RJ's
"HINDI PWEDE JUNIOR HOMAYGAD PAANO TAYO BABALIK?!"
"Kalma, Meng..."
"HINDI NGA EH! PAANO AKO MAKAKAKALMA? NAG-AALALA NA FOR SURE YUNG MGA MAGULANG KO KASI KANINA PA AKO WALA."
Sa totoo lang, hindi ko na rin alam kung anong gagawin namin ngayon. Syempre, nalaman na namin na nasa past kami. Nagtataka lang ako kung paano kami napunta dito.
"Kausapin kaya natin yung sarili natin..."
"Baliw ka ba Richard? Anong kakausapin sarili natin?"
"Yung past selves natin. Sarili pa rin naman natin yun. Dali, habulin natin."
"Pero it'll get creepy. Matatakot si young Meng dun for sure."
"Pero baka sila kasi yung may alam kung paano tayo makakabalik sa kung saan dapat tayo ngayon."
Wala nang choice si Meng kaya naglakad na kami papunta sa park na tambayan namin noon. Doon ko kasi nakitang tumakbo yung mga bata. Sila batang Junior at batang Mingming.
Nakita namin sila na magkatabing nakaupo sa mga duyan. Si batang Meng, kinakain yung sorbetes niya. Si batang Junior, nakatingin sa kanya.
Sa sobrang pagkataranta nitong kasama ko, tumakbo na siya papalapit dun sa mga bata. Aba syempre, nagulat yung dalawa nung lumuhod si Meng sa harap nila.
"Hello, mga bata. Uhm, ako si Ming— uhm, Maine. Maine. At siya yung kasama ko, si Richard."
Tumabi na rin ako kay Meng at tumingin sa dalawang bata. Napayuko na lang si batang Meng tapos si batang Junior, ang sungit ng tingin sa amin.
"Sino po kayo?" tanong ni batang Junior.
"Ahh, e nasabi ko na names namin," sagot ni Meng.
"Bakit po kayo nandito? Sabi nila daddy, don't talk to strangers."
"W-we're not strangers! Uhh, yes hindi niyo pa pala kami kilala. Pero, n-nawawala kasi kami ni k-kuya Richard niyo."
"Nawawala po? Nasaan po mommy at daddy niyo?"
"Ayun na nga eh. Hindi namin kasama mommy at daddy namin."
Tumingin na rin si batang Meng sa amin. "Bakit po kasi kayo lumayo sa kanila?"
"OMG ANG CUTE KO NUNG BATA AKO!" biglang sigaw ni Meng kaya nagulat na naman si batang Meng. Hala, nakapout na.
"Cute ka naman po kahit hindi ka na bata eh. Saan po ba kayo huling magkasama ng mommy at daddy niyo?" tanong ni batang Junior. Ayun oh, ang talino ko talaga.
"Saan nga ba?" napabulong si Meng sa akin.
"S-sa McDo! Doon sa McDo sa kabilang kanto. Ano, umalis sila saglit tapos akala namin ng ate Maine niyo, nandoon lang sila sa labas. Ayun, napunta kami dito."
"McDonalds?" tanong ni batang Meng. "Kagagaling lang namin dun kanina ha! Ang sarap ng chicken nila tapos—"
"Mingming, stop muna kwento! Sila muna magsasabi ng kwento para mahanap na nila parents nila para hindi na mag-alala parents nila kasi nawawala nga sila."
"Pero big na sila eh," sagot ni batang Meng habang kinakamot ang ulo. "I'm confused kasi, Junior. Diba kapag big na dapat alam mo na kung saan ka pupunta?"
"Bago lang kasi kami dito," paliwanag ni Meng. "Uhm, alas singko na. Baka kailangan niyo nang umuwi."
Sa totoo lang, alas singko talaga ang oras ng pag-uwi naman nung mga bata pa lang kami. Hindi nga lang nila napansin ang oras kasi kausap nila kami.
"Paano po yun, kailangan na naming umuwi ni Mingming? Saan po kayo pupunta?" tanong ni Junior habang hinahawakan ang kamay ni Mingming.
"Sa house ko na lang!" sabi ni Mingming.
"Hindi pwede, Mingming. Mas malayo yung house niyo kaysa dito doon sa McDo. Mas malabong mahahanap sila kung nandun sila sa house mo."
"May telephone naman dun eh! Pwede nating tawagan ang police."
"No, hindi namin kailangan ng pulis," sagot ko. Baka kasi tawagin talaga nila yung pulis, tanungin pa full name namin. Mahirap na. "We can handle this."
"Gagabihin po kayo dito. Baka pagalitan po kayo," sabi ni Junior.
"No, cutie. Okay lang kami. Sabi nga ng friend mo, big na kami diba?" sagot ni Meng. "Basta bukas, punta uli kayo dito sa park ha?"
"Araw-araw naman po kami pumupunta dito. Sige po, bukas na lang po."
Bago pa makaalis ang dalawang bata, hinabol sila ni Meng para tanungin kung ano ang pwede naming itawag sa kanila.
"Junior po, tapos sa kanya po Mumu po," sagot ni Junior.
"Bad! It's not Mumu, it's Mingming."
BINABASA MO ANG
Friends with a Twist [DISCONTINUED]
FanficRJ and Maine, friends since birth (like, literally since birth), thought they would end up being lovers but ended up being "just friends" instead. How ironic, because they promised each other as kids that they would be marrying each other no matter...