila.
Pagkatapos kumain, lumabas na kami at dumiretso sa park. Ineexpect namin na nandun na sila Mingming at Junior, kaso pagkarating namin ibang mga bata ang nakasalubong namin.
"Bakit wala pa yung mga bata, e diba alas syete tayo pumupunta dito sa park nung bata pa tayo?" tanong ni RJ sa akin.
"Siguro late nang nagising si Junior, tapos nagtampo na sa kanya si Mingming."
"Nangyari ba iyon?!"
"Oo. Nage-expect pa ako non na darating ka kaso alas nuwebe na't lahat tulog ka pa rin pala."
As if on cue, nakita naming tumatakbo yung dalawang bata papunta sa favorite nilang duyan. Doon kasi palagi ang tambayan namin ni RJ nung mga bata pa kami.
"Uy, sila ate Maine!" sabi ni cutie Junior habang nakaturo sa akin. Nagulat naman si Mingming sa kanya kaya napatingin din sa amin.
Lumapit na kaming dalawa ni RJ sa kanila. "Ate Meng na lang for short, tutal friends na rin naman tayo."
"Tapos ikaw po, kuya? Chichard?" tanong naman ni Mingming dito sa kasama ko.
"Richard, pero kuya RJ na lang," sagot ni RJ. Nahahalata kong medyo inaantok pa 'to. Siguro kasi binantayan lang niya ako the whole time na tulog ako sa McDo.
"Ate Meng, kuya RJ, sinabi ko po sa parents ko yung nangyari sa inyo," sabi ni Mingming habang nakangiti. Alam mo, kung hindi lang creepy na hawakan ko yung past self ko, kanina ko pa nayakap 'tong batang 'to. Sana hindi na lang ako tumanda anez.
"Ano naman sabi nila?" tanong ko sa kanya.
"Sabi nila baka nag-aalala na parents niyo po."
"Ayaw niyo po ba pumunta sa police station?" tanong ni Junior.
"Nakapunta na kami doon kagabi, tapos sabi nila hahanapin na raw nila parents namin," sagot ni RJ.
We stayed for another hour doon sa park. Para naman hindi na matakot sa amin yung mga bata, kinausap namin sila at nagkwento ng kung ano-ano.
"Paano kayo nagmeet?" tanong ni Junior sa amin.
"Best friends kasi mga nanay namin, tapos magkapitbahay kami. Lumaki kami parehas na kami na yung palaging magkasama," paliwanag ko.
"Parang tayo lang, Junior!" sabi ni Mingming tapos niyakap niya yung kaibigan niya. "BFFs din mommy ko at mommy ni Junior, tapos magkapitbahay din kami."
I smiled. Bata pa lang talaga, close na kami ng lalaking 'to. Walang araw na hindi kami mapaghiwalay, and it's mostly because of me. Sobrang clingy ko kasi.
"We have to go home na," sabi ni Junior matapos niyan tumingin sa relo niya.
"Ayaw!" sabi ni Mingming habang nakaupo pa rin siya sa duyan.
"Mingming, baka mag-alala na mommy at daddy mo," sabi ko. Naalala ko kasi yung time na umuwi kami nang late tapos halos mangiyak-iyak na si mommy.
"But I still wanna talk with you."
"Later na Mingming. Diba babalik naman kayo dito?"
"Ay, oo nga pala! Okay, later ha? Dapat nandito kayo."
Nakaalis na yung dalawang bata tapos pagtingin ko sa tabi ko, tulog na pala si RJ. Kaya pala hindi ko na narinig boses nito.
BINABASA MO ANG
Friends with a Twist [DISCONTINUED]
FanfictionRJ and Maine, friends since birth (like, literally since birth), thought they would end up being lovers but ended up being "just friends" instead. How ironic, because they promised each other as kids that they would be marrying each other no matter...